Chapter 45

5.7K 174 4
                                    

This chapter is dedicated to:
JenorPonsica

Thank you for reading and supporting my story! 💛

— — —

T H I R D  P E R S O N

"Panahon ng pulang buwan? Anong meron sa pulang buwan? Kailan naman darating yung panahon na yun? Kapag matanda na talaga ako sa katawang mortal na ito?"

Sunod-sunod na tanong ni Scarlet habang kunot ang kanyang mga noo.

"Aktibo ang mga bampira sa panahon ng pulang buwan, lalo na ang mga nosferatu at sanguine. Mas lalo silang nagiging uhaw sa dugo kapag sumasapit ang pulang buwan."

Sagot ni Mr. Kurt sa isa sa mga tanong niya.

"That's true. Mas nagiging sabik sila sa dugo sa panahon na yan, halos parang mga asong wala na sa katinuan. Ganyan sila kabaliw sa dugo kapag dumating na ang panahon ng pulang buwan."

Pagpapatuloy ni Ms. Laura.

"I don't care about those nosferatu and sanguine vampires. All I want to know ay kailan ba ang panahon ng pulang buwan na yan? Gaanong katagal pa na panahon ang kailangan kong hintayin para maging isang ganap na talagang bampira? I really wanted to rescue those who are held hostaged by Monica. I am considered and known as their queen yet I can't even do anything for them."

Malungkot at desperadang sambit ni Scarlet habang tinitignan silang lahat.

Nararamdaman nilang lahat na gustong-gusto na talaga niyang iligtas ang lahat ng nasa SU ngayon, pero katulad nga ng sabi niya ay wala siyang magawa kasi nananatili parin siyang mortal. Hindi niya kayang harapin si Monica ngayon, kasi kung pagbabasehan lang ang pisikal niyang kalakasan ay wala itong maitutulong.

"Hindi mo na kailangang maghintay ng napakahabang panahon, Scarlet."

Nakangiting sambit ni Mr. Cedrick. Kunot-noo naman siyang tinignan ng dalaga.

"What do you mean?"

"Mamayang hatinggabi na ang simula ng panahon ng pulang buwan. Tuluyan ka ng magbabagong-anyo at magiging isang ganap na talagang bampira."

"T-Talaga?"

Natutuwa niyang tanong ulit sa ginoo na nakangiti sa kanya.

Sabay-sabay na tumango ang mga miyembro ng High Council pati na rin si Lauren. Lubos na kasiyahan ang nararamdaman ni Scarlet kasi hindi na niya kailangan pang maghintay ng mahabang panahon para maging bampira.

"P-Pero paano ang magiging proseso ng pagbabagong-anyo ko? Wala ba akong mararamdaman o magiging masakit ba?"

Curious niyang tanong sa kanila.

"Makakatulog ka lang naman ng napakahimbing, kahit na anong ingay sa paligid ay hindi ka magagawang gisingin. Titigil ang pagtibok ng puso mo na para bang patay ka na. Ngunit pagkagising mo ay makakaramdam ka ng pagkatuyo sa iyong lalamunan, dahil ito sa matinding pagkauhaw mo sa dugo. Isang tikim ng dugo ay hindi mawawala yung uhaw na iyon, hahanap-hanapin mo ito hanggang sa makuntento ka na sa dami ng dugo na nainom mo."

Paliwanag at pagsagot ni Ms. Dianna sa kanyang tanong.

Tumango-tango si Scarlet habang naiisip niya ang mga sinabi ng ginang. Hindi niya maisip ang kanyang sarili na magiging uhaw na uhaw sa dugo. Hindi rin naman talaga niya maisip na isa pala siyang bampira na may mortal na katawan. Hanggang ngayon ay hindi parin niya lubos na matanggap na galing siya sa pamilya ng mga bampira.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon