Chapter 17

7K 200 26
                                    

T H I R D  P E R S O N

"By the way, sorry nga pala Andrea kung hindi ako nakauwi sa dorm kagabi."

Sambit ni Scarlet habang papunta silang tatlo sa kanya-kanya nilang classroom.

"It's fine, pero saan ka nga ba natulog kagabi?"

Tanong ni Andrea sa kanya.

"Sa Headquarter ng mga Royalties."

Nahihiyang sagot niya.

Nagulat naman sina Briella at Andrea dahil sa sagot niya.

"Woah woah woah.."

Hindi makapaniwalang reaksyon ni Briella dahil sa sagot ni Scarlet.

"Oh my glob, akala ko dun ka natulog sa dorm ni King! Sayang naman!"

Sambit ni Andrea kaya natigilan si Scarlet.

"Actually, dun ako natulog sa kwarto niya sa Headquarter.."

Nahihiyang sambit ni Scarlet.

"Wait, what?"

Sabay na tanong nina Andrea at Briella habang nakakunot ang kanilang mga noo.

"Y-Yeah, hindi ko rin talaga maalala kung paano ako napunta dun sa kwarto niya. Siguro nahimatay ako kagabi dahil sa sobrang takot.."

Huminto sila sa hallway kung saan kailangan na nilang maghiwa-hiwalay dahil nga sa hindi sila magka-kaklase, magkakaiba kasi sila nang mga course.

"Tell us what happened mamayang lunch ah."

"May utang ka saming kwento, Scarlet!"

Nakangiting sambit naman nina Andrea at Briella sa kanya bago sila maghiwa-hiwalay.

Pagkadating niya sa kanyang classroom, agad na nagtinginan ang lahat ng kaklase niya sa kanya. Maliban nalang siguro sa lalakeng nakayuko sa table niya na katabi mismo nang pwesto kung saan siya palaging naupo.

Binalewala nalang niya ang mga tingin ng kanyang mga kaklase at umupo nalang sa kanyang upuan. Bigla namang dumating ang kanilang professor, binati nila ito at agad rin silang pinaupo.

Tinitignan-tignan naman ni Scarlet ang katabi niyang lalake na kanina pa nakayuko sa mesa nito. Kahit nung dumating ang kanilang professor ay hindi man lang ito bumati.

"Before anything else, I just want to congratulate the new Queen of Sanguine University, Queen Scarlet Celine Flammia. Congratulations for becoming our new Queen, please lead us well."

Nakangiting sambit ng kanilang professor.

Napapangiti at tango na lamang si Scarlet kahit na sa loob-loob niya ay grabe ang hiya na nararamdaman niya.

"And Queen, kindly pat the guy beside you because I am now going to start on our new lessons for today. Thank you in advance."

"Okay po.."

Tinignan ni Scarlet ang katabi niyang lalake na hanggang ngayon ay nayuko parin sa sariling mesa nito.

Tinapik-tapik niya ang balikat nito para magising.

"Hoy, gumising ka daw sabi nung professor natin. Magsisimula na yung lessons."

Pabulong na sambit ni Scarlet habang patuloy parin na tinatapik ang lalake.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon