Chapter 5

10.8K 323 13
                                    

T H I R D  P E R S O N

Nakatitig parin si Scarlet kay Maximus na hanggang ngayon ay nakatitig rin sa kanya. Sunod na tinignan ni Maximus ay yung cafeteria boy na kaninang kausap ni Scarlet.

"Who told you that you're allowed to touch her?"

Malamig na tanong niya sa lalake at binitawan na ang kamay nito. Nakatingin parin siya dito gamit ang kanyang malalamig na mga mata.

"H-Hindi ko po sinasadya, K-King."

Nauutal na sambit ng binatang nasa counter.

Nilingon ito ni Scarlet at nakita niya itong nakatungo na mukhang takot na takot sa lalakeng biglaang sumulpot mula sa likod niya.

"Tss. I'll pay for her lunch."

Malamig na sambit ni King na biglaang ikinalingon sa kanya ni Scarlet na nanlalaki pa ang mga mata.

I-Ililibre ako nitong unggoy na 'to?!

Kinuha ni King ang wallet niya at naglabas ng 1000 pesos. Inilapag niya ito sa counter at agad na kinuha ang tray ng pagkain ni Scarlet.

"Let's go, Scarlet."

Pagtawag niya kay Scarlet na hanggang ngayon ay tulala parin sa mga nangyayari sa harapan niya.

Muli siyang tinignan ni King habang bitbit ang tray niya.

"What now? You're just going to stay there with your amazed face? Everyone wants to buy their food too, Scarlet. Don't block the counter."

Malamig at masungit muling sambit ni King sa kanya.

"K-King, yung s-sukli niyo po."

Nauutal na sambit ng binata na nasa counter na hanggang ngayon ay natatakot parin sa presensya ni King.

Tinignan siya ni King, "Keep the change. Scarlet! Let's go."

Agad na natauhan si Scarlet ng biglang tumaas ang tono nang boses ni King. Nilingon niya ang binatang nasa counter at nagbow siya dito bilang paghingi nang pasensya dahil sa ginawa ni King.

Nang tignan niya si King ay naglalakad na ito palayo habang bitbit ang tray niya. Wala naman siyang magawa kaya sinundan nalang niya ito hanggang sa makarating sila sa nag-iisang long table dito sa cafeteria.

Ito siguro yung table nilang mga Royalties. Tss. Masyadong mga pa-VIP.

Inilapag ni King ang tray ni Scarlet sa table at umupo siya. Tinignan niya ang dalaga na hanggang ngayon ay naa-amazed parin sa mga nangyayari.

"Eat now. Don't tell me you're just going to stand there?"

Masungit na tanong niya kay Scarlet. Inirapan naman siya nang dalaga at padabog na naupo sa upuan.

"Ano ba kasing trip mo?"

Naiinis na tanong sa kanya ni Scarlet.

Tinignan siya ni King na may pagtatanong sa mga mata.

"Trip?"

Muli siyang inirapan ni Scarlet at sinamaan ng tingin.

"Oo! If you're just making fun of me, can you please stop?!"

Naiinis na sigaw ni Scarlet sa kanya. Bigla naman niyang na-realized na maraming tao sa paligid nila. Inilibot niya ang kanyang paningin sa paligid at halos ang karamihan ay nakatingin sa pwesto nilang dalawa ni King.

Nagulat ang lahat dahil sa pagsigaw niya kay King. Dahil sa ginagalang at takot ang lahat ng estudyante sa binatang kasama niya kaya nagulat ang lahat dahil ginaganun lang niya ang tinuturing na hari sa Sanguis University.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon