Chapter 12

8.1K 272 12
                                    

T H I R D  P E R S O N

"Haaaa?!"

Gulat at nanlalaking mga mata na pagkakasambit ni Andrea dahil sa sinabi ni King.

Nanlalaki rin ang mga mata ni Scarlet dahil dito. Sinulyapan naman niya ang mga estudyanteng nasa paligid nila, pati sila ay nagulat dahil sa sinabi ni King. Lahat sila ay napahinto sa kani-kanilang mga pinaggagawa at pinag-uusapan.

"Hakdog! Tara na nga! Kung ano-ano na naman mga pinagsasabi mo eh!"

Hinawakan ni Scarlet ang kamay ni King at hinila niya ito palayo sa hallway.

Hila-hila niya parin si King hanggang sa mapunta sila sa garden ng SU. Wala nang katao-tao sa paligid, ngunit may mga ilaw pa naman mula sa mga poste sa paligid ng garden.

"It's actually fine if you really want to hold my hand forever."

Nakangisi at mapang-asar na sambit ni King.

Bigla namang na-realize ni Scarlet na kanina pa niya hawak ang kamay ng binata kaya agad niya itong bitawan at nagkunwaring nandidiri para matakpan ang pagkapahiya niya.

"Eeww, ayoko nga! Tsaka ano ba yung sasabihin mo, ha? Bakit kailangang tayong dalawa lang?"

Naiiritang tanong niya kay King na kanina pa siya tinititigan habang nakangisi.

"I didn't even said earlier that we have to talk alone, I was actually with the other Royalties. Unless.. you want to have an alone time with me."

Nakangising sambit ni King na siyang ikinangiwi naman ni Scarlet na para bang diring-diri sa sinabi nang binata.

"May sinabi ka kaya!"

Pagde-depensa niya sa kanyang sarili kahit na alam niya naman talaga na walang sinabi na ganun si King.

"Nope, I just told you that I need to tell you something."

"Whatever! Ano ba kasi yung sasabihin mo? Sabihin mo na agad, ayokong magstay dito nang matagal."

Mataray na sambit niya habang ginagala ang buong paningin sa paligid nilang dalawa.

Natatakot kasi siya na baka maabutan sila nang 6:30 PM at baka may bampira na namang sumulpot sa harapan niya. Parang na-trauma na siya dahil sa pangyayari na yun.

"I just wanted to tell you that I want you to be my date on this coming private party of my close friend."

Seryosong sambit ni King.

"Gusto mo akong maging date sa private party nung close friend mo? Bakit ako? Pwede namang si Lucy nalang!"

Naiinis na sambit ni Scarlet sa kanya.

"Who's Lucy?"

Nagtatakang tanong sa kanya ni King.

"Yung kaibigan niyong babae na galit na galit sakin!"

"She's Lauren."

"Whatever! I decline your invitation, sorry."

Inis na sambit niya at nagsimula nang maglakad palayo.

Naiinis siya kasi yun lang pala ang sasabihin ni King pero bakit pa niya ito hinila palayo kanina, pero naisip niyang kasalanan rin pala niya kung bakit sila nasa garden kasi dun niya hinila ang binata.

Patuloy parin siya sa paglalakad nang biglang namatay ang lahat ng ilaw sa paligid, ngayon ay napapalibutan na naman siya nang napakadilim na paligid.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon