Chapter 4

10.6K 333 2
                                    

S C A R L E T

Tapos na ang first and second subject ko, two more subjects for today after our lunch and uwian na! I am still sleepy right now, feeling ko sobrang pagod ng katawan at nang utak ko ngayon dahil sa mga nangyari kagabi.

I still have so many unanswered questions inside my head right now. Like, paanong may vampire dito sa loob ng SU? Bakit may mga ganoong uri nang nilalang sa panahon ngayon? Bakit parang hindi man lang natakot si King nung patayin niya yung vampire? Baka sanay na siya? Or.. No, hahahaha. Imposible yung isang tanong na iniisip ko, mas mukha pa nga siyang unggoy eh.

Wait.. What the heck!

Bakit ba yung unggoy na yun ang iniisip ko?! Nababaliw ka na talaga, Scarlet. Sobrang kulang ka lang talaga sa tulog. Kailangan mong bumawi nang tulog mamaya, baka kasi tuluyan ka nang mabaliw na pati yung unggoy na yun ay napapadpad sa isip mo.

Ang tagal naman nila Andrea at Brianna, kanina pa ko naghihintay dito sa table namin kahapon. Hindi ko kasi sila classmates, si Andrea ay isang medical student while si Brianna naman ay isang engineering student. Pero sabagay, understandable naman kung bakit ang tagal nila ngayon dumating kasi magkalayo ang building nilang dalawa.

Nilibot ko ang paningin ko sa paligid nitong cafeteria.

Everything is just a usual scenario inside the cafeteria, everyone's enjoying their meals. Chatting with friends, bullying someone and other cafeteria scenes.

I looked at my wristwatch. Ang tagal talaga nila Andrea, mauuna na nga akong bumili nang pagkain ko. Bahala na silang dalawa, the monsters inside my tummy are already growling because of hunger.

I stand up, grab my phone and wallet. I put them on my jeans' back pocket.

Agad akong pumila, mabuti nalang hindi na masyadong mahaba.

When it was already my turn, I looked to the menu in the counter.

"1 Mango Graham Shake, yung large size. 1 order of Carbonara and fruits. Also, don't forget a bottle of water."

After kong sabihin ang mga order ko ay kinapa ko ang bulsa sa likod ng jeans, wala dito yung wallet ko pero nandito yung phone ko.

Dito ko lang yun nilagay kani-kanina, imposibleng may kumuha nun nang hindi ko nararamdaman. Pati ba naman dito may mga magnanakaw? They all look so freakin' rich, for pete's sake!

"Miss, 350 pesos lahat ng order mo."

Magalang na sambit sakin nung lalake na nasa cashier.

I looked back at him, "Wait lang ah, I think I lost my wallet."

Kinapa-kapa ko parin yung mga bulsa ng pants ko pero wala talaga yung wallet. Is this even for real?! I can't believe na may magnanakaw dito sa SU!

Pero magnanakaw agad, Scarlet? Baka naman nahulog mo yun somewhere while papunta ka sa pila then may ibang nakapulot nun. Pero hays.. Paano ko na mababayaran yung mga inorder ko?! Nakakahiya naman kung ipapalista ko sa kanya, hindi naman 'to sari-sari store for me to do that. Tss.

"Ganun po ba? Libre ko nalang muna 'to sayo, miss."

Napalingon ako sa kanya, nakangiti naman siya sakin.

Libre niya nalang daw yun sakin? Really? Woah..

"H-Ha? No, wag na. Baka ibawas pa sa salary mo yan, lagay mo nalang ako sa list niyo na may charge akong 350 pesos."

Nahihiya kong sambit sa kanya.

Nakakahiya naman kasi talaga! Like imagine, you're studying in a prestigious academy and yet you lost your wallet. Then this staff cafeteria boy treat you because you looked like a broke high school girl because you lost your freakin' wallet.

Tsaka ayoko namang ibawas yan sa mothly salary niya. He worked hard for it then mababawasan lang just because he treated me.

Nah, ayoko. Nakakahiya.

Pero mukhang we're on the same age, I wonder why he's working instead of studying. And if I'm going to describe him, he's good-looking. Now I know why most of the girls are excited to go here because they want to see this handsome creature.

"Miss? Okay ka lang ba?"

Muli niyang pagtawag sakin kaya bigla akong nabalik sa tamang katinuan.

Damn it, Scarlet. Nakakahiya ka!

"Y-Yes? Uh, I'm sorry.."

Nahihiya kong sambit sa kanya, bahagya siyang tumawa at naramdaman kong medyo uminit ang mukha ko dahil sa kahihiyan.

You're blushing again, Scarlet Celine Flammia!

"Namumula ka, miss. May sakit ka ba?"

Tanong niya na may pag-aalala sa boses niya.

He was about to put his hand on my forehead when suddenly someone grabbed his hand, stopping this guy to touch me.

Agad akong napalingon sa taong gumawa nun at nanlaki ang mga mata ko.

"K-King.."

He looked at me with his cold eyes still holding the guy's hand.

"No one is allowed to touch you, Scarlet."

He said with his very cold and authoritative voice, it sends shivers all over my body.

Nakaramdam agad ako nang takot nung magsalita lamang siya. Isang sentence lang yun pero nakakatakot agad ako.

A's Note:

Galit na galit si King, gusto manakit? 👀😂 Possessive! Hope all :)

Anyways! Don't forget to vote, share and comment your opinion about this chapter. Mwah! 💋

Love lots ♡

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon