S C A R L E T
"Almost one week na ko dito, Lauren. B-Baka nanghihina na si King.. kailangan na nating makatakas dito!"
Sambit ko sa kanya na prenteng-prente lang na nakahiga sa kama.
"Look, more a month na ko dito. Yan rin ang nasa isip ko nung una kong dating dito, kaso wala akong maisip na paraan para makatakas."
Tugon niya.
Tama nga naman siya, more than a month na siyang nandito at paniguradong naghanap rin siya nang way kung paano siya makakatakas dito. Pero hindi talaga pwedeng magtagal pa ako dito, baka bumalik na naman ang pagkauhaw ni King at wala na naman ako sa tabi niya ngayon.
Bakit ba kasi dumating pa yung Monica na yan? Bakit kasi hindi nalang siya magmove-on since in the first place siya naman ang kusang nag-iwan ng pwesto niya?
"You're right, but we really need to escape. Kailangan na kailangan ako ni King, baka nanghihina na naman siya dahil sa pagkauhaw niya sa dugo ko.."
Nag-aalalang sambit ko.
Umayos siya nang upo at tinignan ako habang nakakunot ang kanyang noo.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pagkauhaw? Do you mean..?"
Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata at bakas ang gulat sa buong mukha niya.
"Oh my.. you are his mate. He made you as his mate. He literally owns you. You are owned by the vampire king, Scarlet."
Hindi makapaniwalang sambit niya.
"Yes, Lauren. That's the reason why we need to find a way to escape this dungeon, halos isang linggo na akong wala sa tabi niya and paniguradong nanghihina na yun dahil sa pagkauhaw niya sa dugo ko."
"But I already tried everything para lang makawala dito pero wala parin talaga, Scarlet."
Tugon naman niya sakin.
"No, let's just think positive. Siguro meron ditong hidden door or something."
Sambit ko sa kanya at kinapa-kapa ang pader.
I may look so weird and desperate, but who knows meron parang hidden door dito sa loob ng kulungan na 'to at sana nga meron talaga. We really need to escape as soon as possible. Just the thought of King being so weak makes me weak too. Hindi ko na kayang makita ulit siya sa ganung sitwasyon.
"Scarlet, naniniwala ka parin sa mga hidden door? We are already in the modern era, wala nang ganun."
Sambit niya sakin.
Hinarap ko siya nang nakataas ang aking isang kilay habang nag-cross arms.
"Yan rin ang sabi ko sa sarili ko dati nung unang beses kong maka-encounter ng sanguine vampire. Iniisip ko na nasa modern era na tayo at napaka-imposibleng meron pa talagang ganun. But look what happened, napapaligiran pala ako nang mga bampira. Same thing lang sa sitwasyon natin ngayon, malay mo meron palang hidden door dito sa loob kahit na nasa modern era na tayo."
Mahabang paliwanag ko sa kanya.
Inirapan naman niya ako at sumandal sa pader na nasa tabi niya.
"Whatev — w-what the?"
Nanlaki ang aming mga mata dahil sa nangyari. Gulat na gulat siyang tumingin sakin.
Sakto kasing pagkasandal niya ay ang pagbukas ng pader na para bang pinto. Nauna siyang pumasok siya sa loob ng pinto sa pader. Agad ko naman siyang sinundan.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...