T H I R D P E R S O N
Agad silang niyaya ni Ms. Dianna sa loob ng mansyon. Nakasalubong naman nila si Mr. Cedrick na saktong kakababa lamang mula sa ikalawang palapag. Nilapitan niya ang tatlo na kunot ang kanyang noo.
"Scarlet? Lauren? Anong ginagawa niyo dito? At bakit kayong dalawa lang?"
Kunot-noong tanong ni Mr. Cedrick sa dalawang dalaga.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Mr. Cedrick. We need the help of the High Council."
Sambit ni Scarlet habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Help? What do you mean by that, Queen Scarlet?"
Biglang tanong ni Ms. Laura na kakapasok lang sa loob ng mansyon.
Bakas sa mukha ng tatlong miyembro ng High Council ang pagtataka dahil sa sinabi ni Scarlet.
"But before that, can we please sit down?"
Sambit ni Ms. Dianna at niyaya silang lahat sa napakalawak na living room ng mansyon.
Magkatabing umupo sina Scarlet habang nakaupo naman sa harapan nilang dalawa ang tatlong miyembro ng High Council.
"Alright. What are you trying to say earlier, Scarlet?"
Paninimula ni Ms. Laura.
"We need your help. The whole Sanguis University needs your help."
Seryosong sagot ni Scarlet sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni Mr. Cedrick dahil sa sinabi niya.
"Pero bakit niyo kailangan yung tulong namin? Royalties kayo and dapat kayo ang umaayos ng problema sa loob ng SU."
Pangangaral ni Mr. Laura habang kunot rin ang kanyang mga noo.
"Laura, they wouldn't ask for our help if they can still handle the problem inside the university. I'm pretty sure that everything is getting out of hand, am I right?"
Biglang tanong ni Mr. Kurt na kadarating lamang. Umupo siya sa tabi ni Ms. Laura, binalingan niya nang tingin si Scarlet at nginitian.
Dahan-dahang tumango si Scarlet at Lauren.
"Kurt is right, hindi naman talaga humihingi ng tulong ang mga Royalties kung kaya naman nilang ayusin ang problema. Knowing King, he doesn't want to ask someone's help kapag alam niyang kaya pa niyang ayusin ang lahat. This is actually the first time na humingi ng tulong samin ang mga Royalties, kaya humihingi kami nang tawad sa naging reaksyon namin."
Paghingi nang paumanhin ni Mr. Cedrick sa dalawang dalaga.
"Enough with the chitchats, let's just proceed to the main agenda. Ano bang nangyayari ngayon sa SU, Queen? Bakit kayong dalawa lang ang nandito at wala ang iba pang miyembro ng Royalties?"
Tanong ni Ms. Dianna kay Scarlet.
Nagkatinginan sina Lauren at Scarlet dahil sa tanong ni Ms. Dianna sa kanilang dalawa. Tinanguan naman ni Scarlet ang kaibigan niyang babae para siya na mismo ang unang magpaliwanag.
"I know that you guys knew who is Monica, right?"
Paninimulang tanong ni Lauren sa kanila.
Kumunot naman ang kanilang noo na para bang inaalala nila kung saan nila narinig ang pangalan na iyon.
"I remember! She's the former Queen of Royalties before Scarlet came up."
Sagot naman ni Mr. Kurt sa tanong ni Lauren.
"And what about her, Lauren?"
"She's the one who started the ruckus inside SU right now, I also found out na siya pala ang dahilan kung bakit nagkakalat tuwing 6:30 pm ng gabi ang mga bampirang uhaw sa dugo."
"What?! Paano niya nahanap ang mga sanguine at nosferatu? Paano niya nakuha ang loob ng mga yun?"
Sunod-sunod na tanong ni Ms. Laura dalawang dalaga.
"Maybe she brainwashed them, just like what she did to my friend."
Sinagot naman ni Scarlet ang tanong niya.
"But that's not just the problem, Monica also wants to retrieve her former position as the Queen."
Pagpapatuloy ni Lauren habang tinitignan isa-isa ang mga High Council na nakikinig sa kanya.
Si Scarlet naman ay tahimik lang rin na nakikinig sa mga sinasabi ni Lauren. Hindi niya kayang magpaliwanag ngayon dahil sa napakaraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan ngayon.
Marami siyang tanong sa High Council na tanging ang mga ito lang ang makakasagot.
"She can't be the Queen anymore because Scarlet is already here."
Sambit ni Ms. Dianna.
"That's right. Kasama rin sa kasunduan noon na temporary lang siya sa pwesto na yun hangga't hindi dumadating ang babaeng nakatakda talaga sa position na yun, matatanggal lamang siya sa position na yun kapag dumating na ang tunay na reyna nang Royalties."
Mahabang paliwanag ni Mr. Cedrick, pagkatapos niyang magsalita ay binalingan niya nang tingin si Scarlet na tahimik paring nakikinig sa kanilang pag-uusap.
"Tinanggal na namin siya noong panahon na mag-aaral na sa SU si Scarlet."
Pagpapatuloy ng ginoo habang nakatingin kay Scarlet. Kumunot naman ang noo nang dalaga dahil sa sinabi niya, hindi niya malaman at maintindihan ang mga pinagsasabi ni Mr. Cedrick.
"What do you mean by that, Mr. Cedrick? Ako ang nakatakdang reyna nang Royalties?"
Kunot-noo na tanong ni Scarlet sa ginoo habang binabalingan rin ng tingin ang bawat isang kasama niya.
"Alam mo rin ba 'to, Lauren?"
Pagtatanong niya sa kanyang kaibigan na agad rin namang itinanggi nito.
"No, hindi ko rin alam ang lahat. Ang alam ko lang ay umalis si Monica nang walang paalam saming lahat, iniwan niya kaming mga Royalties and that made King so broken and angry."
Sinsero at seryosong pagsagot ni Lauren kay Scarlet.
"Alam naman na talaga ni King na temporary queen lang si Monica, alam na alam niya yun. Nung dumating ang time na kailangan na talagang tanggalin si Monica bilang reyna, nakiusap pa samin si King noon na kung pwede gawin ng permanenteng reyna si Monica kasi napamahal na siya sa dalaga."
"Pero hindi namin sinunod ang gusto at pakiusap niya, dahil mahigpit na pinagbabawal ng ating mga batas na kung ano man ang pinagkasunduan na ay hindi na dapat pang sirain."
Pagku-kwento at paliwanag nina Mr. Kurt at Mr. Cedrick sa dalawang dalaga.
"Scarlet being enthroned as the Queen of the Royalties has been already dedicated, given, announced, gifted, chosen and written thousand years ago. Your mother and father, Christoper and Freia Flammia, dedicated you to be the next Queen of Royalties after their reign, as their forever pledge of loyalty to the Vampire Society."
Seryosong sambit ni Ms. Laura kay Scarlet habang nakatitig sa dalaga na kasalukuyang gulat na gulat sa kanyang nalaman ngayon.
Hindi niya inaasahan na totoo nga talagang bampira rin ang kanyang mga magulang, na hindi lang siya namamalik-mata noong nakita niya ang old class picture ng mga ito sa lumang library na kanilang napuntahan ni Lauren.
"T-Thousand years ago.. then that means, bampira rin sila mom and dad? Kung bampira sila, edi.."
Hindi makapaniwalang tanong at sambit ni Scarlet sa kanilang lahat.
"Yes, Scarlet. You are also a vampire."
Seryosong tugon ni Ms. Laura sa kanya.
—
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...