Chapter 13

8.4K 244 17
                                    

A N O N Y M O U S

Nandito lamang ako sa isang lugar na mataas kung saan tanaw na tanaw ko ang buong kapaligiran ng Sanguis University.

Ine-enjoy ko ang aking wine nang biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang kaibigang hindi ko naman inaasahan ngayong gabi.

"How's the girl?"

Tanong ko sa kanya.

"Niligtas na naman siya nang hari."

Naiinis na sagot nito sa tanong ko.

"As expected, the King will always save his Queen."

Sambit ko at inubos ang natitirang wine sa baso ko.

"Are we going to proceed on our next plan, celsitudinem tuam?"

Muli kong inilibot ang aking paningin sa kapaligiran ng Sanguis University at hinarap ang kaibigan kong ito.

"For now, let them rest temporarily. Maghihinala na sila kapag sunod-sunod na gabi na ang ganitong mga pangyayari."

Sagot ko sa kanyang tanong.

"Noted. But how about the new crowned Queen? Ano ang susunod na gagawin sa kanya?"

"Just keep what you're doing right now, don't forget na lagi mo akong i-update sa mga galaw niya."

Muli kong sagot sa mga tanong niya.

"Noted, celsitudinem tuam."

Tinanguan ko siya at nginisian.

Muli kong ibinaling ang aking paningin sa buong SU.

'Sooner or later, everything will happen according to my plans. Oh, how exciting!'

T H I R D  P E R S O N

"I'll take you to your dorm, Scarlet."

Mahinahong sambit ni King kay Scarlet na hanggang ngayon ay nakayakap parin ng mahigpit sa kanya.

"A-Ayoko! Baka s-sundan nila ako dun!"

Nauutal paring sambit ni Scarlet.

Ramdam parin ni King ang pagkatakot nang dalaga dahil sa nangyari kanina. Parang na-trauma si Scarlet dahil sa pangalawang beses na itong nangyari sa kanya at muntik-muntikan na naman siyang mamatay kung hindi pa ulit siya niligtas ni King.

Sino ba naman kasi ang hindi mato-trauma sa near death experience na dalawang beses nang nangyari sayo?

"Alright, I'll take you to the Royalties' Headquarter. Is it fine with you?"

Tumango-tango na lamang si Scarlet, since ayaw naman niyang magstay sa dorm nila ni Andrea kaya sa Headquarter ng Royalties nalang muna siya mag-stay ngayong gabi.

"Let's go, we both need to rest."

Humiwalay na siya sa pagkakayakap kay King at ngayon lang niya na-realized na kanina pa pala siya nakayakap sa binata.

Pero dahil sa takot na takot parin siya ay humawak siya sa braso ni King, hinayaan naman siya nang binata at nagsimula na silang pumunta sa Headquarter.

Dahil nasa tago at dulong lugar ng SU ang Headquarter nang mga Royalties, malayo-layo rin ang lalakadin nilang dalawa.

Habang naglalakad silang dalawa sa tahimik na hallway, palingon-lingon naman si Scarlet habang mahihpit parin ang pagkakahawak sa braso ni King.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon