Chapter 32

6K 182 14
                                    

S C A R L E T

Umupo na ang lahat ng bisita sa kanya-kanyang upuan dito sa napaka-habang mesa sa loob ng mansyon. Kahit na nag-umpisa na kaming kumain ay patuloy parin sila sa pagsulyap-sulyap sakin and it really makes me so uncomfortable.

"Scarlet, what does it feels like to be the new Queen? Do you feel overwhelmed? Pressured? Excited? Happy? Come on, tell us!" nae-excite na tanong sakin ni Ms. Dianna.

Dahil sa tanong ni Ms. Dianna, halos lahat ng bisita na nandito ngayon ay nakatingin sakin at inaabangan ang aking magiging sagot sa kanyang mga tanong. Feeling ko nasa recitation ako sa klase dahil sa biglaang pagtatanong ni Ms. Dianna at lahat ng classmates ko ay naghihintay sa aking pagsagot.

Naramdaman ko naman ang paghawak ni King saaking kamay mula sa ilalim ng mesa. Tinignan ko siya at kasalukuyan siyang nakatingin rin saakin. Bahagya niya akong nginitian na para bang ine-encourage niya akong wag kabahan na sagutin ang tanong sakin ni Ms. Dianna.

"To be honest.." paninimula ko.

Muling nagtinginan sakin ang lahat.

".. at first, I don't really want to be in this position."

Mas lalong napunta sakin ang buong atensyon ng lahat dahil sa sinambit ko.

"Why? Ayaw mo ba nung mga priviledges na makukuha mo kapag naging Queen ka?" pagtanong sakin nung ginang na naka-black long dress na nakaka-intimidate talaga ang buong aura niya.

Hindi ko naman siya masagot kasi di ko alam kung anong pangalan niya, napansin naman niya iyon at bahagyang natawa.

"I totally forgot to introduce myself, I'm sorry being rude. My name is Ms. Laura, please to meet you, Queen." pormal na pagpapakilala niya.

So, Ms. Laura pala ang name niya. Parang katunog ng pangalan ni Lauren.

Speaking of Lauren, halos sobrang tagal na nung huling kita ko sa kanya. Wala rin namang binabanggit na balita sina Cindy, Kelly at Dustin tungkol sa kanya. Saan kaya yun nagpunta?

"Nice meeting you too, Ms. Laura." nakangiting tugon ko.

Nginitian naman niya ako pero hindi parin mawala-wala yung nakaka-intimidate niyang aura.

"Please answer my question earlier, Queen." sambit niya.

"Ah, yes. Sorry for keeping you wait. Hmm, hindi naman sa ayaw ko nang mga priviledges na yun. Actually, I don't care about those things. The reason why at first I don't want to be the new Queen because I just wanted to be a simple student who wants to finish studying. I didn't really expect to be crowned as the new Queen." seryoso kong sagot sa tanong nilang dalawa ni Ms. Dianna.

Tumango-tango naman lahat ng nakikinig, parang nauunawaan at naiintindihan nila ang sinagot ko sa tanong.

"But you still accepted the position, that's why you're here?" tanong naman ni Mr. Kurt na kumakain.

Tinanguan ko siya, "Yes, ayaw rin kasi akong tigilan ni King." natatawa kong sambit na sinabayan ko nang pag-irap.

Napangiti naman sila sa sinagot ko.

"I heard that the King himself crowned you as the new Queen, is it true? If that's true, then that means there has been no election and votings?" tanong ng isang medyo may katandaan nang lalake.

Tinignan ko si King, confident na confident siyang nakaupo habang hawak-hawak parin ang kamay ko. Napangiti naman ako dahil sa simpleng gesture niya na yun.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon