S C A R L E T
Pagkadating namin sa ikalawang palapag ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni King sa kamay ko. Pumasok kami sa isang kwarto.
Pagkapasok namin sa loob ay bumungad sakin ang napakagandang kwarto. Sobrang lawak nito at para kang nasa loob ng executive suite nang isang hotel.
"Kaninong kwarto 'to?"
Namamanghang tanong ko kay King.
"This will be yours from now on."
Sagot naman niya.
Agad ko siyang hinarap at sinimangutan.
"Diba nga sabi ko sayo ayokong tanggapin yung pagiging Queen."
"And I told you too that you can't do anything about it either. You are now the new Queen."
Sambit naman niya habang nakatitig sakin.
Inirapan ko na lamang siya at muling inilibot sa buong kwarto ang paningin ko.
Sobrang ganda at sobrang lawak talaga nang kwarto na ito. May sarili rin itong living room, comfort room at walk-in-closet. Parang isang condo na ito kung titignan.
Muli kong hinarap si King at tinaasan nang kilay. Ganun rin ang ginawa niya, tinaasan niya rin ako nang kilay.
'Aba! Lumalaban ka ah..'
"Kung ako na ang bagong Queen, ako na ba ang may-ari nang buong kwarto na ito?"
Tanong ko sa kanya.
"Yes, everything inside this room is yours and you are going to sleep here from now on."
Sagot niya sa tanong ko.
"Pero paano si Andrea? Siya nalang mag-isa sa dorm namin, baka kung anong mangyari sa kanya."
"She can handle herself, don't worry about her."
Dahan-dahan ko nalang siyang tinanguan at muling tinignan ang buong kwarto.
'So wala na talaga akong ibang choice kundi ang tanggapin na ako na talaga ang new Queen nang SU at Royalties. In the first place, ayoko naman talaga kasi paniguradong mas magiging magulo ang buhay ko kapag tinanggap ko yun. Pero dahil sa dalawang beses na kong niligtas ni King mula sa muntikan nang pagkamatay, I guess I owe him everything and it's time to pay him back.'
"I'll just leave you for now so you can take a rest. My room is just next to yours, you can call me anytime if you need anything. Alright, Celine?"
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
वैंपायर"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...