Chapter 36

5.6K 169 4
                                    

This chapter is dedicated to: fhainecartz 💛

Thank you so much for always voting sa bawat update nang story na 'to! Love lots, sweetie! 💛
— — — —

S C A R L E T

"Gising ka na pala, Scarlet."

Nanlalaki ang aking mga mata dahil sa gulat ng marinig ko kung sino ang nagsasalita. Nilingon ko kung saan nanggaling yung boses niya.

"Lauren?!"

Hindi makapaniwalang pagtawag ko sa pangalan niya.

Like who wouldn't be surprised right now? Sobrang tagal niyang nawala! Almost a month and half. Wala siyang paramdam kahit message or call man lang, ni hindi nga rin daw siya nagpaalam kila Cindy, Kelly at Dustin.

"Hi? Haha." tugon niya.

Nilapitan ko siya at tinignan ang buong itsura niya.

"I-Ikaw ba talaga yan? What happened to you? Bakit bigla ka nalang nawala? And, w-what are you doing here?"

Sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang siya ay napapangiti na lamang na hindi man lang umaabot sa kanyang mga mata, pilit lang ang kanyang ngiti.

Napansin ko na may sugat siya sa gilid ng labi niya, pati na rin sa kanyang mga braso.

Oh my glob.. ano bang nangyari sa kanya?!

"Chill, isa-isa lang ang tanong. Sasagutin ko lahat ng tanong mo, but first tanggalin na muna natin yung mga kadena sayo." tugon niya.

Pumunta siya sa nag-iisang kama dito, may kinuha siyang malaking bakal sa ilalim ng kama. Muli siyang bumalik sa harap ko.

"Anong gagawin mo?" curious na tanong ko sa kanya.

"Tatanggalin yung kadena sayo." simpleng tugon niya.

Itinaas ko ang mga kamay ko at hinarap sa kanya yung kadena. Bumwelo siya at hinampas ito nang malakas gamit ang bakal, napatili ako sa sobrang gulat.

Unti-unting lumuwag ang mga kadena dahil sa pagkasira nito. Agad ko itong tinanggal sa akin, habang tinutulungan naman ako ni Lauren.

"Bakit hindi mo gamitin yung lakas mo bilang bampira para masira 'tong mga kadena?" tanong ko sa kanya.

"Mahina ako ngayon kasi hindi pa ulit ako nakakainom ng dugo nang kahit na anong hayop, halos a month and half na akong nakakulong dito. They fed me here with some fruits, but they don't include some blood. Our strength depends on how much we consume blood, Scarlet." sagot niya sa tanong ko.

Tumango-tango naman ako sa mga sinabi niya.

Nang matanggal na niya ang mga kadena sa aking mga kamay, ini-stretch stretch ko ang mga ito. Nangalay kasi dahil sa bigat nung mga bakal.

"Bakit ba kasi bakal pa yung pinang-gagapos nila? Pwede naman kasing handcuff, tss." reklamo ko.

Umupo si Lauren sa kama habang ako naman ay nakatayo parin sa harapan niya. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay, tinaasan niya rin naman ako nang kilay.

"What?" taas-kilay na tanong niya sakin.

"Hindi mo pa sinasagot yung mga tanong ko kanina. Like, what happened to you? Bakit bigla kang nawala? And, what are you doing here?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon