T H I R D P E R S O N
Dahil sa nangyari kagabi, ngayong araw ay pinayagan ang mga estudyante nang SU na lumabas-pasok ng university. Malaya silang gawin ang kanilang gusto sa labas, basta't hindi sila gagawa nang kahit na anong ikakasira nang paaralan.
Hapon na nang magising si Scarlet, kinusot niya ang kanyang mga mata at biglang napabangon ng maalala niya ang nangyari kagabi.
"T-Totoo kaya lahat ng nakita ko kagabi? S-Si King.. isa ring kaya siyang bampira?"
Kunot-noong tanong niya sa kanyang sarili.
Nagulat naman siya sa biglaang pagbukas ng kwarto.
"Scarlet, buti gising ka na!"
Nakangiting sambit ni Kelly sa kanya.
Umayos ng pagkakaupo si Scarlet at napaatras ng lumapit sa kanya si Kelly. Nagulat naman ang binata dahil sa naging reaksyon ni Scarlet, napabuntong-hininga na lamang siya.
"I know na marami kang gustong itanong sakin ngayon about sa nangyari at nakita mo kagabi, you can ask me anything you want and sasagutin ko lahat ng tanong mo."
Tipid na ngiting sambit ni Kelly. Umupo siya sa isang single-couch at nginitian si Scarlet.
"S-Si Kevin? P-Patay na ba talaga siya? Bampira ba talaga siya? B-Bakit iba ang itsura niya kaysa sa dalawang bampira na nakita ko na? Bakit ganun itsura niya?"
Sunod-sunod na tanong ni Scarlet sa kanya.
"Yow, chill. Isa-isa lang ang tanong mo, hindi ko yan kayang sagutin ng sabay-sabay."
Medyo natatawang tugon naman ni Kelly, habang si Scarlet naman ay inirapan na lamang siya.
"Fine. First question, patay na ba talaga si Kevin?"
Tinanguan siya ni Kelly at nginitian.
"Yes, patay na talaga siya at hinding-hindi na siya mabubuhay pa."
Simpleng sagot niya sa tanong ni Scarlet ngunit gulat na gulat naman ang dalaga dahil dito.
"Bampira ba talaga siya? Bakit kakaiba yung itsura niya kaysa sa dun sa dalawang bampira na nakita ko na?"
Curious at kunot-noong tanong ni Scarlet kay Kelly.
Umayos ng upo si Kelly at tinignan siya nang maigi.
"Mahaba-habang explanation 'to, Scarlet. Pero makinig ka nang mabuti sa mga isasagot ko."
Seryosong tugon ni Kelly sa tanong niya.
Tinanguan lamang siya ni Scarlet at lumapit ng unti sa kanya para maintindihan at marinig niya nang mas malinaw.
"Si Kevin Fuentes ay hindi isang uri nang Sanguine Vampire, sigurado akong naipaliwanag na yun sayo ni King nitong nakaraan lang. Si Kevin ay kasali sa grupo nang mga Nosferatu o mas kilala bilang Deformed Vampires. Ang virus ng isang bampira ay pumasok sa kanyang katawan, then ang immune system niya ay nakipaglaban sa virus. Then yung virus na yun ay nag-mutate sa kanyang katawan, ang resulta nito ay ang pagiging deformed at pagpanget ng buong mukha niya."
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...