Chapter 28

6K 186 8
                                    

S C A R L E T

"She's back.."

Sa simpleng sinambit na yun ni Dustin ay bahagyang nagulat sila Kelly at Cindy.

Okay.. hindi ako maka-relate sa kanilang tatlo. Sino ba yung bumalik na yun? Friend ba nila yun from the past? Important or special person ba yan?

"W-Where is she, Dustin? Nasan siya ngayon?!" nauutal-utal na tanong ni Cindy kay Dustin.

"She's currently in cafeteria, everyone has been surrounding her and asking her a lot of questions." tugon ni Dustin sa kanya.

Nagkatinginan sina Kelly at Cindy na para bang nakakapag-usap sila sa kanilang mga isipan. Tinignan ako ni Kelly at nilapitan.

"D-Dito ka lang muna, Scarlet ah. Bantayan mo muna si King, anytime kasi pwede nang bumalik ang lakas niya. M-May aasikasuhin lang kami." sambit niya sakin.

Tumango na lamang ako kahit na nagtataka at nag-aalinlangan ako sa mga kinikilos nilang tatlo.

"Okay.." simpleng tugon ko kay Kelly.

"Salamat." nginitian niya ako at muling tinignan sina Cindy at Dustin na nasa pinto.

"Let's go, Kelly!" nagmamadaling sambit naman ni Cindy.

Tinanguan siya ni Kelly, sabay-sabay silang lumabas at umalis ng kwarto ni King. Muli kong tinignan ang hari na nakahiga at nakapikit parin.

"Akala ko pa naman malakas ka at wala nang makakapagpahina sayo, pero tignan mo nga naman ngayon.. nakahiga ka dyan sa kama mo na para bang naghihingalo ka na. Unang tikim lang pala sa dugo ko ang makakapagpahina sayo, tsk tsk." sambit ko kay King kahit na alam kong hindi naman siya magsasalita.

"Ang dami ko na namang nalaman tungkol sa pagiging vampires niyo, narinig mo naman siguro lahat ng pinaliwanag sakin kanina nila Cindy at Kelly diba? Sa totoo lang, hindi parin talaga ako makapaniwala na may boyfriend pala akong bampira. Mas lalo namang hindi ako makapaniwala na napapaligiran na pala ako nang mga bampira na siyang kinakatukan ko nang sobra, haha." medyo natatawa kong sambit ulit kay King.

Parang baliw lang ang itsura ko ngayon kasi kinakausap ko yung taong di ko alam kung tulog ba o patay na, hahaha. Char, wag naman sana siyang mamatay.

Bigla kong naalala sina Kelly, Dustin at Cindy. Para bang bigla silang kinabahan dahil sa sinambit ni Dustin, ako naman ay sobrang naku-curious kung sino yung tinutukoy ni Dustin na 'she's back'-kuno.

Baka naman friendship nila yun na biglang bumalik ngayon? Pwede pero depende, lol.

"Hoy, unggoy! Alam kong naririnig mo ako at alam ko ring hindi ka naman tulog kasi di naman natutulog ang mga bampira, bumangon ka na dyan at bumawi ka sakin kasi di mo pinupuntahan sa condo ko nitong isang week na lumipas. Imagine, uhaw na uhaw ka na pala sa dugo ko pero di mo nagawang puntahan ako sa condo para tumikim ulit ng dugo ko? Edi sana di ka aabot sa ganyang sitwasyon ngayon, tsk tsk." pangangaral ko kay King.

T H I R D  P E R S O N

Sa cafeteria naman ng SU, ang lahat ng estudyante ay pinagkakaguluhan ang isang babaeng bagong dating. Bagong dating nga siya pero hindi na siya bago sa lahat ng students sa university. Halos lahat ay kilalang-kilala na siya at nagulat sila sa muling pagbabalik nito.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon