This chapter is dedicated to:
cereseithneThank you for reading and supportive my story, sweetie! 💛 Also, you can check, read and support her works sweeties! She's a friend of mine, let's support her works too. ☺️
— — —
T H I R D P E R S O N
Bumalik si Lauren sa balkonahe kung saan naroroon parin ang miyembro ng High Council.
"Nagpapahinga na ba si Scarlet?"
Bungad na tanong sa kanya ni Mr. Cedrick bago pa man siya makaupo.
Tinanguan niya ito at tipid na nginitian, "I'm pretty sure na nagpapahinga na yun. Medyo natatakot, kinakabahan at nag-aalinlangan lang siya sa pwedeng mangyari pagkatapos niyang magbagong-anyo."
Tinanguan naman siya ng mga ito at muli silang nanahimik. Halata niyang malalim ang iniisip nang mga ito kaya tahimik.
"When are we going to tell this to Christopher?"
Paninimula ni Ms. Diane ng pag-uusap sa tahimik na paligid.
"We're going to tell him everything kapag mahimbing na tulog ni Scarlet, we can call him to come over."
Pagsagot naman ni Mr. Kurt sa kanya habang hinihipan ang kanyang panibagong tasa niya ng tsaa.
"About what Scarlet said earlier, papainumin niyo ba siya ng dugo ng tao?"
Curious na tanong ni Lauren sa kanilang lahat.
Hindi agad nila sinagot ang tanong ng dalaga, nagkatingingan muna silang lahat at sabay-sabay ring tumingin kay Mr. Cedrick na umiinom ng kanyang tsaa. Wala namang nagawa ang ginoo kaya dahan-dahan na muna niyang binaba ang tasa.
"Alam mo kasi ija, hindi naman talaga mapipigilan ni Scarlet na maghanap nang dugo ng tao kapag tuluyan na siyang naging bampira. Hindi pa niya mapipigilan yung excitement niya na makatikim nang dugo ng tao at matinding pagsasanay pa kailangan niyang pagdaanan bago niya tuluyang makontrol ang bloodthirst na nararamdaman niya."
Mahinahong sagot ni Mr. Cedrick kay Lauren.
"You mean, hindi pa siya basta-bastang pwedeng sumugod sa university once na maging vampire na siya? Ibig sabihin ba ntio matatagalan pa bago namin mailigtas ang lahat ng nasa SU?"
Kunot-noo na muling tanong ni Lauren sa kanilang lahat.
"As much as we want to let her do that, we can't. Why? Si Monica ang makakalaban niya, Lauren. That girl already mastered how to control her physical strength since the day she was born, kasi nga pinanganak na siyang bampira. Compare kay Scarlet na bagong bampira pa lamang siya na hindi pa kayang kontrolin ang kakayahan na meron siya, para siyang bagong panganak ulit siya na sanggol na kailangan pa munang gabayan maglakad hanggang sa kaya na niya ng mag-isa. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko, Lauren?"
Mahabang paliwanag ni Ms. Laura sa kanya.
"But how about the students that are currently held captived by Monica inside the university? Baka wala na kaming madatnan na mga buhay kapag nagtagal pa ang ganitong pangyayari."
"Baliw man si Monica, pero sigurado akong hindi yun magsasayang nang oras na patayin ang lahat ng estudyante na hawak niya ngayon. Panigurado rin na hihintayin niya talaga na bumalik si Scarlet dahil nga insecure siya sa dalaga na iyon at gagawin niya ang lahat para makuha ang titulo."
Siguradong-sigurado na sambit ni Ms. Diana sa dalaga.
"How about you guys? Bakit wala kayong gawin para maligtas yung mga students? You have the power and authority to stop that psycho yet you're not doing anything."
Muling sambit ni Lauren sa kanila na punong-puno nang pagiging sarkastiko ang kanyang boses.
"Gustuhin man naming gamitin ang kakayahan na meron kami, kaso hindi pwede. Hindi na kasi namin sakop ang mga pangyayari sa loob ng university, ang mga Royalties na kasi dapat ang umaaksyon sa ganitong pangyayari. Nandito lang kami para i-guide kayo sa mga dapat niyong gawin at hindi kami pwedeng makisali sa gulo."
Tugon ni Mr. Cedrick sa kanya.
Hindi naman na muling sumagot si Lauren, umiwas nalang siya ng tingin habang kunot ang kanyang mga noo.
Bigla kasi niyang naalala na isa pala siya sa mga Royalties pero wala siyang iniisip na paraan para mailigtas ang kanyang mga kaibigan pati na rin ang mga estudyante. Na-realized niya na dumedepende nalang pala siya ngayon sa magiging kakayahan ni Scarlet sa oras maging bampira na ito. Naisip niya na ang lakas nang loob niyang sumbatan ang mga High Council ngunit ito siya na walang ginagawa at iniisip na paraan para makatulong.
Sa kalagitnaan ng kanilang katahimikan ay unti-unti nang nagiging pula ang maliwanag at bilog na buwan.
Sabay-sabay silang napatingin sa maliwanag na kalangitan at pinanood ang tuluyang pamumula nang bilog na bilog na buwan.
Sa isang mataas na building, nakatanaw rin si Christopher sa pulang buwan mula sa malaking bintana ng kanyang opisina. Hindi niya maiwasang hindi mapangiti dahil naiisip niya ang kanyang anak na tuluyan nang magiging isang ganap na bampira.
Naaalala niya noong mga panahon na pinoprotektahan nilang mag-asawa ang kanilang nag-iisang anak sa mga bampirang uhaw na uhaw sa dugo ng mga tao. Kung paano nila ito pinalaki na walang kaalam-alam sa mundo ng bampira, na hindi alam na bampira ang kanyang mga magulang at kung paano ito lumaki na isang normal na mortal na dalaga.
Nahinto ang kanyang pagbabalik-tanaw dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone mula sa kanyang bulsa ng pantalon. Nakita niyang si Mr. Cedrick ang tumatawag, agad niya itong sinagot.
Pinapapunta na siya ng ginoo sa mansyon ng mga High Council para masaksihan at makita ang mahimbing na pagkatulog nang kanyang anak. Pagkatapos niyang kausapin ang ginoo ay tinignan niya ang litrato ni Freai na nasa nakalagay sa kanyang lamesa.
"My love, the time has finally come."
Nakangiti niyang sambit habang nakatitig sa litrato ng kanyang magandang asawa.
Nilisan niya ang kanyang opisina at agad na nagmaneho patungo sa mansyon.
—
Author's Note:
Hello sweeties!
Three letters: OMG!
Days ago we reached 5k reads, I was very shocked and happy at the same time. But now, we just reached 6k reads and 400+ votes!!! Bakit sobrang bilis kahit na hindi naman ako laging nag-a-update?? HAHAHA. I am really really shock, happy, and excited! Mixed emotions talaga, sweeties. You guys are really awesome! I love you all so muchhhhhh! 🥺💛
Thank you talaga for supporting and reading my story. Hindi ko matutuloy 'to without the support from you guys. Sobrang sobrang thank you talaga. 🥺
Don't forget to support the works of my dear friend ah, I mentioned her sa taas. Go and check her works! ☺️ Also, don't forget to vote, comment for a new chapter dedication and share this story to your friends!
Thank you and I love you so much, sweeties!
Love lots! 💛
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...