S C A R L E T
Mabilis akong tumakbo palabas ng Headquarter ng mga Royalties. I just can't believe it.. l-lahat sila mga bampira?! All this time napapaligiran na pala ako nang mga bampira na ayaw na ayaw kong nakikita..
Nagkalat ang mga estudyanteng naka-civillian na damit sa buong paligid, anong meron? May event ba?
Palingon-lingon ako sa buong paligid ko, natatakot at kinakabahan ako na baka maabutan ako ni King. Gusto ko muna siyang iwasan, kahit ngayong araw lang. H-Hindi ko pa talaga kayang tanggapin lahat ng nalaman ko tungkol sa buong pagkatao niya..
Agad akong dumiretso sa dorm namin ni Andrea at naabutan ko siyang nag-aayos ng kanyang sarili. Nagulat naman siya sa biglaang pagpasok ko.
"O-Oh my glob, Scarlet! Nakakagulat ka!"
Sigaw niya sakin habang nakahawak pa sa kanyang dibdib.
Napatitig ako kay Andrea at biglang nag-echo sa tenga ko ang binitawang salita ni Lauren kanina.
"Halos lahat ng nag-aaral dito sa Sanguis University ay mga bampira at uunti lamang ang mga mortal na katulad mo.."
"Bakit ganyan ka makatingin sakin? May problema ba?"
Kunot-noong tanong sakin ni Andrea at nilapitan niya ako para kapain ang buong mukha ko.
"W-Wala naman.. uhm, ano nga palang meron? Bakit pormado kayong lahat?"
Tipid na ngiting tugon ko sa kanya.
"Pinayagan kasi ni Head Mistress ang lahat ng estudyante na lumabas ng university ngayong araw, pero bukas back to normal na ulit. Well, as for me, uuwi ako sa bahay namin ngayon and magsa-shopping na rin pero babalik rin ako dito mamayang before midnight. Ikaw ba, Scarlet?"
Nakangiting sagot naman niya sakin, tinanguan ko naman siya at nginitian.
"Uuwi rin siguro ako ngayon."
"Gusto mo bang sabay na tayo?"
Nae-excite na tanong sakin, inilingan ko naman siya at nginitian habang siya naman ay sumimangot na parang bata.
"Magpapasundo ako ngayon sa family driver namin eh, yan kasi ang sabi sakin ni Dad before ako pumasok dito sa SU. Kapag may balak daw akong umuwi, I must call him or our family driver to fetch me."
Sambit ko naman sa kanya.
"Fineeeee, napaka-sosyal mo talaga eh no? Tsk tsk, sana ol. Anyway, aalis na ko. See you tomorrow morning! Ciao!"
Pagbibiro niya na ikinatawa naming dalawa bago siya lumabas ng dorm namin.
Mabilis na naglaho ang mga ngiti ko nang makalabas na si Andrea, bigla na naman akong nakaramdam ng takor dahil sa ako nalang mag-isa dito sa dorm namin.
Pumunta agad ako nang kwarto ko at mabilis na kinuha ang cellphone ko na nasa drawer ng side table nang kama. Agad kong tinawagan si Dad ngunit puro ring lang ito, that's why I have no choice but to call his secretary.
Secretary: Hello, Ms. Flammia. Long time no talk! What can I do for you?
Masigla niyang bati mula sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampiri"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...