This chapter is dedicated to:
triciamaejoyyyThank you for waiting sa mga new updates and for supporting my story, sweetie! 💛
—
T H I R D P E R S O N
Gulat at naguguluhan lamang ang mababasa sa buong mukha ni Scarlet dahil sa mga nalalaman niya ngayon. Hindi niya inaasahan na isa rin pala siyang bampira. Ngunit maraming tanong ang gumugulo sa buong kaisipan niya ngayon, sa sobrang dami ng mga ito ay parang mababaliw na siya sa kakaisip.
"K-Kung bampira ako, bakit hindi ako nauuhaw sa dugo? Bakit wala akong physical strength katulad nila Lauren? Bakit wala ako nung speed na meron sila bilang bampira? Bakit wala rin akong mga pangil? Diba immortal ang mga bampira, bakit namatay si mommy? Bakit siya namatay kung isa rin siyang bampira na katulad niyo? B-Bakit—"
"Scarlet, stop."
Pinigilan siya ni Lauren at hindi na niya naituloy ang kanyang pagtatanong. Nararamdaman kasi ni Lauren na malapit na itong mag-breakdown, alam niyang hindi pa totally pumapasok sa isip ni Scarlet ang katotohanang bampira siya pati na rin ang parents niya.
"I guess everything she already needed to know is enough for today. She's too tired and stressed out because of currently what's happening inside the university, mas lalo lang dadagdag sa pag-iisip niya kung lahat ng dapat niyang malaman ay sasabihin na agad ninyo ngayon."
Seryoso ngunit magalang na sambit ni Lauren sa mga miyembro ng High Council.
Si Scarlet naman ay tulala na lamang sa tabi ni Lauren at para bang hindi naririnig ang pinag-uusap ng mga tao sa kanyang paligid. Lahat ng nalaman niya ngayong araw ay kulang pa sa mga katotohanang dapat niyang tanggapin.
"You should assist Scarlet to the room we prepared for her, magkahiwalay kayo ng kwarto pero sa tingin ko ay dapat mo muna siyang samahan sa kanyang silid. Nag-aalala ako na baka kung ano ang gawin niya sa kanyang sarili dahil sa mga nalaman niya."
Sambit ni Ms. Dianna na may pag-aalala sa kanyang tinig.
Makikitaan rin ng pag-aalala ang iba pang miyembro ng HC, alam nilang mahihirapan pa si Scarlet na i-digest at tanggapin ang lahat ng dapat pa niyang malaman. Dahil sa mga sinabi nila ngayon sa kanya ay wala pa ito sa kalahati ng mga katotohanan na dapat pa niyang malaman.
Inaalalayan ni Lauren si Scarlet papunta sa kwartong inihanda ng HC para sa dalaga. Ramdam niyang nanghihina ang katawan nito na para bang kapag binitawan niya ito ay mawawalan na ng lakas at matutumba. Naiintindihan naman niya ang kalagayan nito, kung sa kanya mismo mangyari ang lahat ng ito ay baka nabaliw na siya kakaisip.
Pagkapasok nila sa kwarto ay inalalayan niya itong humiga sa kama. Wala paring imik si Scarlet, tahimik parin ito at walang mababasang emosyon sa buong mukha. Mararamdaman mong napakalalim ng iniisip nito.
"You should take a rest now, Scarlet. Wag mo munang isipin ang lahat ng nalaman mo ngayon, kailangan mo munang magpahinga."
Wika niya sa kaibigang tulala at tahimik na nakatitig sa kisame.
Hindi naman siya pinansin ni Scarlet kaya napabuntong-hininga na lamang siya, tinalikuran na niya ito at palabas na ng silid.
"Gusto kong magalit sa parents ko, Lauren, gusto kong magalit sa kanila kasi h-hindi nila s-sinabi sakin lahat ng yun."
Umiiyak na wika ni Scarlet habang nakahiga parin ito at nakatitig lamang sa kisame. Tumutulo ang kanyang mga luha habang pigil na pigil naman siya sa kanyang paghikbi.
Si Lauren naman ay muli siyang tinignan at tahimik na nakikinig sa mga susunod pa niyang sasabihin.
"I deserved to know everything, Lauren. I d-deserved to know the truth from the start yet t-they chose to h-hide it from me. Bakit naman ganun sila? They are my parents but they keep away everything from me."
Galit ngunit umiiyak na sambit ulit ni Scarlet.
Lumapit si Lauren sa kama na kanyang hinihigaan, tahimik parin na nakikinig ang kanyang kaibigan.
Alam kasi ni Lauren na gusto lamang ilabas ni Scarlet ang kanyang nararamdaman sa lahat ng kanyang nalaman ngayong araw. Nararamdaman niya ang galit, lungkot at pagka-dismaya sa boses ng dalaga.
"Maybe they have a valid reason why they keep it as a secret, Scarlet."
Maikling tugon ni Lauren kay Scarlet.
Binalingan siya ng tingin ng dalaga habang may mga luha parin sa mga mata nito.
"Whether it's a valid reason or not, I still deserved to know everything. What if isang araw magising nalang pala ako na nauuhaw na rin sa dugo at hindi alam ang gagawin? Anong gagawin ko sa sarili ko? Papatay ako ng inosenteng tao just to satisfy the bloodthirst inside me na hindi ko alam kung anong nangyayari sakin?"
Galit na sambit ni Scarlet sa kanya.
"I know that you're mad to your parents because they keep everything to you as their secret, but don't ever forget the fact that they are still your parents and they know what's best for you. Maybe they did it to put away from danger? Maybe they did it to protect you from other vampires? And maybe they did it so that you can still experience having a normal life?"
Balik na tugon naman ni Lauren sa kanya na nakapagpatahimik sa kanya.
Umiiwas ng tingin si Scarlet at muling tumitig sa kisame habang naluluha parin ang kanyang mga mata. Si Lauren naman ay nakatitig sa kanya, sinusubukan niyang ipainti sa kanyang kaibigan ang posibleng rason ng mga magulang nito kaya itinago sa kanya ang pagiging bampira ng pamilya nila.
"But I have all the rights to know everything, Lauren. Instead of telling me the whole truth about them being vampires, but chose to hide these things from me. They might think na masyado pa kong bata for these things— the heck, no."
Pagdepensa ni Scarlet sa kanyang sarili.
"Yes, I agree that you have all the rights to know everything but I'm really sure that they hid everything to you because they want to protect you. They want you to experience how mortals live their lives, a normal life that us, the members of the Royalties and other vampires, will never experience at all. That's why be thankful na tinago nila yun sayo kasi naranasan mong mabuhay ng normal na teenager."
Patuloy na pangangaral ni Lauren sa kanya.
Pinupunasan naman ni Scarlet ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Aminin man niya o hindi, tama lahat ng sinabi ni Lauren sa kanya. Naranasan niyang mabuhay ng normal kasi nga hindi niya alam na isa rin pala siyang bampira. Naranasan niyang i-enjoy ang normal niyang buhay nung panahon na hindi niya alam na bampira pala siya. Naranasan niya ang lahat ng hindi naranasan nila Lauren.
"You must be considerate, Scarlet. We still don't know kung anong reason ng parents mo kaya nila itinago lahat ng ito sayo. But just like what I kept on saying, they must've protected you that's why tinago nila lahat sayo. After all, our parents know what's best for us."
Muling wika ni Lauren sa kanya.
— — — —
Author's Note:
Hello sweeties,
Unexpected new update for y'all! Anyway, I'll try na makapag-upload once or twice a week. No exact day or date for every new updates, basta wait niyo nalang, okay? Okay. Also, unexpected chapter dedication rin sa mga active readers ko! So kung active reader kita, malaki ang possibility na i-dedicate ko sayo ang susunod na new update.
Anyway, thank you for your endless supports on this story! 🥺💛 I love you all!
Love lots 💛
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...