"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...
Thank you for reading and supporting my story, sweetie! 💛
— — — —
T H I R D P E R S O N
Nagising si Scarlet mula sa kanyang mahimbing na pagkakatulog, madilim at malamig na kwarto ang bumungad sa kanya. Tumingin siya sa bintana at napansin niyang gabi na pala, sobrang haba ng kanyang tulog dahil sa pagod niya pisikal at emosyonal. Umupo siya sa kanyang pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama.
Muli na naman niyang naalala ang lahat ng nalaman niya ngayong araw, hindi parin siya makapaniwala na bampira pala ang mga magulang niya. Gusto niyang tanungin ang kanyang magulang kung bakit ito itinago sa kanya ng napakahabang panahon. Aminado naman siyang medyo nasasaktan siya sa paglilihim ng kanyang mga magulang sa totoo nilang katauhan pero gusto parin niyang marinig ang dahilan kung bakit nila mas piniling itago ito sa kanya.
Bukod sa kanyang buong pagkatao, iniisip rin niya kung bakit mortal na tao parin siya? Bakit hindi siya nauuhaw sa dugo? Bakit wala siyang superpowers katulad nila Lauren? Gusto niyang malaman kung bakit ganito siya.
Pagkatapos niyang magmuni-muni mag-isa sa loob ng kwarto ay naisipan na niyang lumabas at kausapin ang High Council.
Naglakad-lakad siya sa hallway ng ikalawang-palapag ng napaka-laking mansyon. Hindi niya talaga alam kung saan niya makikita ang mga taong hinahanap niya kasi hindi siya pamilyar sa buong mansyon.
"Scarlet?"
Nilingon niya ang tumawag sa kanya.
"Lauren!"
"Gising ka na pala? Sobrang haba ng tulog mo."
Wika ni Lauren sa kanya.
"Nasan na pala ang mga High Council? Marami akong tanong sa kanila na kailangan nilang masagot."
Seryosong sambit niya sa kanyang kaibigan.
Kailangang-kailangan na talaga niya ang mga kasagutan sa mga tanong na gumugulo sa buong pag-iisip niya, kapag hindi pa ito nasagot ngayon ay baka tuluyan na siyang mabaliw sa kakaisip.
"Ngayon na ba agad? Hindi ka ba nagugutom man lang?"
"Hindi ako nagugutom, Lauren. Mas gusto kong makausap sila ngayon kaysa sa ubusin ko ang aking oras sa pagkain."
Bumuntong-hininga na lamang si Lauren.
Kahit naman kasing gawin niya ay magpupumilit parin si Scarlet na kausapin ang HC, naiintindihan rin naman niya ang kanyang kaibigan. Kung sakali man na sa kanya nangyari ito ay baka pinagpapatay na niya lahat ng nasa paligid niya dahil sa sobrang galit.
"Okay, fine." Pagsuko niyang sambit at bahagyang umirap. "Follow me."
Nanguna sa paglalakad si Lauren habang tahimik naman na nakasunod sa kanya si Scarlet.
Tumungo sila sa isang malawak na veranda na nasa kabilang dulo lang ng ikalawang-palapag ng mansyon. Tanaw na tanaw dito ang madilim na kagubatan pati na rin ang kalangitan na punong-puno ng mga bituin at isang sobrang bilog na buwan.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hindi maiwasang mamangha ni Scarlet dahil sa ganda ng bilog na buwan. Ni hindi man lang niya tinignan muna ang mga High Council na nasa veranda.
"You're finally awake, queen."
Biglang sambit ni Ms. Lauren, dahilan para mapahinto sa pamamangha si Scarlet.
Nilingon niya ang ginang pati na rin ang mga kasama nito na tahimik na nagtsa-tsaa.
"How was your sleep, Scarlet? Are you feeling good now?"
Muling tanong sa kanya ng ginang na sinagot naman niya ng isang simpleng tango at tipid na ngiti.
"I'm here to talk about my parents' real identity."
Seryoso niyang wika habang tinitignan sila isa-isa.
Ibinaba ni Mr. Cedrick ang hawak niyang kopita at prenteng sumandal sa kanyang upuan. Inaasahan na nila na pagkagising ni Scarlet ay ito agad ang una nitong itatanong sa kanila.
"Maupo ka muna, Scarlet."
Paanyaya niya sa dalaga.
Umupo siya sa tabi ni Lauren na tahimik na umiinom ng tsaa, nakikiramdam lamang ito sa mga seryosong tao na nasa paligid niya.
"Ano ba ang mga tanong na gumugulo sa isip mo, queen? We'll answer each questions one-by-one."
Tanong sa kanya ni Ms. Dianna pagkatapos nitong uminom ng tsaa.
"Paanong ba naging bampira ang parents ko?"
Kunot-noong tanong niya sa kanila.
"Ang ama mo na si Christopher Flammia ay isa na talagang pure-blooded vampire, ang pamilya nila ay kasali sa grupo ng mga bampira na tinatawag na Noble Vampires. Ang pamilya ni Christopher ay mga bampira na talaga, kilala sila sa pagiging mga noble at ayaw na ayaw nilang mahaluan ng kahit na anong lahi ang pamilya nila, depende na lamang kung galing ka rin sa grupo ng mga Noble Vampires. Habang ang iyong ina naman na si Freia Neoma - Flammia ay isang half-blooded vampire, tinatawag rin silang Dhampir. Ayaw na ayaw rin ng pamilya ni Freia na ma-involve ang kanilang anak na babae sa kahit na sinong noble, dahil alam nilang magiging malaking gulo ito."
Mas lalong kumunot ang noo niya ng marinig ang tungkol sa mommy niya na half-blooded vampire lang pala, hindi katulad ng daddy niya na pure-blooded na talaga at galing pa sa grupo ng mga Noble Vampires.
"What do you mean half-blooded vampire lang si Mommy? Paano sila nagkatuluyan kung ayaw na ayaw naman pala ng family side ni Daddy na mahaluan ng hindi pure-blooded vampire ang pamilya nila?"
Curious na tanong niya kay Mr. Cedrick.
"Si Freia ay isa lamang Dhampir dahil ang iyong great great grandfather na isang ring pure-blooded vampire ay nag-asawa ng isang mortal at yun ay ang iyong great great grandmother, hanggang sa nabura na ang pagiging pure-blooded vampire nila at naging Dhampir na lamang sila. Si Freia ang isa sa mga naging bunga ng kanilang pagsuway sa isang pinagbabawal na kautusan. Isa rin yan sa mga rason kung bakit ayaw na ayaw ng family side ng mommy mo na ma-involve sa kahit na sinong noble."
"Nagkakilala naman ang iyong ama at ina sa loob ng Sanguis University. Transferee lamang si Freia noon, habang si Christopher naman ay kinatatakutan ng mga estudyanteng bampira dahil nga isa siyang noble pero may isang tao na hindi talaga natatakot sa kanya.. yun ay si Freia. To make it short, nahulog sila sa isa't-isa ngunit kailangan nilang itago ang kanilang relasyon dahil sa alam nilang tutol ang kanilang mga pamilya. Pero sabi nga ng isang matanda ng kasabihan, walang sikreto na hindi nabubunyag."
Mahabang kwento at tugon nina Ms. Dianna at Mr. Kurt sa dalawang tanong ni Scarlet.
— — — —
Author's Note:
Hello sweeties!
Thank you for those who keeps on reading and supporting my story! You guys are the best! 🥺💛
And because of that, here's another update for everyone! Also, I'll try na mag-update every week pero walang specific day kasi ayokong magbitaw ng promise na hindi ko naman matutupad. So yeah, just keep on supporting this story and my other published stories.
Don't forget to vote, comment for a new chapter dedication and share this story to your friends!