T H I R D P E R S O N
Papunta na sa pila sina Scarlet at Andrea nang tawagin sila nang kaibigang lalake ni Maximus, si Kelly.
"Scarlet, we've already brought you a dinner. Sumabay ka na samin."
Nakangiting sambit ni Kelly sa kanya ngunit tinaasan lamang niya ito nang kilay, habang si Andrea naman ay nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sa inaanyayahan ang kanyang kaibigan na sabayan sa pagkain ang mga Royalties.
"And you are? How did you know my name? Do I know you?"
Taas-kilay na tanong sa kanya ni Scarlet, nagpout naman ang binata at napakamot sa kanyang batok.
"Hindi mo talaga 'ko kilala?"
Nakangusong tanong sa kanya ni Kelly.
Nagpipigil naman ng tawa si Andrea dahil sa natutuwa siya sa reaksyon ni Kelly sa pagtanong sa kanya ni Scarlet. Kinalabit niya ang kaibigang babae at nilingon naman agad siya nito.
"What?"
"Scarlet, his name is Kelly and he's one of the Royalties."
Nakangiting sambit niya. Tinanguan naman siya ni Scarlet at muling nilingon si Kelly na nakasimangot at nakanguso parin.
"Royalties? So, kaibigan ka pala ni Boots?"
Seryosong tanong ni Scarlet kay Kelly.
"Boots?"
Kunot-noong tanong niya kay Scarlet at napaisip kung sino ang tinutukoy niya, ngunit agad rin siyang napatawa nang ma-realized niya kung sino ang Boots na tinutukoy ng dalaga.
"You mean.. si King?" natatawang tanong sa kanya ni Kelly.
"Who else? Siya lang naman ang mukhang unggoy dito sa university ah?"
Mataray na sambit muli ni Scarlet kaya mas lalong natawa si Kelly sa pinagsasabi niya.
Si Andrea naman ay kinakabahan at palingon-lingon sa paligid, iniisip niya kasi na baka biglang lumapit si King at marinig ang mga panlalait sa kanya ni Scarlet.
"I'm starting to like you, Scarlet. Hahahaha!" natatawang sambit ni Kelly.
"You're what, Gomez?"
Nanlaki ang mga mata ni Andrea habang nakatingin kay King na nasa likod ni Kelly, habang unti-unti namang humihinto sa pagtawa si Kelly.
"Ha-ha-ha-ha.." pahinto-hintong tawa ni Kelly, "Sabi ko, I'm starting to like her... as a FRIEND."
Tinanguan na lamang siya ni King at sunod na tinignan ay si Scarlet na taas-kilay na nakatingin sa kanya.
"Ano na naman ba trip mo, unggoy?" taas-kilay na tanong ni Scarlet sa kanya.
"Pfft..." pigil na tawa ni Kelly kaya naman sinamaan siya nang tingin ni King, "Okay, I'm out. See you at our table, Scarlet." nakangiting paalam nito sa dalaga habang kinindatan rin ito, mabilis siyang tumakbo nang makita niyang masama ang tingin sa kanya ni King.
"That jerk.." inis na sambit ni King.
"Hoy!" pagtawag sa kanya ni Scarlet kaya tinignan niya ulit ito, "Ano ba yung sinasabi nung kapwa unggoy mo? Trip mo na naman ba ko?"
"Scarlet.." pagsaway sa kanya ni Andrea, "Pasensya ka na po sa kanya, King. Masyado lang po talagang pasmado yung bibig ng babaeng 'to, hehehe.."
"It's fine." malamig na tugon ni King sa kanya, "Just like what Kelly said, we already brought your dinner and you can bring your friend with you. I'll be waiting for you on our table." sambit ni King habang nakatitig kay Scarlet.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...