T H I R D P E R S O N
Pagkadating ni Monica sa Headquarter ay agad siyang nagtungo sa ikalawang palapag ng bahay.
"Monica!" sabay-sabay na pagtawag sa kanya nila Duston, Cindy at Kelly.
Hindi niya pinansin ang tatlo at dumiretso na lamang siya sa kwarto ni King. Malakas niya itong binuksan.
Nagulat naman si Scarlet dahil sa malakas na pagkakabukas ng pinto nang kwarto.
"King! We need to t—" agad na napahinto si Monica sa pagsasalita dahil naabutan niya si Scarlet sa loob ng kwarto.
Kunot-noo naman siyang tinignan si Scarlet at tinaasan naman niya ito nang kilay. Agad na napahinto sina Kelly, Cindy at Duston nang makitang magkaharap na ang isa't-isa.
"Who are you? Hindi ka ba naturuan ng magulang mo kung paano magbukas ng pinto nang maayos at hindi maingay?" kunot-noong tanong ni Scarlet.
Mas lalo namang tumaas ang kilay ni Monica dahil sa sinabi ni Scarlet.
"I should be the one asking you that. Who are you? What are you doing inside King's bedroom?" taas-kilay na tanong ni Monica sa kanya.
Inirapan siya ni Scarlet at nag-cross arms.
"I am his girlfriend and his Queen, so basically, I have the right to be here." seryosong tugon ni Scarlet.
"So, you are Scarlet? The new Queen of Royalties and SU?" nakangising tanong ulit ni Monica.
Muli siyang inirapan ni Scarlet at binalingan ng tingin ang tatlo na nasa pinto parin habang tahimik na nakikinig sa kanilang dalawa.
"Sino ba 'tong babaeng ito?" kunot-noong tanong ni Scarlet sa tatlo.
"S-Scarlet, she's.. uhm.." nauutal na sambit ni Kelly.
"I am Monica Mercado, the Queen of Royalties and SU." pagpapakilala ni Monica sa kanya habang ito'y nakangisi.
Binalingan siya nang tingin ni Scarlet at tinignan ng walang expression sa kanyang buong mukha.
"Correction, FORMER Queen. Hindi pwedeng dalawang reyna ang mamumuno sa isang kaharian." tugon ni Scarlet.
"You're right, that's why I came back to retrieve my throne." nakangising sambit rin ni Monica.
Tinaasan at nginisian naman siya ni Scarlet.
"You may retrieve your 'FORMER' throne, but you cannot take it away from me."
Tinignan siya ni Monica mula ulo hanggang paa na para bang sinusuri niya ito sa pamamagitan ng kanyang paningin. Hindi siya kasi inaakala na ganito katapang ang Scarlet na tinutukoy at pinag-usapan ng lahat.
"Whether you like it or not, I'm going to claim what's mine." nakangising tugon ni Monica.
"Before I forgot, you became the Queen of this university because of the students' votes and nominations. Am I right?" tanong ni Scarlet sa kanya.
Hindi naman tumugon si Monica, napangisi si Scarlet kasi di siya nakatanggap ng sagot mula sa isa. Habang sina Kelly, Dustin at Cindy naman ay nakikinig at nanonood lamang sa dalawa. Binabantayan rin nila ang dalawa, lalo na si Monica kasi kahit na anong oras ay pwede nitong saktan si Scarlet.
"You became the Queen because of the students, while I am the new Queen because of him." pagpapatuloy ni Scarlet habang umuupo sa tabi ni King at inaayos ang magulo nitong buhok.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...