“NA-APRUBAHAN na ng CEO ang mga bagong designs mo, sister.”
Napatingin si Stacey sa bakla niyang kaibigan at ka-trabaho na si Jamie nang pumasok ito sa loob ng opisina niya sa isang international fashion company sa New York City na pinagta-trabahuhan niya. Half-Filipino din itong kagaya niya, pero siya ay may dugong British at ito naman ay Mexican. Ito lang ang itinuturing niyang isang tunay na kaibigan dito sa bansang ito dahil ito lang naman ang nakakaintindi sa kanya at nakaka-alam ng lahat-lahat tungkol sa kanya.
Marami naman siyang kaibigan, halos lahat ay galing sa alta-sociedad, pero alam niyang kina-kaibigan lang naman siya ng mga ito dahil sa katayuan niya sa buhay. She was one of the most in demand fashion designers in Hollywood, the heiress of all the Alexander Stewart Wine Company with eighteen branches all over the world. Nasa kanya na ang lahat ng mga bagay na pinapangarap ng bawat babae sa buhay nila.
Sa pagdami ng mga taong gustong matamo ang lahat ng karangyaan niya ay ganoon din karami ang mga taong gustong sirain ang buhay niya. Isa siya sa pinaka-pinag-uusapan sa larangan ng fashion, dahil sa playgirl reputation niya. Halos lahat ng magazines ay hinihintay kung sino ang susunod na lalaki sa buhay niya.
Well, hindi niya naman masisisi ang mga ito. Totoo naman na marami siyang naging boyfriends pero hindi iyon gaya ng akala ng iba na pinag-lalaruan niya ang mga lalaki. Ni minsan naman ay hindi siya nag-two-timing o kaya ay nang-agaw ng karelasyon ng iba. Ni minsan din ay hindi siya lumapit sa isang lalaki para akitin ito, sila ang mga lumalapit sa kanya.
She may be called a bad girl, a player, a tramp and even worse than that, pero wala na siyang pakialam sa mga iyon. Isipin nila ang gusto nilang isipin, sabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin, ang mahalaga sa kanya ay alam niya sa sariling hindi siya ganoon. Marami man siyang naging relasyon sa mga lalaki pero disente pa rin naman siyang babae. Ni minsan ay hindi pa siya naging intimate sa mga past boyfriends niya dahil may respeto pa rin naman siya sa sarili. Kahit anong pilit ng mga ito ay hindi niya pinagbibigyan, gusto niyang ibigay ang unang gabi niya sa lalaking mamahalin niya ng habang-buhay at iyon ay ang magiging asawa niya.
Muli siyang napatingin kay Jamie nang may ipatong itong isang tabloid sa working desk niya. Kinuha niya iyon at binasa ang nasa main page.
GODDESS DESIGNER, STACEY STEWART, STRIKES AGAIN.
She was seen dating Andrew Weizch, a married British actor in a prestigious restaurant in Los Angeles, California. What happened to her rumored boyfriend Christopher Samaniego Jr.? Really, what a great player, huh?
Sa ilalim niyon ay isang larawan niya at ni Andrew sa isang restaurant. Napabungtong-hininga siya. They were just having a friendly conversation that night, nakasalubong niya ito sa restaurant na iyon at niyaya siyang kumain. Inalok niya ito na maging modelo sa sunod na fashion show niya dito sa New York.
“Sinabi ko na sa’yo na ‘wag kang paggala-gala kasama ang mga lalaki,” paalala ni Jamie sa kanya. “Alam mo namang magiging issue agad kapag may kasama kang lalaki.”
Napahawak siya sa ulo. Pagod na siya. Ang daming appointments, meetings, shows at interviews na pinuntahan niya nitong nakaraang mga linggo. Napailing siya. “Sobra na talaga ang paparazzi sa L.A. Bahala na sila sa buhay nila.”
“Paano ‘pag nakarating ito kay Christopher?”
Sumandal siya sa swivel chair na inuupuan. “Hindi naman pinapatulan ni Christopher ang mga balitang iyan. Alam niya kung gaano ako ka-loyal sa kanya,” napangiti siya. Naalala niya ang boyfriend niya ngayong si Christopher Samaniego Jr., a business magnate. Ilang beses na rin silang naging topic ng mga magazines at tabloids, ang ilan ay nagsasabing plano na nilang magpakasal ngayong taon, ang ilan naman ay nagsasabing hiwalay na sila. Well, kahit ano pang isulat ng mga ito, wala na siyang pakialam. Ang mahalaga sa kanya ay maayos pa rin ang relasyon nila.
Nakilala niya si Christopher sa isang victory party sa London mahigit isang taon na ang nakalipas. Ilang buwan din silang nag-date bago nila naisipang pumasok sa isang seryosong relasyon. Napaka-buting nobyo nito sa kanya, napaka-maunawain nito at napaka-maalaga. Ito lang sa lahat-lahat ng mga naka-relasyon niya ang hindi namimilit sa kanya ng isang bagay na madalas hingin ng isang lalaki sa mga girlfriends nila. He never even talked about it. Ito na ang ideal husband para sa kanya.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Jamie. “Mukhang patay na patay ka diyan sa bago mong Papa, ha? Makakarinig na ba ako ng wedding bells?”
Napangiti siya. “Bakit hindi? I’m twenty-five, nasa tamang-edad na ako para mag-asawa. At mukhang natagpuan ko na ang perfect husband para sa akin.”
Lumapit ito sa kanya at ipinatong sa kandungan niya ang kanina pa nitong hawak na mga men’s suit na siya mismo ang nag-design. “Saka ka na mangarap kapag nag-propose na sa’yo iyang Christopher mo,” anito.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa mga men’s suit na ibinigay nito. “Anong gagawin ko dito?”
“Iyan ang mga bago mong designs na gagamitin sa fashion show ng company natin next week dito. Dalhin mo iyan sa bago nating model at ipasukat mo sa kanya,” sagot nito. “Nasa dressing room number five na siya.”
Napatingin siya dito. “Bagong model? Nakakuha na pala tayo ng bagong model para sa show? Bakit hindi man lang ako sinabihan? Sino ba ‘yon?”
Kinikilig pa itong ngumiti. “Oh, it’s Papa Michael de Angelo. Ang company na mismo ang pumili sa kanya. Ang guwapo-guwapo niya pala sa personal, nakita ko siya kanina nang dumating siya dito.”
“Michael de Angelo?” ulit niya sa pangalang sinabi nito. “Siya ba ‘yong sikat na movie actor?”
Tumango ito, nasa mga mata pa rin ang kilig.
She pouted. Hindi niya ganoong kakilala ang Michael de Angelo na iyon, sa T.V. at magazines niya lang ito nakikita. Ang alam niya ay half-Filipino din ito. Pero mukhang minsan lang naman ito bumibisita sa Pilipinas, kapag may ipini-film lang na pelikula. Hindi naman kasi siya mahilig sa mga movies kaya wala siyang alam tungkol dito, nababasa niya lang ang mga articles tungkol dito sa magazines at sa internet.
“Sige na, go ka na kay Papa Michael. Baka mainip pa iyon sa dressing room,” ani Jamie.
Tumango na lang siya at tumayo dala ang mga suits na ibinigay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/189672366-288-k527235.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...