KANINA pa bored na bored si Stacey sa loob ng party na iyon, nagpunta lang naman siya doon dahil sa pakiusap ni Alliyah. Nakausap niya na ang mga ito pagkarating niya at ngayon nga ay mag-isa na lang siyang nakaupo sa table niya, malayo sa ibang guests na naroroon. Pinaglalaruan niya ang dessert na nasa harap gamit ang hawak na tinidor. Gusto niya ng umalis pero nahihiya naman siyang magpaalam agad sa mga ito.
Napatingin siya sa isang lalaking lumapit sa table niya. Kilala niya ito. Isa din itong actor, hindi niya nga lang tanda ang pangalan.
“Stacey,” bati nito at umupo sa katabing silya niya. Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya. “Wow, you look hot!” komento nito. Nakikita niya ang paghanga sa mga mata nito, at meron pang iba. Sanay na siya sa mga tinging iyon ng mga lalaki. “Want to dance with me?” ngumiti pa ito.
Isinuklay niya ang kamay sa buhok at ngumiti. “I’m sorry but I’m kinda bushed tonight, maybe next time.”
Nakita niya ang panghihinayang sa mukha nito. “Can I get your number instead?” hirit pa nito.
Pinanatili niya ang ngiti sa mga labi kahit unti-unti na siyang nakakaramdam ng inis. “Maybe next time, too,” pagkasabi noon ay tumayo na siya. “I need to talk to someone. Nice to see you,” tapos ay lumakad na siya palayo dito. Kumuha siya ng isang kopita ng champagne sa waiter na dumaan bago tumuloy sa small lagoon ng hotel na iyon. Iyon lang ang lugar na walang tao, gusto niyang mapag-isa. This is Los Angeles, paalala niya sa sarili. Kailangan niyang bantayan ang bawat kilos niya. Marahan niyang ininom ang champagne sa hawak na baso para kalmahin ang sarili. Sawang-sawa na siya sa mga ganitong celebrations.
Maya-maya ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Lumingon siya at nagulat nang makitang si Michael de Angelo iyon. Naiinis siyang napabuntong-hininga. Bakit ba palagi na lang itong sumusulpot sa tabi niya?
“Guess there’s no one in the party that passed your taste, huh?” wika nito.
Hindi siya sumagot. Bahala itong magsalita mag-isa.
“Nice dress,” puna nito sa black silk gown na suot niya. Marami na ang nagsabi ng ganoon sa party tungkol sa damit niya, maybe because it showed too much of her skin and curves. Alam niyang nakuha niya agad ang atensiyon ng mga taong nandoon nang pumasok siya kanina.
“Are you for sale tonight?” patuloy na pang-iinis nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama. He was really a conceited jerk and a despicable devil. Hindi niya na lang ulit ito tinugon at nagpatuloy sa pag-inom ng champagne na hawak.
“Michael?”
Sabay silang napatingin sa isang babaeng lumapit sa kinatatayuan nila. Kilala niya rin ito, isa itong actress na sa pagkakaalam niya ay dating leading lady nitong si de Angelo sa isa nitong pelikula. Nag-model na rin ito ng mga designs niya noon. She was also a beauty and a total brat. Halos lahat ng naging leading man nito ay naka-relasyon ‘ata nito. Well, base iyon sa mga articles na nababasa niya tungkol dito.
“I’ve been looking for you,” anito at kumapit sa braso ni Michael. Tumingin ito sa kanya at nakita pa niya ang pagtaas ng isa nitong kilay. “What are you doing with her?”
Bumungtong-hininga siya at humakbang palayo sa mga ito. Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang sunod na sinabi nito.
“Don’t you know she’s a tramp? How come you’ve been talking to her? I heard she’s having an affair with the president of their fashion company, maybe that’s the reason why she’s in her position right now. She’s been using her body all along,” anito.
Nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito. Kaya niyang tanggapin ang sinasabi ng iba tungkol sa pagiging playgirl niya pero hindi niya mapapalampas ang sinabi nitong ginagamit niya ang katawan para makarating sa posisyon niya ngayon. Lahat ng kinatatayuan niya ay dahil sa sarili niyang pagsisikap.
Bumalik siya sa mga ito at hinarap ang walang-modong babaeng ito. “I didn’t know that actresses these days are so… stupid,” aniya. “It’s my life, remember that when you talk about it,” dagdag pa niya. Hindi nito napaghandaan ang pagsaboy niya ng champagne sa mukha nito.
“Oh my gosh!” sigaw nito at nagmamadaling pinunasan ang mukha at damit.
Mabilis siyang nag-walk-out sa lugar na iyon, narinig pa niya ang galit na galit na pagmumura nito. Ilang hakbang na siyang nakakalayo nang may humigit sa braso niya. It was that jerk de Angelo. Ipagtatanggol ba nito ang babae nito?
“What?” she snapped. Binawi niya ang brasong hawak nito.
Itinuro nito ang nabasang suit nito. “Look what you’ve done to my suit,” sabi nito. “You should have told me first that you’re going to throw your drink on her so that I can move away.”
Sobra-sobra na ang nararamdaman niyang galit ng mga oras na iyon. Pare-parehas lang ang mga ito, dahil lang ba mga artista ang mga ito, akala na nila pag-aari na nila ang mundo? Na sila na lang ang may karapatan sa isang magandang reputasyon? Nangilid ang mga luha niya pero pinilit niyang pigilin iyon. Gustong-gusto niya nang umiyak ng mga oras na iyon pero hindi sa harap ng walang-modong lalaking ito.
“Are you crying?” narinig niyang tanong nito.
Humugot siya ng malalim na hininga at hinarap ito. Isang malakas na sampal ang pinadapo niya sa mukha nito. Nakita niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya, matagal na niyang gustong gawin iyon dito. Ngumiti siya. “Mosquito,” dahilan niya. Muli niya itong tinalikuran at lumakad palayo.
Pero muli siyang napatigil nang pigilan na naman siya nito. “Ano ba? Hindi mo ba ako titigilan?” bulyaw niya dito.
“There’s no mosquito in here,” anito. Napahawak pa ito sa nasaktang pisngi. “It hurts.”
Napangiti siya at napailing. “You deserve it. Kaya pabayaan mo na akong mag-isa. Puntahan mo na ‘yong babae mo.”
Sandali itong nag-isip. “Why should I? She deserves it, too,” ngumiti din ito. “You owe me one suit, lady,” iyon lang at lumakad na ito palayo.
Bumuntong-hininga siya at lumabas ng hotel na iyon para tumungo sa sariling sasakyan. Pagkapasok niya ay isinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay at doon na tuluyang napaiyak. Punong-puno na siya sa lahat ng kalokohang nakapalibot sa kanya, ganoon na lang ba kasama ang pagkakakilala sa kanya ng mga tao sa paligid niya? Tinuyo niya ang mga luha, wala na siyang magagawa. Kahit anong sabihin niya ay hindi na mababago ang reputasyon niya. Ganito talaga ang takbo ng mundong ito, pinaniniwalaan agad ng mga tao ang lahat ng nakikita at naririnig nila. Lalo na kapag galing na sa media ang impormasyon at istorya, agad-agad ay maniniwala na ang mga tao.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...