Chapter 15.4

3.2K 56 1
                                    

KINABUKASAN ay bumalik na sila sa New York City kahit hindi pa tapos ang shooting ni Michael sa Los Angeles. Inihatid siya nito hanggang sa condominium place niya, nagpumilit pa itong manatili doon pero tinanggihan niya dahil ayaw niyang magsimula na naman ang issue sa kanila.
Kinahapunan ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Jamie. Tinanong nito kung nanonood ba daw siya ng balita, sinabi niyang hindi. Sinabi nitong buksan ang T.V kaya ginawa niya.
Ikinagulat niya ang breaking news na naroroon. Balita iyon tungkol sa ginawang pagsugod ni Michael kay Steven Woods sa Los Angeles. May video footage ito doon kung saan kitang-kita ang walang-humpay na pagsuntok nito kay Steven. Nakita rin doon ang pagpigil niya dito at doon na tumigil ang video.
Binasa niya ang mga captions na nasa balita.
Hollywood actor, Michael de Angelo crazily attacked the producer of his new movie, Steven Woods.
Goddess designer, Stacey Stewart in Los Angeles? She clearly said that they were not dating. What is she doing there?
Pumalit doon ang interview ni Steven Woods mula sa isang private hospital sa Los Angeles. May benda ang buong mukha nito at nakaupo sa wheel chair.
Tinanong ito nang tungkol sa nangyari dito at kay Michael.
“I don’t know,” sagot nito sa reporter. “All I remember is that I was just talking to the two of them and asking them if they had a relationship or something. And then, that de Angelo just punched me on the face over and over again. I think he’s gone totally crazy. You can clearly see in the video that I didn’t do anything, I wasn’t even fighting back.”
Liar, sigaw ng utak niya. Sigurado siyang nagawan na nito ng paraan ang ibang parte ng video na iyon. Kayang-kaya nitong gawin ang bagay na iyon para lang magmukhang ito ang kawawa.
“So, what are you planning to do now, Mr. Woods?” tanong ng reporter dito.
“Well, as much as I wanted to work with de Angelo. I still can’t just let him get away with this. He’s gone too arrogant now just because he’s so famous. I decided to give his role to another actor on that new movie I’m producing. I don’t want my actors to be so violent. Look what he did to me; I’m pretty sure that he can still do this to other people if he isn’t taught a lesson.”
Nanghihina siyang napaupo sa sofa sa sinabi nito.
“And I can also file a warrant for attempted murder if they will not give a public apology for what he did. He nearly killed me that night.”
Nanlulumo niyang ini-off ang T.V. at tuluyan ng napaiyak. Mas lalo nang lumaki ang lahat. Lalo ng nasira si Michael dahil sa kanya. Ano ng gagawin niya ngayon? Hindi niya mapapayagang mangyari ang mga ito. Hindi puwedeng umupo lang siya dito habang lahat ng kasiraan ay napupunta dito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para mai-ligtas ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon