Chapter 15.3

3.2K 51 0
                                    

PAGKAPASOK nila ni Michael sa loob ng rest house nito ay dumiretso ito sa sofa at naupo doon. Nakaupo na siya ngayon sa kandungan nito, mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon humagulhol ng pag-iyak. Kanina niya pa gustong iiyak ang sakit at takot na nararamdaman. Pagod at takot ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
“I’m sorry, sweetheart,” narinig niyang bulong nito. “I’m so sorry,” may pait at sakit din ang tono ng boses nito.
“Michael…” napahikbi siya. “Takot na takot ako,” pag-amin niya. Akala niya talaga ay tuluyan na siyang magagawan ng masama ng hayop na iyon.
“Oh, sweetheart,” hinigpitan pa nitong lalo ang pagkakayakap sa kanya. “I’m sorry, if I hadn’t asked you to go there. This wouldn’t have happened, I’m very sorry, Stacey. I’m only thinking of myself. I’m so sorry.”
Muli siyang napahikbi. Iniangat niya ang ulo at tiningnan ito. Nakita niya ang pagdaloy ng mga luha sa mukha nito, mas lalo siyang napaiyak. “Hindi mo kasalanan ‘yon,” bulong niya. Tinuyo nito ang mga luha niya, muli nitong ibinalik ang mukha niya sa pagkakasubsob sa leeg nito.
Nanatili silang ganoon sa ng ilang sandali hanggang sa humihikbi na lang siya. Patuloy lang ito sa paghalik sa buhok niya para pakalmahin siya.
Muli niyang iniangat ang ulo mula sa leeg nito at tinitigan ito. “Michael…”
“Hmm?”
“Gusto kong mag-shower,” hiling niya. Gusto niyang burahin ang lahat ng ginawa ng hayop na iyon sa kanya.
Tumango ito at pinangko siya papasok sa loob ng shower room. Marahan siya nitong ibinaba at isa-isang tinanggal ang suot niyang damit. Tumaas ang sarili niyang kamay para hubadin din ang suot nitong damit. Sabay na silang tumungo sa loob ng shower at sinimulan na nitong kiskisin ang buong katawan niya.
Nakikita niya ang galit sa mga mata nito. “That bastard, I’ll make him pay for all this,” galit na galit na wika nito.
“No,” bulong niya. “Kalimutan na lang natin ang lahat, Michael,” ini-iling niya ang ulo. “Wala tayong laban sa kanya.” Iyon ang katotohanang dapat nilang tanggapin, kahit ano pang nangyari ay wala silang magagawa para labanan ito. Napakalaking tao nito para kalabanin nila. Sila lang ang siguradong mapapahiya.
“But—”
“Please, Michael. Kayang-kaya niya tayong sirain. Ayokong malaman ng iba ang nangyari, a-ayokong malaman nina Daddy,” pagmamakaawa niya.
Alam niyang hindi nito gusto ang desisyon niya pero napilitan na rin itong pumayag. “You won’t go there anymore, sweetheart,” sabi nito. “I’ll protect you from now on. I promise.”
Pinilit niyang ngumiti at inabot ang ulo nito. Siniil niya ito ng halik sa mga labi. Gusto niyang palitan nito ang alaala ng kasamaan ng demonyong iyon. Agad naman nitong tinugon ang mga halik niya. Alam niyang alam nito ang gusto niya nang mga oras na iyon.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon