NAGISING si Stacey nang maramdaman ang mga labing humahalik sa kanya. Binuksan niya ang mga mata at nakita si Michael na nakayuko sa kanya at hinahalikan siya.
Napaungol siya at bahagyang inilayo ang mga labi dito. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan nito, nakatigil na nga lang iyon.
“Wake up now, sweetheart. We’re here,” bulong nito.
Tumingin siya sa labas ng bintana. Madilim na ng mga oras na iyon. “Nasaan tayo?” tanong niya. Pagkatapos ay nakita niya ang pamilyar na lugar na iyon, napaangat ang likod niya mula sa pagkakasandal. Kilala niya ang hotel na iyon, ito ang Society Hotel ng mga ito.
Napatingin siya dito nang lumabas ito ng sasakyan at lumapit sa side niya para hilahin din siya palabas.
“A-Anong ginagawa natin dito?”
Hindi na siya nito sinagot at walang paalam na pinangko siya papasok ng hotel.
“Ibaba mo ako,” utos niya dito. Nagpumiglas siya sa pagkaka-pangko nito.
“Stay still, Stacey,” anito.
“Ibaba mo kasi ako,” sagot pa niya.
Napatigil siya sa pagpupumiglas nang makitang papasalubong sa kanila si Christopher. Nakangiti ito at iiling-iling pa. Matagal na panahon na rin nang huli niya itong makita.
“Anong buhat-buhat mo diyan, Michael?” tanong nito. “Mukhang mahirap buhatin ‘yan, ah?”
Tumawa naman si Michael. “Yeah, I just caught a big fish in Masbate and it is still alive and wriggling,” tukoy nito sa kanya.
Tiningnan niya ito ng masama. Kailan pa siya naging isda?
“Well, good luck na lang,” tinapik pa nito ang balikat ni Michael bago tuluyang umalis. “Congratulations, in advance,” pahabol na sigaw pa nito.
Nagpatuloy na lang si Michael hanggang sa elevator. Pagkalabas sa fourth floor at pagkatapat sa private suite nito sa hotel na iyon ay ibinaba siya nito para buksan ang pinto, pero hawak pa rin nito ang kamay niya na para bang kapag pinakawalan siya nito ay tatakas siya.
Itinulak siya nito papasok at ini-lock ang pinto, pagkatapos ay hinarap siya nito.
“This is the fourteenth floor, Stacey, not the seventh floor, understand? Forget about that floor and everything that happened there,” wika nito. “Just remember this floor.”
Iniiwas niya ang tingin dito. “Hindi ko gustong pakasalan ka, Michael. Please, tigilan mo na ang lahat ng ito. Bumalik ka na sa America, bumalik ka na sa normal mong buhay. Mas maganda ang buhay mo doon.”
“I don’t want to,” sagot nito sa boses na puno ng awtoridad. “I don’t want to go back in that life, Stacey. You can’t force me.”
Tiningnan niya ito, hilam na sa luha ang mga mata niya. “Huwag mong isuko ang lahat ng pinaghirapan mo dahil sa akin. Hindi ako ganoon kahalaga.”
Marahas nitong ini-iling ang ulo. “Stop talking, Stacey. I won’t listen to you.”
Umiling siya at tinuyo ang mga luha. “Bigyan mo ako ng sapat na rason para pakasalan ka, de Angelo,” subok niya dito.
Yumuko ito. “I don’t have reasons,” sagot nito.
Tumango siya at humakbang palabas ng kuwarto. Sapat na iyon para umalis.
“I just love you.”
Napatigil siya sa paghakbang dahil sa sinabi nito. Marahan niyang ibinalik ang tingin dito, gulat na gulat para makabuo pa ng matinong salita.
Lumakad ito palapit sa kanya, nakatitig na para bang siya lang ang nakikita nito sa buong mundo. “However careful I tried to be, no matter how I tried to pretend I wasn’t. I’m already in love with you,” pagtatapat nito, nangangatal pa ang boses nito sa sobrang emosyon.
Muli na namang pumatak ang mga luha sa mukha niya.
“I don’t know when I started to love you, but I’m very sure that I love you even though I still think about your bad reputation with men. I don’t care if that’s true or not, I thought that I can still accept you. But I’m very happy when I realized that those rumors aren’t true, it gave me more reason to love you,” marahan nitong hinaplos ang mukha niya. “I’m sorry to say this but at that time when you saw Christopher cheating on you, deep inside, my heart was rejoicing. You don’t know how happy I am at that time.”
Nakatitig lang siya dito, hindi pa rin magawang paniwalaan ang lahat ng ipinagtapat nito.
“I thought that if the two of you broke up, you can have more time to look at me. Stupid, isn’t it?” ngumiti ito. “Only now, I understand what love is. Those days that you were gone, I tried to tell myself that it wasn’t love I’m feeling for you. But I can’t… I can’t, Stacey. I love you.”
He gently kissed her temple and slowly went down to the tip of her nose and to her cheekbone. “I now believe on what Plato said about love. That love is a great mental disease. Because I’m completely crazy in love with you, woman,” tinuyo nito ang mga luha niya. “You must be tired of this, of our life. Although it’s a bit too late, will you give me a chance? Please?”
Tinitigan niya ito at hinaplos ang mukha nito, may pumapatak na ding luha mula sa asul nitong mga mata. She missed him so much and her heart was pounding and racing at that moment. “I love you too, Michael,” bulong niya. Nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito sa sinabi niya. “Hindi ako naniniwalang pagmamahal iyon noong una. Pinaniwala ko ang sarili ko na malungkot lamang ako at kailangan kong sumandal sa’yo pagkatapos ng nangyari sa amin ni Christopher. Pero nagkamali ako, nahuhulog na pala talaga ang loob ko sa’yo noong mga panahong iyon. I love you so much, Michael. Patawarin mo ako kung iniwanan kita. Akala ko iyon na ang pinaka-mabuting gawin para sa’yo dahil ayokong nakikitang nasasaktan at nahihirapan ka. Ayokong ipagkait sa’yo ang mga pangarap at hilig mo. Ayokong matulad ka sa akin, kinasusuklaman ng mga tao.”
“Ssshhh…” bulong nito at niyakap siya ng mahigpit. “Let’s forget about it, sweetheart. Let’s build a new life, a life where we can be together always, where we don’t need to hide in the public’s eyes anymore,” nagmamakaawa na ang tono nito. Muli siya nitong pinakawalan at may kinuha sa bulsa ng pantalon nito. Muli na namang rumagasa ang luha mula sa mga mata niya nang makita ang kuwintas na ibinigay nito sa kanya noon sa Los Angeles. “This is my heart, Stacey. You should never ever leave it again,” isinuot nito sa kanya ang kuwintas na iyon.
Ngumiti siya. “Iiwan mo na ba talaga ang pag-arte? Puwede mo pa rin naman iyong gawin kung gusto mo.”
Ngumiti din ito. “I love acting and that will never change. But I started to hate my life in it. It’s just so hard. It’s okay, maybe it’s time for me to focus in our hotels and restaurants. My Dad has been calling me all this time, he’s asking me to find you quick and overtake his position in his business now.”
Tumawa siya at isinubsob ang mukha sa leeg nito. “Nagpo-produce ng pelikula ang Mommy ko dito, puwede kang gumawa pa rin ng pelikula dito kung gusto mo. Siguradong papayag iyon.”
Tumawa din ito. “I’ll think about it, sweetheart. But not now, I want to spend all of my time with you,” bahagya siya nitong inilayo. “And you still need to pay for those days that you’re not with me.”
Pagkasabi noon ay pinangko na siya nito at marahang inilapag sa king-sized bed na naroroon. Mabilis itong sumunod sa kanya.
“Paano mo nga pala nalaman ang kinaroroonan ko?” nagtatakang tanong niya dito.
“Your friend, Jamie, called me the next night after I proposed in my press conference. He told me where you are,” sagot nito.
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Ang baklang iyon talaga, kahit kailan. Iyon pala ang dahilan ng malimit na pagkawala nito.
“So,” pagpapatuloy nito. “I immediately booked a flight to find you here. I nearly jumped off the plane when it landed here in the Philippines because I really, really want to see you already. I posted the flyers around the town you were in but I didn’t expect those reporters to hound you,” ngumiti ito. “Don’t you know how much my heart beats like crazy when I saw you walking out from your house and pulling those flyers irritatingly?”
Napatawa na siya. “Akala ko ipi-nost mo ang mukha ko sa buong mundo.”
Sinabayan nito ang tawa niya. Nakatitig lamang siya dito nang dahan-dahan nitong tinatanggal ang butones ng suot niyang blusa. “You don’t know how much I missed you, Stacey,” bulong nito. Ilang sandali siya nitong pinaka-titigan bago bumuntong-hininga. Mayroong sakit na dumaan sa mga mata nito. “You don’t know how much I’ve longed to have you in my arms again,” marahan nitong hinalikan ang mga labi niya bago muling lumayo. “You stupid witch.”
Ngumiti siya. “Stupid jerk.”
“Stupid witch.”
“Stupid jerk.”
Ngumiti din ito. “I love you.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I love you too.”
Tumango-tango ito at pumaibabaw sa kanya. She could now feel his hard body pinning her on the soft bed. “Let’s get married next month,” napailing ito. “No, next week… no, let’s get married tomorrow.”
Tumawa siya at ini-iling ang ulo. “Sa susunod na linggo.”
“That’s a long wait,” sabi pa nito. “Tomorrow, sweetheart. I’ll rush everything just to marry you. No need for a grand wedding, we’re not the royal couple.”
“Hindi, next week,” pilit niya pa. Sobra namang napapabilis ang lahat kung bukas ay ikakasal na sila.
“Tomorrow.”
“Next week.”
“I said, tomorrow.”
Bumuntong-hininga siya. Itinulak niya ito para umiba ng posisyon. Siya naman ang pumaibabaw dito. “Okay, pero ako ang nasa taas ngayong gabi,” hirit niya.
Kumunot ang noo nito at muli siyang iniikot pahiga. “No, I’ll be on top.”
“Hindi, ako,” patuloy niya.
“I will,” deklara nito.
“Ayoko nga, ang bigat-bigat mo,” sagot niya. Natatawa na siya sa pinagta-talunan nila.
“I also don’t want you to go on top,” sagot pa nito. “The first time you’ve been there, you left me the next day.”
Ngumiti siya at tumango. “Sige, pero sa susunod na linggo na lang tayo magpapakasal,” hirit niya pa.
Napaisip ito sa sinabi niya bago muling bumagsak ng higa sa kama. “Okay, you go on top.”
“Ano?” hindi-makapaniwalang tanong niya dito. “No, you go on top.”
Marahas itong umiling. “I’ll marry you tomorrow.”
Lumabi siya at niyakap ito. “Sa susunod na linggo na tayo magpakasal, hmm?” paglalambing niya dito. “Kailangan ko pang makausap ang mga magulang ko. Please, Michael, please.”
Tumingin ito sa kanya at ilang sandaling nag-isip. Pagkatapos ay muli itong pumaibabaw sa kanya. “Okay, but you have to promise me that you’ll never leave my side from now on.”
Binigyan niya ito ng ngiting puno ng pagmamahal. “Promise,” pagkatapos ay inabot niya ang ulo nito at siniil ito ng mainit na halik.
![](https://img.wattpad.com/cover/189672366-288-k527235.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...