EMERALD Coast, Florida was far more than a wonderful place to be described. Alam niya na ngayon kung bakit ganoon ang pangalan ng lugar na iyon. It was because of the green emerald waters surrounding the whole coast. Purong puti ang buhangin at nakakaakit ang araw. It was located in the Gulf of Mexico and the best place for those who love waters and was planning to have an enjoyable life in the beach.
Katatapos lang ng meeting ng lahat ng production staffs ng movie na siya ang gagawa ng costume designs, ‘The Open Ring’ ang pamagat ng movie na iyon. Ngayon nga ay nagpapakasaya na lang siya sa magandang view na nakikita. Masarap sa pakiramdam na magkaroon ng relaxing time kahit minsan, masyado na siyang naging abala at stress nitong mga nakaraang araw.
Naglalakad siya sa may dalampasigan nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. Lumingon siya at nakita si Michael. Nakasuot ito ng summer shirt at khaki shorts. Hindi niya na ito masyadong nakausap kanina dahil nag-focus talaga siya sa pag-intindi sa mga sinasabi sa kanya ni Director Barry na ine-expect daw nitong designs ng costumes. Ito naman ay naging busy din sa script reading ng mga ito.
Tinanggal niya ang suot na shades nang makalapit ito at iniabot iyon dito. “Here,” aniya. “Nakalimutan ko ang cap mo sa place ko.”
Hindi nito iyon tinanggap. “No, keep it,” anito. “It looks good on you.”
Napangiti siya. Parang puro magaganda na ang sinasabi nito sa kanya ngayon, ah? Samantalang noon ay napakababa ng tingin nito sa kanya.
Tumingin ito sa dagat na nasa harap nila. “Beautiful, isn’t it?” komento nito.
Tumingin siya sa kumikintab na berdeng tubig. “Oo, I’m glad na nandito ako ngayon.”
Bumuntong-hininga ito. “Emerald,” sambit nito. “Exactly just like the color of your eyes.”
Muli siyang napatingin dito at sinalubong ang asul nitong mga mata na nakatitig sa kanya. Bahagya siyang nailang sa titig nito kaya muli niyang ibinalik ang tingin sa dagat.
“S-Sino ang gaganap na leading lady mo?” tanong niya para lang maiba ang usapan. Nagsisimula na siyang mailang sa.mga komento nito sa kanya.
“I don’t have a leading lady in this movie. This will be all about the historical days of America,” sagot nito.
“I see,” tugon niya. “Michael, bakit mo piniling maging actor? I mean, pagmamay-ari ng pamilya mo ang napakaraming Hotels and Restaurants as iba’t ibang bansa. Puwede namang ikaw na lang ang mag-manage doon. Hindi ka ba pinipilit ng Daddy mo na pumalit sa kanya?”
“He did,” sagot nito. “But I love acting. I always love to act ever since I’m young. I always tell myself that I will be a well-known actor someday; just like those other actors I admired the most. I want to express myself through acting; I want to gain more experience through acting.”
Napatingin siya dito. Mayroong sobrang ka-seryosohan sa tono ng boses nito.
“You love designing and you have reasons why,” pagpapatuloy nito. “I love acting and I also have my own reasons why. That’s my passion and it’s been a part of my life. Every one of us was given rights to pursue our own passion, our own dreams,” tumingin ito sa kanya. “We must fight for what we want and not just settle for what we have. Maybe someday I’ll have to manage our Hotels and Restaurants too. But not now, I still want to improve in this path and to learn more,” ngumiti ito. “And if I were to be born again, I’d still choose to be an actor.”
Napatitig siya dito. Walang pag-aalinlangang mahal na mahal nito ang ginagawa. Hindi niya alam na may ganitong side din pala ang lalaking ito. Nagsisimula niya nang magustuhan ito. Hindi naman pala ito kasing sama ng inaakala niya.
“Oh, look who are here?” narinig nilang singit ng isang boses ng isang lalaki sa likod.
Nalingunan nila doon ang producer ng movie nito na si Steven Woods, kasama nito ang asawa at isang anak nitong sa tingin niya ay nasa apat o limang taong gulang pa lamang. Ang pagkakaalam niya ay nasa forties na nito si Steven pero hindi iyon halata dahil bata-bata pa ang itsura nito. Maganda din ang asawa nito at mukhang nasa late-thirties na nito.
“de Angelo and Stacey,” pagpapatuloy nito. Napansin pa niya ang malagkit na titig nito sa kabuuan niya. Alam niya ang reputasyon nito sa mga babae. Mukhang napansin din iyon ni Michael kaya bahagya itong lumapit sa kanya. Magalang itong bumati sa mga ito.
“It’s nice that my production staffs and actors are doing well with each other,” sabi pa nito. “Well, I hope for the movie’s success. I rely on both of you,” iyon lang at nagpaalam na ito at niyaya ang asawa at anak na bumalik sa hotel na tinutuluyan ng mga ito.
Pagtingin niya kay Michael ay nakatingin na din ito sa kanya. Siya ang unang nag-iwas ng tingin, bakit ba hindi niya na magawang tagalan ang mga tingin nito?
“What are you planning this weekend?” narinig niyang tanong nito.
Tumikhim siya. “Well, plano ko sanang bumalik sa Pilipinas dahil mayroon pa naman akong isang buwan para magawa ang designs ng costumes,” sagot niya.
“Philippines?” nagtatakang ulit nito. “Why?”
“Gusto kong makausap si Christopher,” sagot niya. Gusto niya rin talagang makausap si Christopher at maayos ang lahat. Napag-isip niya na ayaw niya nang magkimkim ng galit sa isang tao. Kahit papaano naman ay naging kaibigan niya rin ito at ni-respeto rin naman siya.
Narinig niya ang naiinis na pagbuntong-hininga nito. Pagtingin niya dito ay nakita niya ang inis sa mukha nito.
“You really like Christopher that much, huh?” sabi nito. “He cheated on you and you still want to see him? Is he really that good?” sarkastikong dugtong nito.
Hindi niya nagustuhan ang ibig nitong ipahiwatig sa mga sinabi. Kanina lang ay ang bait-bait nito tapos ngayon heto na naman ang dating ugali nito. Well, baka ito naman talaga ang tunay na pagkatao nito, maskara lang siguro nito ang pagiging mabait.
Hindi niya na ito sinagot at mabilis na tinalikuran. Lumakad siya palayo dito at dumiretso sa hotel na tinutuluyan. She already liked him a while ago and then he turned back to his devil side. She hated him more now. Mababang uri pa rin pala ng babae ang tingin nito sa kanya, wala talagang pinagkaiba ang mga lalaki.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomansaStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...