ITINIGIL ni Michael ang kotse nito sa tapat ng Society Hotel. Malakas pa rin ang ulan. Muli siyang napatingin sa likod at nakitang inaayos na ni Christopher ang buhok ni Rachel. Mukhang nakatulog na ito sa kandungan nito. Bumaba siya ng sasakyan at pinagbuksan ang mga ito ng pinto.
Lumabas ng sasakyan si Christopher, pangko na nito si Rachel. Pumasok sila sa loob ng hotel, nakasunod lang sila ni Michael dito hanggang sa elevator.
“Seventh,” wika ni Christopher.
Pinindot ni Michael ang seventh floor button. Lahat sila ay basang-basa pa rin. Muli siyang napatingin kay Christopher. Nakatitig ito sa natutulog na mukha ni Rachel. May kakaiba siyang nakikita sa mga mata nito, iniiwas niya ang tingin sa mga ito. Pilit niyang tinatanggal sa isipan ang mga bagay na hindi niya dapat iniisip.
Pagkalabas nila sa seventh floor ay tumuloy ito sa isang private suite na nandoon. Alam niyang pag-aari iyon ni Christopher.
Tumingin ito sa kanya. “Puwede mo bang kunin ang susi sa bulsa ko?” tanong nito.
Sinunod niya ito at kinuha doon ang susi. Binuksan niya ang pinto para sa mga ito. Pumasok ito sa loob at marahang inilapag sa kamang naroroon si Rachel. Ipinatong niya ang susi sa bedside table na naroroon.
“What happened to her?” tanong ni Michael dito.
Tumingin sa kanila si Christopher. “May ombrophobia siya. May takot siya sa ulan dahil sa karanasan niya noong bata pa siya,” sagot nito.
Paano nito nalaman ang lahat ng iyon? Samantalang hindi niya alam na may ganoong phobia si Rachel.
Lumapit si Christopher sa closet na nandoon at kumuha ng ilang damit nito, pagkatapos ay lumakad ito patungo sa kanya. “Puwede mo ba siyang palitan ng damit, Stacey?” tanong nito.
Tumango siya at kinuha dito ang mga damit na hawak. Kailangan niya nang tigilan ang kaiisip ng kung anu-ano. Siguradong nag-aalala lang ito para sa kaibigan.
Lumabas na ang mga ito ng kuwarto at sinimulan niya ng palitan ng damit si Rachel. Napatitig siya dito. Hindi niya pa rin maiwasang isipin kung paano ito naging ganoon kalapit kay Christopher. Bumuntong-hininga siya. Tatanungin niya na lang ito sa ibang araw, sigurado siyang may rason ito.
Pagkatapos palitan ito ng damit ay lumabas na rin siya ng kuwarto. Napatingin ang mga ito sa kanya.
“Salamat,” ani Christopher. Aktong papasok ulit ito sa kuwarto nang pigilan niya.
“Hindi ba puwedeng iba na lang ang mag-bantay sa kanya?” tanong niya dito. Hindi niya alam pero sigurado siyang nagseselos na siya ng mga oras na iyon. Pumayag lang ito ay mawawala na ang nararamdaman niyang iyon.
Tumingin ito sa kanya. “Kailangan ko siyang bantayan, Stacey. Ako lang ang nakakaintindi sa sitwasyon niya.”
Marahan siyang tumango. “I see,” bulong niya. Pumasok na ito sa loob at lumakad na siya palayo sa suite na iyon. Naramdaman niya pa ang pagsunod sa kanya ni Michael.
“Wow, you look poor when you’re jealous,” anito.
Tiningnan niya ito. “Ayokong makipag-usap sa’yo ngayon, de Angelo. Kung wala kang sasabihing matino, pabayaan mo na lang ako.”
“Can’t you be nicer to me even once?” tanong pa nito. “Are you really that snob?”
“I’m actually a very nice person until you pissed me off,” tugon niya.
“Really? I can’t see that.”
“Michael, please…” Kailan ba ito titigil sa kagugulo sa kanya?
“Whoa… natawag na pangalan na ko?” anito.
“Ano?” naguguluhan niyang tanong dito.
“I mean, you just called me in my first name,” pagpa-paliwanag nito.
Hindi niya napigilan ang mapangiti. Nagsalita ba ito ng Tagalog? Nakakatawa pala itong magsalita ng Tagalog. Tuluyan na siyang napatawa.
Tumingin ito sa kanya ng masama. “What’s funny?”
“Ikaw,” sagot niya habang patuloy pa rin sa pagtawa.
Napailing ito. “You’re crazy.”
Tumango siya. “Yeah,” napabuntong-hininga siya. Nabawasan na naman ang bigat ng kalooban niya kahit kaunti. May mabuti rin naman pala itong naitutulong kahit papaano.
“I’ll drive you home,” sabi nito nang nasa loob na sila ng elevator.
Pumayag na din siya dahil naiwan niya rin naman sa mall ang sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
Storie d'amoreStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...