Chapter 2.4

3.6K 69 1
                                    

FIVE-THIRTY na ng hapon nang makarating si Stacey sa MicroGet sa Ortigas, pag-aari iyon ng boyfriend niyang si Christopher. Ipinarada niya ang sasakyang puting Hyundai sa parking lot bago lumabas niyon.
Pagkapasok niya sa loob ng kumpanya ni Christopher ay may ilang taong naroroon ang nakasunod ang tingin sa kanya, malimit ay mga lalaki. Hindi niya na lang pinansin ang mga ito at dumiretso na sa elevator.
May ilang employees ng kumpanya ang kasabay niya doon. Nakita niya pa ang pagsulyap ng mga ito sa kanya.
“Si Stacey Stewart ‘yon, di ba?” narinig niyang bulong ng isang babaeng employee sa kasama.
“Oo nga,” sagot ng isa. “Sila pa rin pala ni Sir Christopher? Akala ko may bago na siyang dine-date na actor?”
Napabuntong-hininga siya sa sarili. Hanggang dito pa rin pala hindi pa rin siya tatantanan ng mga rumors. Laking pasasalamat niya nang bumukas na ang elevator sa opisina ni Christopher. Nginitian niya ang mga employees na iyon bago lumabas. Mag-usap sila nang hanggang sa gusto nila, wala na siyang pakialam.
Naglakad siya palapit sa desk ng sekretarya nitong si Liezl Castro. Matagal na itong secretary ng nobyo, kaibigan niya rin ito. Hindi lang ito maganda, mabait pa. Kaya siguro nagtagal ang relasyon nito at ng ex-boyfriend niyang si Justin Aguirre dahil doon. Mukhang in-love na in-love talaga ang mga ito sa isa’t isa.
Napaangat ito ng tingin sa kanya.
“Hi, Liz. Nice to see you again,” bati niya dito. “Is Christopher inside?”
Tumango ito. “Are you going out for a date?” tanong nito.
Napangiti siya. “I hope so. Kung hindi siya busy,” sagot niya. Sana nga hindi ito busy.
Napatawa ito. “Hindi na siguro kapag nakita ka niya.”
“Oh,” she said. “By the way, wala bang umaaligid na babae kay Christopher habang wala ako?”
Ngumiti ito sa kanya. “Dito sa opisina, wala. Ewan ko lang sa labas,” sagot nito.
Lumabi siya. Sigurado namang marami ding umaaligid na babae dito. Napatingin siya sa pinto ng opisina nito nang lumabas ito, mukhang nagulat pa ito sa pagkakita sa kanya.
“Babe, what are you doing here?” tanong ni Christopher sa kanya. “I thought you’re in New York?”
Humakbang siya palapit dito at ginawaran ng mabilis na halik ang mga labi nito. She missed him so much; he looked so good wearing that black three-piece suit na siya mismo ang nag-design at nagpadala dito.
“I came back for a decent vacation,” sagot niya dito. “May nang-iinis kasi sa akin sa States. Actor pa naman siya, ang sama-sama ng ugali,” tukoy niya sa ka-‘breakers’ nitong si Michael.
Napatawa ito. “Who is it? Gusto mong turuan natin ng leksiyon?”
Natuwa siya sa sinabi nito. Napaka-caring talaga nito. “Huwag na, I don’t want to waste my time on him, and yours too,” tanggi niya. “Can we have dinner together?” Umaasa siyang papayag ito.
“Sure, why not?”
Napangiti siya. “Let’s go to this restaurant I heard on my way here. Masarap daw ang pagkain doon,” excited na sabi niya dito. “May ipapakilala din ako sa’yo. An old friend of mine.”
“Okay,” pagpayag nito bago nagpaalam kay Liezl. Nagpaalam din siya dito at kumapit sa braso ni Christopher habang naglalakad sila papunta sa elevator. Ito ang isa sa mga magandang katangian nito – hindi ito mahirap hingian ng pabor. Bihira na ang ganitong mga lalaki sa panahong ito, lalo na kapag maraming business na inaasikaso. Napaka-palad niya na makilala ito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon