ALAS-SIETE na ng gabi nang makarating si Stacey sa filming site nina Michael. Hindi siya sigurado kung nandito pa nga ba ang mga ito, masyado kasi siyang napasarap sa pamamasyal kaya hindi niya na namalayan ang oras.
Pagkapasok nila sa loob ay nakita niyang wala ng tao pero nandoon pa rin ang mga gamit ng mga ito. Baka naman nagdi-dinner lang ang buong production team. Naupo siya sa isang silyang naroroon at matiyagang hinintay ang mga itong bumalik.
Ilang sandali lang ay naramdaman niyang may lumapit sa kanya. Nagulat pa siya nang makitang si Steven Woods iyon, ang producer ng pelikula.
“Stacey, it’s nice to see you here,” masayang pagbati nito.
“Good evening, Sir,” magalang na bati niya dito.
“Call me Steven,” naupo ito sa tabi niya. “What are you doing here in Los Angeles?” tanong pa nito.
“Uh… I-I was just passing by,” tugon niya. “I heard that they were shooting here and I’m actually having my vacation,” pagdadahilan niya.
“Really? I’ve been yearning to see you again,” wika nito, kumapal na ang tono ng boses nito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa buhok niya. “You are really very beautiful,” bulong pa nito. “I’ve seen you a lot of times during your fashion shows but I never had the chance to meet you formally and to talk.”
Bigla siyang napatayo sa kinauupuan. Unti-unti na siyang kinakabahan sa mga inaakto nito. Alam niya ang reputasyon nito pagdating sa mga babae kaya habang maaga pa ay kailangan niya ng lumayo. “I-I need to go now,” wika niya bago humakbang palayo. Pero hindi niya na iyon naituloy nang marahas nitong pigilan ang braso niya. “Steven, let go of me,” utos niya dito. Pinilit niyang patatagin ang boses kahit na puno na ng kaba ang puso niya.
“Oh, come on, sweetie,” hinila siya nito palapit sa katawan nito. Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas. “How much do you want, huh? A million dollar? A mansion? Rest house? Your own fashion company? Name your price.”
Ano bang mga pinagsasasabi nito?! Nababaliw na ba ito?! “Let go of me!” puno ng kabang sigaw niya dito. “I’m not that kind of woman!”
“Oh, really? Don’t be such a wimp, Stacey. I’m offering you anything you want, just tell me,” marahas siya nitong hinila patungo sa isang sulok. “I can give you everything.”
“No!” nagsimula nang magsipatakan ang mga luha sa mukha niya. Pilit niyang inilalayo ang sarili dito pero lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nito sa kanya. Diring-diri na siya sa pagkakahawak nito pero hindi niya naman magawang kumalas. “No! Please! No!” napahikbi siya.
Sapilitan siya nitong inihiga sa sahig at kinubabawan ng katawan nito ang katawan niya. Ibinuhos niya ang lahat ng lakas para maitulak ito palayo, pero wala ring nagawa iyon, napakalakas nito. Nang magkaroon siya ng pagkakataon, she scratched her fingernails onto his face.
Napamura ito sa sakit. “Damn woman!” isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya. Naramdaman niya ang nag-aapoy na sakit sa mukha niya sa ginawa nito. “Stop fighting, you bitch! I know you want this, too. I’ll make you very happy,” pagkatapos ay sinimulan na nitong halikan ang leeg niya.
“No!” buong lakas niya itong pilit na itinutulak palayo. “Help! Please…” unti-unti ng nauubos ang boses niya. Patuloy lang siya sa pag-iyak at pagmumura habang nararamdaman ang maduduming halik nito sa mukha niya. No, please… tulungan niyo ako. Please… Hindi siya papayag na maangkin siya ng demonyong ito. “N-No…”
“Damn you!”
Nakita niya ang galit na galit na pagsugod ni Michael sa lalaking ito. Hinila nito ang demonyong nasa ibabaw niya at sunod-sunod na inundayan ng malalakas na suntok.
Hinakot niya ang natitira pang lakas para umupo. Nangangatal pa ang buong katawan niyang gumapang patalikod papunta sa isang sulok. Yakap-yakap niya ang mga binti at patuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya.
Kitang-kita niya kung paano galit na galit na pinagsusuntok ni Michael si Steven sa mukha. Punong-puno na ng dugo ang mga kamay nito. Patuloy din ito sa pagmumura sa lalaki.
Pinilit niya ang sariling lumapit dito at pigilan ito. Sigurado siyang posibleng mapatay nito ang demonyong iyon kung hindi niya pipigilan. Kahit hinang-hina na ay pinilit niya pa ring makalapit dito. Hinila niya ito palayo. “Michael, s-stop… tama na, p-please…” wika niya sa gumagaralgal na tinig. Nakita pa niya ang pagsuka ng dugo ni Steven. Punong-puno na ng dugo ang buong mukha nito.
Aktong susugudin pa ulit ito ni Michael pero pinigilan niya na ito. Patuloy pa rin siya sa pagluha habang hinihila ito palayo.
“Damn you, bastard! I’m going to kill you!” puno ng poot na sigaw ni Michael dito.
“Tama na, Michael,” pagmamakaawa niya. “Tama na, p-please…” patuloy pa rin siya sa paghikbi. “Tama na…”
Mukha namang natauhan na ito at niyakap siya ng mahigpit. “Oh, sweetheart, I’m sorry,” punong-puno ng galit, pag-aalala at pagsisisi ang mga mata nito. “I’m sorry, I’m sorry, I’m sorry…”
Narinig pa nila ang pagak na tawa ni Steven. “You are… going to regret this, de Angelo…” anito at muling umubo at sumuka ng dugo.
Muli na namang sumiklab ang galit sa mga mata ni Michael. “You bastard! I’m going to kill you! I swear! Damn you!” aktong susugudin na naman nito ito pero muli niya na naman itong pinigilan.
“M-Michael, please…” muli siyang nagmakaawa dito. “U-Umalis na tayo sa lugar na ito. A-Ayoko na dito,” dugtong niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
Nanginginig pa ang mga kamay nitong pinunasan ang mga luha niya at tumango. “Let’s get out of here, sweetheart… let’s get out of here,” iyon lang at pinangko na siya nito at dinala palabas ng site na iyon. Dumiretso ito sa kinapaparadahan ng sasakyan nito at maingat siyang inilagay sa passenger’s seat bago ito umikot papunta sa isang side. Mabilis nitong pinatakbo ang kotse pero hawak-hawak pa rin ang isang kamay niya.
Wala na siyang lakas ng mga oras na iyon. Ang nais niya lang gawin ay ipikit ang mga mata at hilingin na sana isa lang itong masamang bangungot.
![](https://img.wattpad.com/cover/189672366-288-k527235.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...