ILANG araw ang lumipas at sobrang tight ng schedule ni Stacey ngayong araw. Natapos niya na kasi ang designs ng costume na ginagawa niya at na-aprubahan na rin iyon ni Director Barry. Kaya kailangan niya ng masukatan ang mga casts, tapos pumili ng gagamiting tela, then pumunta sa magtatahi noon na mga ka-trabaho niya sa kumpanya niya, tapos bumalik ulit para sa panibagong meeting with the production staffs.
Papasok na siya sa loob ng dressing room ng TV network na kinaroroonan niya para sukatan ang mga casts ng pelikula. Pagkapasok niya ng kuwarto, agad na nasalubong niya ang tingin ni Michael. Hindi niya pa ito nakakausap simula ng matulog ito sa unit niya, medyo naiilang na kasi siyang pakiharapan ito. Nakita pa niya ang pagkindat nito sa kanya. Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito at sinimulan na ang trabaho.
Inabot siguro siya ng mahigit-kumulang isang oras bago niya natapos sukatan ang lahat ng casts na naroroon maliban kay Michael dahil hindi pa naman ito tumatayo sa kinauupuan nito. Nagsimula ng mag-alisan ang mga taong naroroon.
Napilitan siyang lumapit na dito, mukha kasing may balak na naman itong mang-inis. “Stand up,” utos niya.
Tumayo naman ito. Sinimulan niyang sukatan ang likod nito at mga braso. Tumingin siya dito, sinenyasan niya ito na dumipa para masukat niya ang dibdib at baywang nito. Sumunod naman ito.
Ipinaikot niya ang mga kamay sa katawan nito para iayos ang hawak na medida. Nagulat pa siya nang bigla nitong i-yakap ang mga braso sa kanya. Pinilit niyang lumayo dito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.
“Michael, ano ba? Hindi ako matatapos dito sa ginagawa ko,” pilit pa rin niya itong itinutulak palayo. “Baka may makapasok dito, kung ano pa ang isipin.”
“You fell on me that night, remember?” sabi nito.
Napatingin siya dito. Akala niya ay hindi nito natatandaan ang bagay na iyon dahil hindi naman nito iyon nabanggit pagkagising nito. Iniiwas niya ang tingin dito. “I-I’m sorry, hindi ko alam na makulit pala akong matulog,” nauutal na pagdadahilan niya.
“Hmm,” tumango-tango ito. “It’s okay, you’re not that heavy,” dugtong pa nito at nakita niya ang naglalarong ngiti sa mga labi nito.
Tiningnan niya ito ng masama at muling itinulak ito palayo. “Pakawalan mo na ako,” utos niya. Nabibingi na siya sa tibok ng puso niya dahil sa pagkakayakap nito. “Marami pa akong kailangang gawin, de Angelo. Kaya kailangan ko ng tapusin ito, makisama ka naman,” nasa tono niya na ang pagmamakaawa.
Pinakawalan naman siya nito at nakahinga na siya ng maluwag. Itinuloy niya na ang pagkuha sa sukat nito. Tumaas ang isang kilay niya. He really did have a great body measurements, tamang-tama lang sa isang hunk actor.
“I forgot to work out this morning,” wika pa nito. Sinabayan pa nito iyon ng iling.
Ngumiti siya at isinulat sa hawak na notepad ang mga sukat nito. “Wala akong pakialam,” sagot niya.
“Do you want to ride the de Angelo Cruise?” tanong pa nito. “Wanna go with me?”
Tiningnan niya ito. “Are you asking me out on a date, de Angelo?” Hindi ito sumagot kaya nagpatuloy siya. “Sinabi ko na sa’yo noon na hindi ko type ang mga actors, medyo busy rin ako ngayon. Saka puwede bang mag-focus ka na lang sa acting career mo? Magsisimula na ang filming ng movie niyo this week, right? So please, tigilan mo na ang kakukulit sa akin,” iyon lang at tinalikuran niya na ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...