HALOS tatlong araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang proposal na iyon ni Michael, mukha namang puwede na siyang lumabas. Ubos na kasi talaga ang mga stock ng groceries niya. Hindi niya naman mapakiusapan si Jamie na ibili siya ng groceries. Ewan niya ba sa baklang iyon kung bakit napakahirap ng pakiusapan, napapansin niya ring malimit na itong nawawala. Ano naman kaya ang pinagkaka-abalahan noon?
Aktong palabas na siya nang makasalubong niya pa ito sa pinto.
“Saan ka pupunta?” tanong nito.
“Bibili ng groceries,” sarkastikong sagot niya dito. “Kasi naman po ‘yong isang tao diyan hindi na mapakiusapan.”
Ngumiti lang ito at pumasok sa loob. “Ayoko nga kasi ang bigat-bigat kaya ng mga iyon. At kung ako sa’yo, hindi ako lalabas ngayon.”
Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Ini-iling niya na lang ang ulo, bahala na nga ito sa buhay nito. Tumuloy pa rin siya sa paglabas. Ilang hakbang na siyang nakakalayo sa bahay nila nang magulat siya sa nakita sa paligid.
Nakita niya ang napakaraming flyers sa paligid. Naka-post doon ang mukha niya. Kinuha niya ang isang nakasabit sa posteng malapit sa kinatatayuan niya. Binasa niya ang mga nakasulat doon.
Michael de Angelo is looking for his Stacey Stewart.
She has been missing for more than three months now.
“Woman, if I find you. You’ll marry me!” – Michael.
Ipinikit niya ang mga mata at galit na galit na pinagkukuha ang mga flyers na iyon sa paligid. Ano bang problema ng lalaking iyon? Naka-post ba sa buong mundo ang mukha niya ngayon? Daig niya pa ang most wanted criminal sa mundo, ah?
“Si Stacey Stewart ba ‘yon?”
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon at nakita ang ilang mga reporters na nagsipag-takbuhan papalapit sa kanya. Huli na para tumakbo at magtago, nag-unahan na ang mga ito sa pagkuha ng larawan niya at pag-aro ng mga hawak nitong recorders.
“Anong masasabi mo sa proposal na ginawa ni Michael de Angelo?”
“Gaano katagal ka ng nagtatago dito sa Pilipinas?”
Tinakluban niya ang mukha ng mga flyers na hawak. Umalis siya ng New York dahil sa mga makukulit na reporters at paparazzi na sumusunod sa kanya. Hanggang dito ba naman ganoon pa rin ang mangyayari sa kanya. Kasalanan itong lahat ng walang-modong lalaking iyon.
“Sagutin mo kami, Stacey!” sabay-sabay na sabi ng mga ito.
“Pasensiya niya,” sabi niya. “I’m really sorry pero wala naman kaming relasyon ni Michael. Siguro nagbibiro lang siya sa sinabi niyang iyon,” sinubukan niyang mag-sinungaling muli.
“I’m not.”
Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
“Move,” pagpapatuloy ng boses na iyon. Nagsipag-tabihan ang mga reporters na nakaharang sa kanya.
Parang may naghahabulang mga daga sa puso niya nang makita itong naglalakad palapit sa kanya. Ito pa rin ang Michael de Angelo na kilala niya. Ito pa rin ang walang-modong lalaki na lumalakad at nagsasalita na umaapaw ang kumpiyansa sa sarili, ang walang-modong lalaki na minamahal niya.
“A-Anong ginagawa mo dito?” tanong niya nang makalapit ito.
Kinuha nito ang mga flyers na hawak niya at binasa ang nakasulat doon. “Woman, if I find you. You’ll marry me,” tumingin ito sa kanya. “I found you. Now, marry me.”
Aktong magsasalita pa siya nang mabilis nitong inilagay ang isang kamay sa baywang niya at ang isa pa sa likod ng ulo niya at sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya. Nakita niya pa ang mga ilaw na nagmumula sa mga camera. Unti-unting pumikit ang mga mata niya at ibinigay ang sarili dito. She missed his kisses so much, her tears begun to run down from her eyes.
Lumayo ito at tinitigan siya, marahan nitong tinuyo ang mga luha niya at niyakap siya ng buong higpit. Awtomatikong tumaas ang mga kamay niya para gantihan ang yakap nito. She missed him so much.
Bahagya siya nitong pinakawalan at hinarap ang mga reporters na naroroon. “We’ll answer all your questions in our wedding,” wika nito sa mga ito. “Now, please give us some time for each other,” pagkatapos ay hinila na siya nito patungo sa sasakyan nitong nakaparada malapit sa kanila. Narinig niya pa ang palakpakan mula sa mga reporters at ilang taong naroroon para manood. Naramdaman niya ang pamumula ng mukha niya.
Pagkapasok nila sa kotse ay mabilis na nito iyong pinaandar. Tumingin siya dito.
“Hindi ko pa sinasagot kung gusto ko ring magpakasal sa’yo,” sabi niya.
Inabot nito ang kamay niya. “Whether it’s a ‘yes’ or a ‘no’, you’ll still marry me,” deklara nito ng buong awtoridad.
“Ano?!” pilit niyang hinihila dito ang kamay. “Paano mo nagagawang utusan lang ako ng ganyan? Sinabi ko na sa’yong—”
“Shut up, Stacey,” pagpapatigil nito sa kanya. “You have no more choice.”
“Jerk,” inis na bulong niya at marahas na hinila ang kamay niyang hawak nito. Pinakawalan naman nito iyon. Ipinikit niya ang mga mata at hindi ito pinansin. Biglaan siyang nakaramdam ng pagod. Parang ang bilis-bilis ng mga pangyayari, hindi niya pa rin maintindihan. Gusto niya munang matulog at linawin ang isipan.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomansStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...