IBINABA siya ni Thaddeus sa Society Hotel. Sinabi kasi nitong naroroon daw si Christopher. Papasok na sana siya sa loob nang may tumabig sa kanya at naunang pumasok doon.
"Ouch!" napatingin siya sa gumawa noon at laking gulat niya nang makitang si Michael iyon. Nakangisi pa ito sa kanya. Hindi na ba siya tatantanan ng lalaking ito? Galit na galit siyang lumakad palapit dito. "Anong ginagawa mo dito?"
"I didn't know you're also going here," sagot pa nito. "What a coincidence!"
"Coincidence your face," kontra niya at lumakad patungo sa elevator. Sumunod lang ito sa kanya.
"Are you going to surprise Christopher?" tanong nito nang makapasok sila sa loob.
"Oo," maikling sagot niya. Gusto naman niyang sorpresahin si Christopher dahil ilang araw din silang hindi nagkita at siguradong busy ito sa trabaho nito.
Hindi na naman ito nagsalita hanggang sa makarating sila sa seventh floor. Naglakad siya papunta sa private suite nito. Naiinis siya dahil nakasunod pa rin sa kanya si Michael. Tumigil siya at tumingin dito. "Wala ka bang private suite dito?"
"I have, it's on the 14th floor," sagot nito. "Why? You want to go there?"
Pumikit siya at hindi na ito pinansin. She should stop talking to this jerk. Muli siyang nagpatuloy sa paglalakad at napatigil sa tapat ng pintuan ng private suite ni Christopher. Napangiti siya nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto niyon. Bumuntong-hininga muna siya bago marahang binuksan ang pinto.
Pero sa halip na ito ang ma-sorpresa ay siya ang na-sorpresa sa nadatnang tagpo. Pakiramdam niya ay may sumaksak sa puso niya nang mga oras na iyon nang makita itong nakikipag-halikan. At hindi lang sa kung kanino, kay Rachel Leigh pa! Abalang-abala ang mga ito sa mainit na paghahalikan na para bang sila lang ang tao sa mundo. Ilang butones na ng polo ni Christopher ang nakabukas at nakalapat na sa dibdib nito ang mga kamay ni Rachel. Mahigpit naman ang pagkakayakap ni Christopher sa baywang nito. Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Kaya pala wala ito sa opisina nito ngayon dahil ito ang pinagkaka-abalahan nito. Hindi niya magawang ipaliwanag ang sakit na nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Kung hindi pa siya pumunta dito ngayon ay hanggang kailan pa kaya siya balak lokohin ng dalawang ito?
Mukhang hindi pa rin napapansin ng mga ito ang presensiya niya kaya patuloy pa rin ang mga ito sa paghahalikan. Hinakot niya ang natitirang lakas at pinilit ang sariling lumakad patungo sa mga ito, kahit na nais niya ng magwala ng mga oras na iyon.
"Pasensiya na kung na-istorbo ko kayo," sarkastiko pero puno ng sakit na wika niya.
Mabilis na napalayo si Rachel Leigh dito pagkakita sa kanya, agad itong napayuko. Nasa mukha naman ni Christopher ang pagkagulat.
"S-Stacey..." wika nito.
Napatingin siya kay Rachel at sarkastikong napatawa. "It's clear as a mud that you don't have a relationship, huh?" pang-uuyam niya. "Ganito na pala ngayon ang walang relasyon?"
Humakbang siya palapit dito at akmang sasampalin ito nang harangan ni Christopher ang kamay niya.
Napatingin siya dito. Sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
"Wala siyang kasalanan dito, Stacey," anito.
Binawi niya dito ang kamay. "Wala?" puno ng pait na tanong niya. "I clearly saw how you both enjoyed kissing each other tapos wala siyang kasalanan?" tuluyan ng pumatak ang pinipigil niyang luha. "Bakit, Christopher? Paano mo nagawa sa akin 'to?! Naging tapat ako sa'yo. Hindi ko alam na ikaw pa ang gagawa sa akin ng ganito! Nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo."
Muli siyang humarap kay Rachel na nanatili pa ring nakayuko. Umismid siya. "Sinabi mo sa akin noon na baka saktan niya ako, right?" sabi niya. "He did, at ikaw pa ang dahilan! Hindi ko mapaniwalaang sa lahat ng tao ay ikaw pa ang gagawa sa akin ng ganito! Ilang beses na, ha? Ilang beses niyo nang ginagawa ito sa likod ko?!" napaatras siya. Iginala niya ang paningin sa buong kuwarto. "Ganito rin ba ang ginawa niyo noong gabing iyon, ha? Kaya ba hindi mo ako napagbigyan na iba na lang ang pagbantayin sa kanya, Christopher? Napaka-tanga ko," tinalikuran niya na ang mga ito at tumakbo palabas ng kuwarto. Hindi niya na pinansin ang pagtawag sa kanya ni Michael.
Napatigil siya sa hallway nang higitin siya ni Christopher. Hindi niya namalayan ang paghabol nito sa kanya.
Pilit siyang kumakawala sa pagkakahawak nito at patuloy lang din sa pag-iyak. "Bitawan mo ako! I hate you! I hate you so much!"
Niyakap siya nito ng mahigpit. Napahagulhol na siya sa dibdib nito. "I'm sorry, Stacey," bulong nito. "I'm so sorry."
"Bakit, Christopher? Ano bang ginawa kong mali?"
"Wala kang ginawang mali. It's my fault, I just can't love you enough," sabi nito. "I'm sorry, ayoko nang saktan ka. Gusto kong maging masaya ka, pero hindi ako ang makakapag-pasaya sa'yo. You deserve someone else, someone who can fight for you, someone who can take care of you more than I can. I'm so sorry."
Marahan siyang lumayo dito. Tumingala siya dito. Nakikita niya ang kaseryosohan nito sa paghingi ng tawad. "So, tatapusin na natin ang lahat dito?" aniya, mas lalo lang nitong dinagdagan ang sakit sa puso niya. "M-Mahal mo ba siya?" tanong niya.
Nag-iwas ito ng tingin pero hindi sumagot.
Tumango siya. Mabuti na ang hindi ito sumagot. Her heart was already breaking into tiny pieces. Tama na. "Sige, kung 'yan ang gusto mo," pagsuko niya. Muli siyang tumalikod at hinang-hina na tinungo ang elevator. Hindi na naman siya nito sinundan pa. Hindi niya alam kung may nararamdaman pa siya ng mga oras na iyon, gusto niyang isipin na isang masamang panaginip lang ang lahat at magigising na siya maya-maya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomansStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...