Chapter 4.1

3.5K 59 2
                                    

ILANG linggo din ang lumipas, masaya ang mga naging araw ni Stacey dahil hindi na niya nakikita si Michael at sigurado siyang hindi na ito makikita dito sa bansa dahil tapos na ang bakasyon nito.
Naisipan niyang pumunta ngayon sa Bulacan para bisitahin ang grandparents niya sa side ng Mama niya. Tinawagan niya na si Christopher kanina para magpasama dito, pumayag naman ito at sinabing puntahan na lang ito sa MicroGet. Ngayon niya lang ulit ito makikita simula noong gabing ginulo sila ni Michael, masyado kasi itong naging busy sa kumpanya nito at siya naman sa pag-sketch ng wedding gown ng Ate ni Michael. Naipadala niya na ang mga designs niya dito ilang araw na ang nakalipas.
Nandito na nga siya ngayon sa lobby ng MicroGet at hinihintay na bumaba si Christopher. Ilang minuto lang ay nakita niya na itong naglalakad palapit sa kanya.
“Chris,” bati niya dito at matamis na ngumiti.
Gumanti naman ito ng ngiti at niyaya na siya palabas.
“Dala mo ba ang sasakyan mo?” tanong nito.
Tumango siya. “Bakit? Nasaan ang sasakyan mo?”
“Ipinahiram ko muna kay Rafael,” sagot nito. Tinutukoy nito ang isa sa mga kaibigan nitong si Rafael Choi. “Papunta kasi siya sa Batangas. Ang company car naman ay gagamitin mamaya ni Liezl para makipagkita sa isang investor.”
“Hindi ikaw ang makikipag-meet sa investor?” nagtatakang tanong niya.
“Ako sana, kaya lang ‘di ba nagpapasama ka?”
Napangiti siya. She was touched on what he said. “Thank you,” bulong niya at hinalikan ito sa mga labi.
Nagtaka pa siya nang mabilis nitong iniiwas ang mukha sa kanya pagkatapos ng halik at ngumiti. “Kailangan na nating umalis para makabalik agad tayo,” anito bago nagtuloy sa kinapaparadahan ng sasakyan niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon