Chapter 20.2

6.5K 162 25
                                    

BUMUNTONG-HININGA muna si Stacey bago pumasok sa loob ng penthouse niya. Ilang linggo na rin silang masayang nagsasama ni Michael bilang mag-asawa. Kahit na may mansiyon ito sa Kingsville ay mas pinili nitong dito na muna sa penthouse niya sa Quezon City tumira. Hindi pa naman kasi nila kailangan ng malaking bahay.
Muli siyang napabuntong-hininga. Kagagaling niya lang sa ospital kanina at nalaman niyang anim na linggo na pala siyang nagdadalang-tao. Hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa asawa.
Pagkapasok niya ay agad niya itong hinanap. Nakita niya itong nakatayo sa harap ng cooking stove at may hinahalo sa kaserola. Napangiti siya. Mukhang hindi pa nito napapansin na nandoon na siya.
“Anong ginagawa mo?” tanong niya.
“Oh, sh—” Napatawa siya sa pagkagulat nito. Tumingin ito sa kanya. “You scared me.”
Lumapit siya dito at tiningnan ang niluluto nito.
“I was planning to surprise you with a dinner, but you’re here now,” napailing pa ito.
“Dinner?” napailing siya. “Tikman ko nga.”
Hinipan muna nito ang sabaw na nasa hawak na sandok bago dahan-dahang inilapit sa bibig niya.
Napapikit siya at inilabas ang dila. “Ang pait,” inagaw niya dito ang sandok. “Ako na nga.” Siya na ang humarap sa cooking stove at nagpatuloy sa pagluluto.
Narinig pa niya ang pagbuntong-hininga nito. “I should learn how to cook,” anito. Naramdaman niya ang pagyakap nito sa baywang niya mula sa likod, ipinatong nito ang baba sa balikat niya at pinanood siya sa pagluluto.
“Nag-aaral ka na bang mag-salita ng Tagalog?” tanong niya dito.
“Hmm, yeah,” sagot nito.
Ngumiti siya. “Narinig kong may mga offers ka daw na natatanggap. Ayaw mo na ba talagang bumalik sa pag-acting?” Nakasunod lang ito sa bawat kilos niya at hindi tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya.
“I don’t want to. My Dad will definitely kill me,” tumawa pa ito.
“Hmm,” tumango-tango siya. Lumakad siya para kumuha ng isang bowl pero nakasunod pa rin ito. “Ano ba, Michael? Pakawalan mo muna ako. Bakit ba lagi ka ng nakasunod sa akin?” natatawang tanong niya dito.
Tumawa din ito. “I always want to follow you,” hindi pa rin siya nito pinapakawalan hanggang sa makabalik siya sa tapat ng cooking stove.
“Kaya ba palagi ka na lang sumusulpot noon sa lugar kung nasaan ako? Sinusundan mo pa talaga ako?”
“Uhm… yeah, sort of,” pag-amin nito.
Napatawa na siya. “Wow, malalang stalker ka pala, ha? Ayos lang sa’yo kahit pabalik-balik ako dito at sa New York.”
“Yeah,” hinalikan nito ang leeg niya. “I nearly ran out of money at that time, buying air line tickets.”
Ini-iling niya ang ulo. “Imposible ‘yon.”
Pagkatapos magluto ay kumain na sila. Puro tungkol sa hotels at restaurants nito ang mga tinatanong niya. Hindi niya pa rin alam kung paano sasabihin dito ang balita niya.
Hanggang sa makapag-shower na siya at makapag-palit ng night dress ay hindi niya pa rin nasasabi dito. Pagpasok niya sa loob ng kuwarto nila ay nakita niyang nakaupo na ito sa kama at nakasandal sa headboard. Nakataklob ng kumot ang ibabang parte ng katawan nito, alam niyang wala itong suot sa ilalim niyon.
Ngumiti ito at tinapik ang kama. “Come here now, sweetheart. I missed you all day.”
Napangiti siya at lumapit dito. Humiga siya sa tabi nito at agad naman itong pumaibabaw sa kanya. Sinimulan na nitong pugpugin ng halik ang leeg niya. “Hmm, my wife smells so good,” anas nito. Nag-iwan ito ng mabibining halik sa buong mukha niya. “So beautiful.”
Iniiwas niya ang mga labi nang aktong hahalikan nito iyon. “May gusto akong sabihin sa’yo,” pagsisimula niya.
“Hmm… what is it?” muling bumaba ang halik nito sa leeg niya, hinahaplos na ng mga kamay nito ang buong katawan niya.
Marahan niya itong itinulak palayo. “Makinig ka sa akin,” umupo siya sa kama at tumingin dito. Umisod naman ito palapit at muli siyang niyakap at hinalikan.
Marahan nitong ibinaba ang lace ng suot niyang night dress. “You shouldn’t have worn this,” he rasped.
Muli niyang ibinalik ang lace sa balikat at lumayo dito. “Ang sabi ko may gusto akong sabihin sa’yo.”
Tumingin ito sa kanya. “Tell me, I’m listening,” aktong lalapit ulit ito pero tumayo na siya. Lumakad siya papunta sa kinalalagyan ng pouch niya. “Where are you going?” tanong pa nito.
Kinuha niya doon ang pregnancy test na ginamit niya kanina at muling bumalik dito at iniabot iyon.
Kumunot ang noo nito at kinuha iyon. Nanlaki ang mga mata nito nang makita kung ano iyon. “T-T-Two lines? Y-You’re pregnant?” gulat itong napatingin sa kanya.
Napalabi siya at marahang napatango. “Six weeks.”
Nagulat pa siya nang bigla itong tumawa ng malakas. Marahan siya nitong hinigit paupo sa tabi nito. Tumatawa pa rin ang mga mata nito at may malawak na pag-ngiti sa mga labi. “I’m going to be a daddy?” hindi makapaniwalang tanong nito.
Ngumiti siya at tumango. Muli na naman itong tumawa.
“Wow!” buong-lakas na wika nito. Kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Humiga ito sa kama at tumingin sa kanya. “Lay down here, sweetheart.”
Sumunod siya at humiga sa tabi nito, ipinaunan niya ang ulo sa kaliwang braso nito. Hinila pa siya nito palapit at niyakap ng mahigpit. “You don’t know how happy I am, Stacey,” hinalikan nito ang noo niya. “What should I do now? Should I tell this to the press?” excited na dugtong pa nito.
Tumawa siya. “Sobra naman ‘yon. Ganoon ka ba kasaya?” tumingala siya sa masaya pa rin nitong mukha.
Tumango ito. “Oh, malayang-malaya ko.”
“Ano?” naiiling siyang napatawa sa sinabi nito. “Anong malaya? Baka masaya?”
Nagtataka pa itong napakamot sa ulo. “I’m so happy, that’s it.”
“Akala ko ba nag-aaral ka ng Tagalog?”
“Yes, I did,” sagot nito. “But it’s too hard,” ngumiti pa ito. “But I have a phrase that I’ll never forget.”
Itinaas niya ang kilay. “Okay, ano naman ‘yon?”
“Mahal kita.”
Napatawa siya ng malakas. Ang corny pala kapag ito ang nagsasabi noon, pero cute pa rin naman. “Well, magaling.”
“I know,” bumuntong-hininga ito at buong pagmamahal na hinagkan siya. “Mahal ko kaw at maging anak ko.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili sa pagtawa. Gustong-gusto niya kapag nagpupumilit itong magsalita ng Tagalog. “I love you too,” puno ng damdaming bulong niya at hinalikan ito. Pagkatapos ay muli siyang tumingala dito.
And once more, her green eyes met his blue eyes for a loving stare.
WAKAS

A/N: Thank you for reading. Kindly wait for the book 5 of The Breakers. I will be posting it later this day.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon