PABALIBAG na binuksan ni Stacey ang pinto ng opisina niya.
“Ay kabayo!” gulat na wika ni Jamie at napatingin sa kanya. “Sister, ano ka ba naman? Aatakihin ako sa puso dahil sa’yo. Akala ko may pumasok ng mafia at pagsasamantalahan ako. Ano bang problema mo?”
“Problema?” naupo siya sa upuan niya. “Ang problema ay ang mayabang na Michael de Angelo na ‘yan. Sa dami-rami ng puwedeng piliing mag-model ng designs ko, bakit siya pa?”
“What happened ba?” lumapit ito sa kanya.
“Ipamukha ba naman sa akin ang playgirl reputation ko. Kung makapag-salita, akala mo kung sino siyang santo,” naiinis na sagot niya. “I thought he was a nice person, but considering his behavior a while ago, I have already black marked him and I don’t think I will talk to him from now on. Ikaw na ang bahala sa kanyang kumausap para sa fashion show.”
“Ako?” itinuro pa nito ang sarili. “Ano namang kamalayan ko sa mga designs mo?”
Tiningnan niya ito ng masama. “Kung ayaw mo, ‘di wag. Mag-uutos na lang ako sa ibang designers.”
“Hindi, ako na,” bawi nito. “Ang dami ko ng models na hahawakan pero dahil guwapo naman si Papa Michael, okay lang.”
Ipinaikot niya ang mga mata. Guwapo nga, masama naman ang ugali. “Siyanga pala, pagkatapos ng fashion show, magpapahinga muna ako. Nakapag-paalam na ako sa boss natin, sinabi ko sa kanya na kailangan kong makapag-isip ulit ng bagong designs. Gulong-gulo na ang utak ko nitong nakaraang buwan. Kailangang-kailangan ko na ang break.”
Tumango-tango ito. “Saan ka naman magba-bakasyon?”
Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot. “Saan pa? Eh, di sa Pilipinas. Nandoon si Christopher ngayon, pati si Mommy dahil sa bago niyang ipino-produce na pelikula doon. Ayoko namang mag-stay sa Spain with Daddy, I’m sure na pipilitin niya lang akong pagtuunan ng pansin ang wine business niya.”
Malungkot itong napabuntong-hininga. “Gusto ko na rin bumalik sa Philippines. Makasunod kaya sa’yo ‘pag tapos na ang work ko.”
Ngumiti siya. “Bakit hindi?” pagkasabi noon ay agad na siyang tumayo. Inabot niya ang sariling purse sa mesa. “Aalis na ako. Wala na naman akong gagawin, gusto ko ng magpahinga.” Masyado siyang napagod sa pakikipag-away sa mayabang na de Angelo na iyon kanina.
Tumango na lang ito at tuluyan na siyang lumabas ng opisina.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...