Chapter 10.3

3.3K 55 0
                                    

“WHERE have you been together with Eric?” narinig niyang tanong ni Michael na nasa likuran niya na pala.
Inaayos niya ang costume na nasa mannequin nang mga oras na iyon sa loob ng dressing room ng site ng movie nito. Kanina pa sila nakabalik dito ni Eric pagkatapos kumain sa isang restaurant hindi kalayuan sa lugar na iyon.
Ilang sandali ang pinalipas niya bago ito sinagot. “We had lunch together,” malamig na tugon niya.
“Lunch?” may pagka-sarkastiko ang naging tono nito. “So, what? You’re dating again, woman? I thought you don’t like actors?”
Hinarap niya ito at isang nakalolokong ngiti ang pinakawalan niya. “Well, na-realize ko na kakaiba pala si Eric kaysa sa ibang mga actors, de Angelo. He’s good, katulad ni Christopher,” pagsisinungaling niya na naman. It’s okay, Stacey. Iyan lang ang tanging paraan para mapalayo siya sa’yo.
Nakita niya ang paniningkit ng mga mata nito sa sinabi niya. Umismid ito. “Really, you’re one hell of a woman, Stacey,” komento nito.
“I am,” nagkibit-balikat siya. “Kaya puwede ba, lumayo-layo ka na sa akin, de Angelo. Gusto ko uling makipag-laro sa mga lalaki at hindi mo kailangang malaman ang lahat ng ginagawa ko,” iyon lang at nauna na siyang lumabas ng dressing room. Hindi na naman siya nito sinundan, mukhang tumalab na ang mga salita niya dito. Sana lang ay hindi na ulit siya nito guluhin.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon