Chapter 16.1

3.2K 50 0
                                    

SOBRA-SOBRA na ang pag-aalala ni Stacey sa kondisyon ni Michael ngayon. Hindi pa rin kasi ito humaharap sa media simula ng lumabas ang balita tungkol kay Steven Woods.

Gusto niya itong makausap kaya napilitan na siyang pumunta sa penthouse nito ng umagang iyon. Maging sa condominium place niya ay marami na ding nakaabang na mga reporters pero dahil tight naman ang security ng lugar niya ay madali lang siyang nakatakas sa mga ito.

Nakasuot siya ng disguise clothes niya at lumakad patungo sa penthouse nito. Nagtaka pa siya nang makitang bahagyang nakaawang ang pinto. Akmang aabutin niya na ang doorknob nang marinig na may nagsalita sa loob. Na-realize niya na ito ang manager ni Michael. Mukhang may mahalagang pinag-uusapan ang mga ito kaya nanatili muna siya sa kinatatayuan.

"What are you going to do now, Michael? You are all over the news!" sigaw nito. "Didn't you know that?!"

Wala naman siyang narinig na sagot mula kay Michael.

"What are you planning now?" pagpapatuloy ng manager nito. "You've been kicked out of your new movie, and all of your other projects have been terminating your contracts with them! That commercial of yours, they just changed you to another endorser."

Natutop niya ang bibig sa narinig. Hindi niya alam iyon. Hindi niya alam na ganoon na pala kalaki ang epekto ng issue na iyon dito.

"You're totally falling deep to the ground now, Michael! Can't you remember everything you've done just to reach this position in the entertainment industry? This is your dream, Michael! Look what you've done to that dream of yours," narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito. "Go and quickly apologize to Steven Woods in public. I don't care what really happened. This is the only way to save you from completely falling. Do you understand?"

Hinintay niyang sumagot si Michael pero nanatili lang itong tahimik. Nagsisimula nang mag-unahan sa pagpatak ang mga luha niya.

"And that dating issue with you and Stacey, that won't help your career. It'll just ruin you more. Stop this craziness of yours now while there's still time."

Napaatras siya. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Lahat ng masamang nangyayari dito ngayon ay kasalanan niya. Tinakbo niya ang daan palabas habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Masyado niya ng nasira ang buhay nito, masyado niya na itong pinahihirapan. He didn't deserve this. He didn't deserve someone like her who would ruin everything he had founded. Dapat niya ng putulin ang kabaliwang ito. Masyado siyang nabulag sa kasiyahang nararamdaman niya kapag kasama ito, nakalimutan niya ang lahat ng konsekuwensiyang kapalit ng kasiyahang iyon – na kailangang may i-sakripisyo para lamang maging tuluyang masaya. Pero hindi niya magagawang i-sakripisyo ang lahat ng pangarap ni Michael para lang maging masaya.

Hindi sila nararapat para sa isa't isa, iyon ang katotohanan. Kailangan na nilang tumigil at ibalik ang lahat kung saan ito nararapat.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon