Chapter 8.2

3.3K 57 2
                                    

KINAKABAHAN pa si Stacey nang pumasok siya sa loob ng MicroGet. Hindi niya alam kung kaya na ba talaga niyang harapin si Christopher. Pinadalhan niya ito ng mensahe kagabi at sinabing makikipagkita siya dito kaya kailangan niyang gawin ito.
Dumiretso siya sa elevator, pasara na iyon nang may humarang doon at pumasok sa loob. Nagulat pa siya nang makita ang walang-modong lalaking iyon na si de Angelo.
“What in the hell are you doing here?” she asked, totally astonished. Hindi na ba talaga ito titigil ng kasusunod sa kanya? Kahit yata saang sulok ng mundo siya magtago ay mahahanap pa rin siya nito para lamang buwisitin.
Nang-uuyam lang itong ngumiti pero hindi sumagot. Hinarangan pa siya nito sa pagpindot ng button sa elevator.
“Ano ba?” galit na tanong niya dito.
“What floor?” tanong nito.
Ikinuyom niya ang kamao. Konti na lang ay sasabog na ang pasensiya niya para dito.
“Christopher’s office,” ito na rin ang sumagot. Nanlaki ang mga mata niya nang pinag-laruan nito ang mga buttons doon at pinindot lahat.
“Anong ginagawa mo?” galit na galit na wika niya dito. Hinila niya ito palayo doon at akmang hahampasin pero mabilis nitong nahuli ang kamay niya.
“There’s no mosquito in here, Stacey,” he said. “Will you please stop being so violent?”
“And will you please stop your childish acts?” ganti niya. Bigla silang naglayo nang bumukas ang pinto ng elevator at pumasok ang isang lalaking employee. Nagulat pa ito pagkakita sa kanila at magalang na bumati. Nagtaka rin ito sa nakitang halos lahat ng buttons na nakailaw doon.
Bumuntong-hininga siya at mas lalong nainis nang patuloy na bumukas ang pinto ng elevator sa bawat palapag. Tiningnan niya ng masama si Michael pero mukha namang wala itong pakialam sa ginawa.
Pagkalabas ng employee sa 15th floor ay malakas niyang hinampas sa braso si Michael.
“Ouch!” sigaw nito at hinawakan ang nasaktang braso. “How can you do that to a public figure?”
“Public figure yourself!” sigaw niya. “Paanong magiging public figure ang katulad mo? Huwag na huwag ka ng magpapakita sa harapan ko kahit kailan,” inirapan niya pa ito bago naiinis na humalukipkip sa isang sulok. Nag-hintay siya hanggang sa bumukas na ang elevator sa tamang palapag. Mabilis siyang lumabas doon at sumunod lang naman ito sa kanya. Malapit na sila sa desk ng sekretarya ni Christopher nang umuna ito sa paglalakad.
Nakita niya ang sekretarya ni Christopher na si Liezl na napatingin sa kanila. Tumigil pa si Michael sa harap niya at hinarangan siya. “Sinabi kong huwag ka ng magpapakita sa akin!” sigaw pa niya. “Bakit ba lagi ka na lang nakasunod sa akin?”
“Look who’s following,” sagot nito. Itinuro pa nito ang posisyon nila, na ito ang nasa una. “I came here first!”
“Oh, really? Ano bang dahilan ng pagpunta mo dito?” sarkastikong tugon niya.
Itinaas nito ang kamao at aktong susuntukin pa siya.
Nanlaki ang mga mata niya. “Oh my gosh,” napatingin siya kay Liezl. “Tingnan mo kung ano ang gusto niyang gawin sa akin. Hindi ba attempted physical injury ito, Liz?” sumbong niya dito.
“Yeah, I might kill you instead,” si Michael ang sumagot noon.
Hindi niya na ito sinagot at nagtuloy sa opisina ni Christopher. Sobra-sobra na ang inis at galit niya dito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon