Chapter 6.1

3.2K 57 0
                                    

AGAD na nakita ni Stacey si Rachel Leigh nang makapasok siya sa loob ng Niel’s Bar na tinutugtugan nito. Ilang araw na ang nakalipas matapos ang insidenteng nangyari sa isang mall na iyon sa Makati. Napag-desisyunan niyang puntahan ito at pag-usapan ang tungkol sa insidenteng iyon.
Nilapitan niya ito na nakaupo sa isang bar stool. Nagulat pa ito pagkakita sa kanya.
“Hi,” bati niya dito.
“Stacey, napabisita ka,” anito.
“Gusto lang kitang kumustahin. Maayos na ba ang pakiramdam mo?”
Tumango ito. “Pasensiya ka na nga pala sa nangyari.”
“Ayos lang, hindi mo naman kasalanan na bigla na lang umulan,” tinitigan niya ito. “Gusto ko lang tanungin, may relasyon ba kayo ni Christopher?” dumiretso na siya sa punto.
Gulat itong napatingin sa kanya at mabilis na napailing. “W-Wala. ‘Yong nangyari noong isang gabi, it’s just that, siya lang kasi ang unang nakaalam ng tungkol sa sakit ko. Pasensiya ka na.”
Tumango siya. Mukha namang nagsasabi ito ng totoo. Hindi naman ito magsisinungaling sa kanya. “Gusto mo ba siya?”
Napayuko ito. “No,” sagot nito. “I don’t,” muli itong tumingin sa kanya. “Wala kaming relasyong dalawa. Huwag kang mag-alala, hindi ko na naman balak makipagkita sa kanya.”
Napangiti siya. “Pasensiya ka na kung napagdudahan kita, ha? Alam mo namang napaka-halaga sa akin ni Christopher.” Natutuwa siya dahil wala naman palang basehan ang pagseselos niya.
“Ayos lang ‘yon, Stacey,” ngumiti din ito at tumayo. “May kailangan pa akong gawin. Mauna na ako.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon