KINAUMAGAHAN ay nagising si Stacey na wala na sa tabi si Michael. Ngumiti siya at niyakap ang unan nito, naroroon pa rin ang mabangong amoy nito. Napatingin siya sa bedside table nang makakita ng tray ng pagkain na nandoon. Umupo siya sa kama at umisod palapit doon. Nakita niya ang kanin at scrambled egg doon na may kasama pang isang baso ng fresh milk. Mayroon ding isang tangkay ng pulang rosas na nakapatong doon. Kinuha niya ang letter na nakapatong sa tabi niyon.
I cooked breakfast for you, sweetheart. Hope you’ll like it. Visit me on the filming site this evening. Please, please, please? I will miss you. Take care.
Napailing siya. Kaya naman sila nahuhuli dahil na rin dito. Pero masaya siya, ni minsan ay hindi niya naranasan ang ganitong kasiyahan sa puso niya.
Kinain niya ang inihanda nitong umagahan bago nag-shower. Isinuot niya ang isang asul na pantalon at panlakad na t-shirt, pinatungan niya iyon ng makapal na jacket at scarf sa leeg. Nagsuot din siya ng bonnet at muffler. Mamamasyal muna siya sa Los Angeles dahil wala naman siyang gagawin. Mamaya pa namang gabi ito nagpapa-bisita.
Pagkalabas niya ng rest house nito ay napatigil siya nang makakita ng isang built snow man sa tabi ng kotse niya. May kuwintas na nakasabit sa stick na kamay nito. Napangiti siya at kinuha ang necklace na iyon, may heart-shaped pendant iyon na gawa sa ginto. Simple lamang iyon pero para sa kanya ay iyon na ang pinaka-magandang kuwintas na nakuha niya sa buong-buhay niya.
Pagtingin niya sa windshield ng kanyang sasakyan ay nakita niyang may nakasulat doon na ini-scratch sa yelo.
A pretty necklace for my beautiful sweetheart. I just took a few steps from the rest house but I miss you already.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi, sobra-sobrang kasiyahan na ang umaapaw sa puso niya nang mga oras na iyon. Hindi niya ini-expect na ganito ito ka-sweet. Ito lang ang lalaking gumagawa sa kanya ng ganoon.
Pagkapasok niya sa loob ng sasakyan ay agad niyang inilabas ang cell phone sa loob ng pouch at pinadalhan ito ng mensahe.
Thanks a lot! I love the necklace. Bibisitahin kita maya-maya. Take care.
Pagkatapos ay nagmaneho na siya nang may tuwa sa puso.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomantizmStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...