Chapter 14.4

3.5K 55 2
                                    

NAPATIGIL si Stacey sa pagpasok sa building ng condominium unit niya nang makita si Justin Aguirre – ang dating nobyo niya noong nasa Canada pa siya limang taon na ang nakalipas at isa sa mga kaibigan at ka-‘breakers’ ni Michael. Nakatayo ito sa tabi ng kotse nito sa parking lot doon. Mabilis naman siyang lumakad palapit dito at ngumiti. Matagal na panahon niya na rin itong hindi nakikita.
“Justin,” bati niya dito. Tumango naman ito sa kanya bilang pagbati. Hindi pa rin talaga ito nagbabago, ito pa rin ang pinaka-seryosong lalaking nakita niya sa buong buhay niya. Napailing siya, ni minsan ay hindi niya pa ito nakikitang ngumiti. Pero kahit ganoon ay napaka-guwapo pa rin nito tulad ng mga prinsipe sa mga fairy tale books. “Kumusta na? Anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito.
“Ayos naman ako,” sagot nito. “Dumaan lang ako dito, nagbabaka-sakaling makita ka. May kinausap kasi akong isang kliyente sa coffee shop na malapit dito. At naalala ko na malapit nga pala ang tinitirhan mo sa lugar na ito kaya napag-pasyahan kong bumisita. Matagal din tayong hindi nagkita. I heard you’re dating Michael.”
Napangiti siya. “Nabalitaan mo siguro. Kalat na kalat na ba sa news?”
“Hindi, narinig ko kay Daniel,” sagot nito. “Sumunod lang ang balita.”
Napailing siya. Napakadaldal talaga ng Daniel na iyon, bagay na bagay talaga silang magsama ni Thaddeus. May posibilidad pa ngang ito ang nagsabi sa media ng tungkol sa bagay na iyon, kaya lang may tiwala pa rin naman siya dito. Alam niyang hindi nito ipapahamak ang mga kaibigan nito.
“Ayos ka lang ba?” narinig niyang tanong pa nito, may pag-aalala na sa mukha nito. “Mukhang pagod na pagod ka, ah.”
Tumango-tango siya. “Yeah, reporters,” imporma niya. “Alam mo naman ang hirap ng buhay kapag maraming nakasunod sa’yo,” napatingin pa siya sa paligid niya bago muling tumingin dito. “Mag-iingat ka. Baka mamaya ikaw naman ang lumabas sa news na dine-date ko,” tumawa pa siya.
Sa pagkagulat niya ay nakita niya ang pagtaas ng gilid ng mga labi nito para ngumiti. Natigilan siya nang mga oras na iyon, marunong din palang ngumiti ang isang ito. Umiling siya at napatawa. She looked so stupid. Parang ngayon lang siya nakakita ng taong ngumingiti.
Nasa mukha na nito ang pagtataka dahil sa naging akto niya. “Nababaliw ka na ba, Stacey?” tanong nito sa seryosong tinig. Pero alam niyang nagbibiro lang ito, hindi lang talaga obvious.
Pinilit niya ang sariling kumalma sa pagtawa. “Hindi ko alam, Jhust. Sobrang dami ko na sigurong iniisip nitong mga nakaraang araw. Baka nga magkaroon na ako ng mental breakdown.”
Umiling na lang ito at bumuntong-hininga. “Dapat na magpahinga ka muna. Dapat inaalagaan ka ni Michael ng mga panahong ito. Nasaan na ba ang lalaking iyon?”
Nagkibit-balikat siya. “Mas mahirap kung nandito siya ng mga oras na ito. Siguradong mas lalong lalala ang issue tungkol sa amin.”
“Bakit?” may pagtataka na sa mukha nito. “Hindi ba puwedeng aminin niyo na lang ang totoo. Na may relasyon talaga kayo? Hindi ba mas mapapadali noon ang lahat?”
Napatingin siya dito. Tama naman ito, kung tutuusin. Pero hindi ganoon kadali ang bagay na iyon. “Siguro nga,” sabi niya. “Hindi ko alam, Jhust. Hindi ko na talaga alam. Ayokong sirain ang reputasyon niya at alam mo kung anong reputasyon meron ako. Ano sa tingin mo ang mangyayari?” alam niyang may kalungkutan na sa boses niya.
Mukha namang napansin nito ang kaguluhan sa kalooban niya kaya tumango na lang ito at hindi na muling nagsalita. Tinitigan niya ito. Mukhang may ipinagbago naman ito kahit kaunti. Hindi na ito ganoong sobrang ka-seryoso katulad ng dati. Bakit kaya?
Napangiti na lang siya at napailing. Bakit niya pa ba dadagdagan ang isipin niya ngayon? Tama ito, kailangan niya na nga siguro munang magpahinga.
“NO matter how powerful they are, we still have to fight for what is rightfully ours,” wika nito.
“But, how can we do with all these poor weapons of ours, O King,” wika niya.
Ibinaba ni Michael ang hawak nitong script. “Pagod ko,” bulong nito.
Tiningnan niya ito at napangiti sa pagpipilit nitong mag-Tagalog. Nakahiga sila sa isang malambot na carpet sa harap ng isang fireplace. Tinutulungan niya itong mag-practice ng mga linya nito para sa pelikula nito. Naroroon sila sa rest house nito sa Los Angeles, sa lugar na iyon kasi isu-shoot ang next scene ng pelikula nito. Kahit sinabi niyang huwag na siya nitong isama ay nagpumilit pa rin ito. Ginawa nila ang lahat para makalusot sa mga paparazzi.
It was snowing outside kaya nakapulupot sa kanila ang makapal na comforter. Hindi pa ito nakuntento at niyakap pa siya ng mahigpit. Ibinaba niya rin ang hawak na script.
“Kailangan mong mag-praktis para sa lines mo,” paalala niya dito. Napapansin niyang parang tinatamad na itong gumawa ng mga bagay para sa movie nito nitong mga nakaraang araw. Kung dahil ito sa kanya ay dapat lang na gumawa siya ng paraan para mabago iyon.
“Uhh, I don’t want to,” sagot nito at pumaibabaw sa kanya. “I’ll do it in the set tomorrow.”
Napailing na lang siya. Ano pa bang magagawa niya? Sigurado namang hindi rin ito susunod. “Tungkol doon sa issue na nagde-date daw tayo,” panimula niya sa topic na iyon. Ilang araw na ring tahimik ang issue na iyon dahil sa naging interview niya. Laking pasasalamat niya doon.
Tumango ito. “Yeah, when you said that I’m not your type,” inis na tugon nito.
Tumawa siya. “Huwag ka nang magalit dahil doon,” aniya. “Ang ibig kong sabihin ay kapag muli na namang nagsimula iyon. Ang kailangan lang nating gawin ay mag-deny, hmm?”
Sinimulan na nitong pugpugin ng halik ang leeg niya. “Why? It’s okay to tell them that we’re really dating. It’s better that way.” Katulad din ito ng sinabi sa kanya ni Justin noon.
“No,” hindi niya pagsang-ayon. “Alam mo naman ang reputasyon ko sa ibang tao, ‘di ba?” tumingin ito sa kanya. “Ayokong sirain ang reputasyon mo. Saka may bagong movie ka na ilalabas, siguradong magagalit ang mga fans mo kapag nalaman nila na totoong may relasyon tayo. Nabasa ko ang ilang comments ng mga die-hard fans mo sa internet noong lumabas ang issue natin,” she cringed. “Oh, nakakatakot sila.”
Naalala niya pa ang mga comments na nabasa niya noon…
What an absurd article! This can’t be real!
Michael is mine!!! Back off Stacey!
oH no! MiChaEl hAs nOt yEt lOst hIs mind, rYt?
Noooooo!!!!! This izz not fu***** real! Michael WON’T let that kind of ‘woman’ in his life… =[
Oh, Stacey, please stop seducing innocent men. Stop it, you bi***!
I’d go kill myself if this is true… T_T
> Why should u kill urself? We have to kill that
woman first!!! :p
Napailing siya. “Talagang baliw na baliw sila sa’yo, ano? Ganito pala ang natatanggap ng mga karelasyon ng isang sikat na aktor, ha?” Hindi pa rin talaga siya makapaniwala sa mga nabasa niya. Iyon ang unang pagkakataon na natakot siya dahil sa mga fans.
Muli itong tumingin sa kanya at kumunot ang noo. “Stop looking comments from the internet. It won’t do us good,” hinaplos nito ang mukha niya. “Those kinds of commentators just keep on bashing other people’s lives. They don’t have a life, that’s why they kept on messing others.”
Tumango siya. “Basta, kailangan lang nating i-deny iyon, okay?” pamimilit niya pa. Hindi niya iyon sinasabi para sa sarili, ayaw niya lang talagang mapag-usapan at masiraan ng tao ito katulad niya.
Nag-dalawang-isip muna ito bago sapilitang tumango. “After the showing of the movie, I want to go out with you in public.”
Natigilan siya sa sinabi nito. Masaya siya sa gusto nitong gawin pero hindi pa rin siya sigurado kung kaya niyang makitang pinag-uusapan din ito ng mga tao dahil sa kanya. Ayaw niya talagang sirain ang reputasyon nito.
Nahalata siguro nito ang pagdadalawang-isip niya kaya muli itong nagsalita.
“Come on, Stacey. I really want to tour around the New York City with you. I want to visit the Statue of Liberty and Rockefeller Square during holidays. To take photos with you in the Empire State Building, dine with you in every restaurant in the Times Square, ride a horse drawn carriage throughout the Central Park,” pag-iisa-isa nito sa mga plano nito.
Napangiti na siya. “Ginawa mo pa akong tour guide.”
Tumawa ito. “Oh, I forgot to have a walk in Manhattan also, see some fights again and run from cops.”
Tuluyan na siyang napatawa sa sinabi nito. “Okay, subukan natin iyon sa ibang mga araw.”
Nakita niya ang pagsindi ng kaligayahan sa mga mata nito. Para itong isang batang napagbigyan sa gusto. Masaya siya dahil nakikita niya itong ganoon. Kung maaari niya lang sanang hilingin na sana ay ipinanganak na lang silang mga ordinaryong tao, para hindi na sila nagtatago ng ganito.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon