Chapter 18.2

3.5K 61 2
                                    

“GRABE ka, sister,” narinig niyang wika ni Jamie sa kanya. Nasa loob sila ng kuwarto niya at nakahiga siya sa kama habang patuloy pa rin sa pag-iisip sa nangyari kanina. Ito naman ay kanina pang nasa harap ng laptop nito. “Ang haba ng hair mo, hindi ko ma-reach. Iyon ang the best proposal na nakita ko,” kinikilig pa itong tumingin sa kanya. “Hindi ka ba kinikilig, sister?”
Hindi niya ito sinagot. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin o iisipin. Gulong-gulo pa rin siya sa mga pangyayari.
“Ang daming positive comments dito, oh?” tukoy pa nito sa mga binabasang comments sa internet. Kanina pa itong nasa harap ng computer at nagbabasa ng kung anu-anong articles tungkol sa conference ni Michael kanina. Kahit na ilang beses niya itong pagbawalan ay nagpumilit pa rin ito.  “Babasahin ko para sa’yo…”
Wow, Michael de Angelo was so cool!!!
I want a proposal like that too. Hope I can find a prince like him someday. So cool. Love. Love. Love.
Stacey, show yourself now. Don’t make our Michael wait any longer.
Congrats, Michael and Stacey!! :D
Nice proposal! Where’s Stacey??? We need an answer now.
They look so—
“Tama na,” wika niya. “Ayoko nang marinig ang mga ‘yan.”
“Bakit hindi?” tanong pa nito. “May mga fans din naman ang love team niyo, ah. May fan club na nga din kayo. Tingnan mo, ang pangalan ay MichCey couple? Yuck, wala bang mas maganda? Kulang na lang maging Mickey Mouse.”
Napatawa siya sa sinabi nito.
“Makapag-comment kaya,” napaisip pa ito. “Hmm… sabihin ko kaya kung nasaan ka?”
Nanlaki ang mga mata niya. “Huwag.”
“Bakit naman?”
“Basta, huwag. Please, Jamie. Sobrang naguguluhan na ako ngayon,” pagmamakaawa niya dito.
Tumango naman ito. “Sige, hihintayin ko muna na may lumabas na prize para sa kung sino ang makakapag-sabi ng kinaroroonan mo. At ‘pag nangyari ‘yon, hindi mo na talaga ako mapipigilan, sister. Alam mo namang hindi dapat pinapakawalan ang opportunities para magka-pera.”
Ini-iling niya ang ulo. “Anong akala mo sa akin? Wanted na kriminal para bigyan ng pabuya ang makakakita?”
“Hmm… medyo. Ninakaw mo kasi ang puso ni Michael, kaya ibalik mo na,” tudyo pa nito. “You little thief.”
Naiinis niya itong tinalikuran at nagtalukbong ng kumot. Wala na talaga siyang makakausap ng matino ngayon. Ganito na ba talaga ang mundo?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon