IBINABA ni Stacey ang hawak na magazine at isinandal ang ulo sa headrest ng sofa na inuupuan niya. She sighed. Ilang linggo na niyang iniiwasang bumalik ulit sa filming site ng movie ni Michael, kung hindi naman siya kailangan ay hindi na siya pumupunta.
Hindi niya alam kung bakit, pero miss na miss niya na ito. Hindi niya alam kung bakit hinahanap-hanap niya ang mga pangungulit nito, ang mga ngiti nito, ang bango nito at ang asul nitong mga mata. Naiinis niyang ginulo ang sariling buhok. Hindi niya dapat ito nararamdaman. Ano ba talagang problema niya? That man was a total jerk, halos ipamukha na nito sa kanya ang masama niyang reputasyon pero hinahanap niya pa rin ito? That was ridiculous.
Nagitla pa siya nang tumunog ang cell phone niya. Si Director Barry iyon, sinabi nitong may kaunting problema daw sa costumes at kailangan siya doon. Tumayo na siya at pinalitan ang pajamas ng simpleng bestida, kung kailan naman ayaw niya ng pumunta doon ay saka naman nagkaka-problema.
Lumabas siya ng unit niya at dumiretso sa sariling sasakya. She drove to the movie’s filming site. Pagkarating niya doon ay pilit niyang iniiwas ang sarili na hanapin kung nasaan si Michael, agad niyang pinagtuunan ng pansin ang pag-aayos sa problema ng costume. Simple lang naman iyon kaya madali niya lang na naayos. Hanggang sa matapos siya ay hindi niya nakikita ni anino ng lalaking iyon. Mabuti na iyon, pero may parte ng puso niya ang nanghihinayang dahil hindi man lang niya ito nakita, kahit sulyap lang.
Napatingin siya sa director nang marinig niya ang galit na galit na pagmumura nito.
“Where the hell is he?!” sigaw nito. “Who does he think he is to make us delay this shooting?! Call his manager now!”
Lumapit siya sa isang staff na nandoon at tinanong kung anong nangyari.
“Michael de Angelo hasn’t been showing up for the filming,” sagot nito. “It’s like three days or so.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa isang lalaki na may hawak na cell phone nang lumapit ito sa director. Sinabi nitong may sakit daw si Michael sabi ng manager nito.
“Sick?!” sarkastikong ulit ng direktor. Nagmura pa ito. “Pack up now!” utos nito at galit na galit na umalis ng set.
Nakita pa niya ang pag-iling ng mga staffs na naroroon habang nagsisimula ng mag-pack-up. Ano kayang problema ng lalaking iyon ngayon?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...