Chapter 14.1

3.4K 55 0
                                    

NAIINIS na lumabas ng filming site ng movie ni Michael si Stacey. Ilang araw na ring silang nakabalik sa New York matapos ang weekend vacation nila sa Pilipinas. Iniwanan niya ang lalaking iyon sa loob ng dressing room. An earlier discussion of them had led to an argument again, and neither would concede their position.
Aba, ito naman ang may kasalanan. Kung anu-ano na naman ang pinagsasabi nito dahil lang sa nakita siyang nakikipag-usap kay Eric. Sobra-sobra naman ang pagka-seloso nito. Halos lahat na lang ng lalaking lumalapit sa kanya ay pinagse-selosan.
Napatingin siya sa ilang staffs na naroroon na nagsisimula ng mag-pack-up. Ilang oras na rin kasing natapos ang filming doon. Ang iba sa mga staffs na naroroon ay sumusulyap pa sa kanya, wala na siyang pakialam ni katiting sa mga ito. Napabuntong-hininga siya. Nagda-dalawang-isip siya kung didiretso na ba sa sasakyan o babalikan si Michael? Mas pinili niya ang huli. Hindi naman niya gustong umalis ng galit dito. Kinalma niya muna ang sarili bago bumalik sa dressing room ng filming site kung saan niya ito iniwan kanina.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon