Chapter 18.1

3.4K 68 0
                                    

NAPATIGIL si Stacey sa paglalakad nang mapansin niya ang isang pamilyar na mukha sa television ng isang kainan na nadaanan niya. Kagagaling niya lang sa isang grocery store at pabalik na sana siya sa kinapaparadahan ng sasakyan niya ng mga oras na iyon. Humakbang siya palapit sa kainan na iyon. Ilang tao lang ang kumakain doon at nagpapalipas ng oras.
Nakita niya ang headline para sa balitang iyon.
Michael de Angelo’s press conference; live from Los Angeles.
Gusto niya ng umalis ng mga oras na iyon subalit ayaw namang sumunod ng katawan at puso niya. Kahit ngayon lang, wika niya sa sarili. Kahit sa T.V. na lang ay mapagmasdan niya muna ito ng ilang saglit. Kahit ilang minuto lang ay sapat na. Napangiti siya, kasing-guwapo pa rin talaga ito tulad noon. Ang kulay na asul na mga mata pa rin nito ang pinaka-magandang parte nito. Eyes that once stared at her, eyes that once made her feel uncomfortable and important at the same time, mga matang hindi niya magawang kalimutan. Kahit sa panaginip niya ay nakikita niya pa rin ang mga mata nito.
“So, Michael, we heard about your another movie offer from JK Entertainment. Is it true that it’s going to be an action-suspense film this time?” tanong ng isa sa mga reporters dito.
“Yes,” maikling sagot nito. Oh, she missed his voice so much.
“When’s the start of the filming?”
“Filming? What filming?” umismid pa ito. “I was only offered a movie project; I didn’t say that I accepted it. And I am not going to accept it.”
“Why is that?” halos sabay-sabay na tanong ng mga reporters dito. Nasa mga mukha ng mga ito ang pagkagulat, maging sa manager nito na nakatayo sa likod nito.
“I just don’t feel like it,” tinatamad pang sagot ni Michael sa mga ito. “I don’t feel like acting anymore. I got tired of it.”
Napasinghap siya, natutop niya ang sariling bibig. Maging ang mga taong kasabay niyang nanonood doon ay ganoon din ang naging reaksiyon. Ano bang sinasabi nito ngayon? Ano na namang pumasok sa isipan nito at nagsasalita ito ng ganoon?
“I don’t want to explain why,” pagpapatuloy nito. “I also want to say something, but before that I want you all to know that what happened here in Los Angeles three months ago was not Stacey’s fault,” may galit na sa asul na mga mata nito. Katulad ng galit nito noong mangyari ang isang bangungot sa kanya sa Los Angeles.
Napailing siya. Michael, huwag mong gawin ‘to. Please. Kung magagawa niya nga lang na lumipad ngayon papunta sa kinaroroonan nito at pigilan ito sa nais nitong gawin ay ginawa niya na.
“It was that bastard Steven Woods’ fault!” pagpapatuloy nito. Nasa mukha na nito ang matinding galit na kinimkim nito ng ilang buwan. “But it doesn’t matter anymore. I don’t want to bring back the past. I just wish that bastard to rot in hell.”
Humugot ito ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili bago nagpatuloy. “The reason why I asked for this conference is this,” tumitig ito sa harap ng camera. Pakiramdam niya ay nakatitig ito sa kanya. Nagsimula nang magwala ang puso niya sa loob ng dibdib niya. “Where the hell are you, woman? Why did you leave me? Where have you been hiding until now?” bumuntong-hininga ito. “That woman made me realized to be quick on judging yourself but slow to judge others. That it was really wrong to judge other people just because of what we’ve heard about them. We have no right to judge other people, whether they are wrong or right,” huminto ito.
“And I don’t care what other people say about her. No matter how bad they talk about her, I still don’t care. Even if all my fans all over the world will hate me for this, I… don’t… care.”
Tuluyan ng pumatak ang mga luha sa mukha niya. “Michael…” Tigilan mo na ito, parang awa mo na.
“You witch, I promise that I’ll do everything to find you. If I have to search the whole world to find you, I will do that. And if I find you, Stacey Stewart… you… will marry me.”
Bigla niyang nabitawan ang mga dalang groceries sa sobrang pagkagulat sa sinabi nito. Napatingin sa kanya ang mga taong naroroon at mabilis niyang nilimot ang mga nahulog na groceries. Patuloy pa rin sa pangangatal ang mga kamay niya habang ginagawa iyon, tinulungan na siya ng isang ale na katabi niya.
“Ang Stacey Stewart na tinutukoy ng Hollywood actor na si Michael de Angelo ay ang isang sikat na fashion designer,” biglang pumalit ang boses ng nagbabalita. “Umalis siya sa kanyang trabaho dahil sa nangyaring gulo sa kanila tatlong buwan na ang nakalipas…”
Napatingin siya sa T.V. at nakita ang ilang photos niya na lumabas doon.
“Oh,” wika ng ale na tumutulong sa kanya. “Hindi ba ikaw iyong nasa larawan?” tanong nito. Pinakatitigan pa siya nitong mabuti.
Mabilis niyang itinaklob ang hood ng jacket sa ulo at tumayo. Iniwan niya na doon ang mga pinamili at mabilis na tumakbo papunta sa kanyang sasakyan. Pagkapasok ay doon na siya tuluyang napahagulhol ng iyak. Hindi niya magawang mapaniwalaang ang nangyari. What was that jerk doing? Ano na naman bang pumasok sa isipan nito at nagawa nitong gumawa ng ganoong palabas? Wala na ba talaga itong pakialam sa career at mga pangarap nito?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon