HUMAKBANG palabas ng kumpanya nila si Stacey nang nakataas ang noo. Agad na sumalubong sa kanya ang kislapan ng mga cameras at mga reporters at journalists na nakahanda ng makinig sa sasabihin niya. Kaagad siyang dumiretso dito pagkaalis niya ng condominium place niya. Kailangan niyang madaliin ang lahat.
Pilit niyang pinatatag ang sarili sa harap ng mga ito. "First of all, I want to sincerely apologize to Mr. Steven Woods," iniyuko niya ang ulo, kahit na napakasakit sa kanyang gawin iyon. Bumuntong-hininga muna siya bago nagpatuloy. "What happened in Los Angeles was not his or Michael's fault, it was all mine. I won't detail everything that happened. It's enough that I admit that it was my mistake. Michael has nothing to do with this, I made him do that. Now, I apologize to all the people who were harmed in this issue. To Michael's family, to his supporters and fans, I'm sorry," muli siyang nagyuko ng ulo. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi, hindi siya puwedeng umiyak ngayon. Kailangan niyang manatiling matatag.
"Michael and I have no relationship at all," pagpapatuloy niya, bahagya pa siyang pumiyok. "How can a man like him like a woman like me? That was thoroughly absurd. I don't want to taint his name and reputation anymore. He had done nothing wrong," huminto siya nang ilang saglit. "I came here to personally draw my resignation letter to our CEO. I decided to stop fashion designing," narinig niya ang mga pagsinghap ng ilang mga reporters. "And I'm leaving this place for good."
"Where are you planning to go?" tanong ng isang lalaking journalist.
Napangiti siya. "Why do you ask? So that you can still follow me?" sarkastikong tanong niya dito. Mukha namang napahiya ang lalaking nagtanong noon. "I don't know, there are a lot of places to go. Maybe in Spain with my Dad, in the Philippines with my Mom, in England with my relatives. In Japan, South Korea, Thailand, Hong Kong, Singapore, Great Britain, Indonesia, Italy, Africa or even in Antarctica. Any place where I can finally have a peace of mind and far away from people. I can even go to the moon if I want to, just to stay away from this life. Because I'm so... so tired of this," tumulo na ang mga luha niya. Ipinikit niya ang mga mata, hindi niya na nagawang pigilin pa ang bugso ng damdamin. Pagod na pagod na pagod na siya. Pagod na siyang husgahan ng mga tao, pagod na siyang makarinig ng mga masasamang salita galing sa iba. Pagod na pagod na siya. Pinilit niyang magpakatatag nitong nakaraang mga taon pero may limitasyon din naman siya. Napapagod din naman siya.
Tinuyo niya ang mga luha at ngumiti sa mga ito. "Thank you and goodbye," hahakbang na sana siya pero muli siyang napatigil. Tiningnan niya ang lahat ng reporters, journalists, photographers, cameramen na nakapalibot sa kanya. "Please, don't follow me. Can't you just all let me go this time? I beg you all, please..."
Awtomatikong tumabi ang mga ito at binigyan siya ng daan. Nagpasalamat siya sa mga ito at lumakad na palayo ng lugar na iyon. At least, napagbigyan naman siya ng mga ito kahit minsan.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
Roman d'amourStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...