Chapter 20.1

3.9K 61 3
                                    

“YOU may now kiss the bride.”
Itinaas ni Michael ang veil na nasa mukha niya at tinitigan siya ng buong pagmamahal.
“I love you so much, Stacey,” bulong nito bago iniyuko ang ulo para halikan siya sa mga labi.
Hindi niya na nagawang pigilan ang sariling tugunin ang halik nito. Umaapaw ang kaligayahan at pagmamahal sa puso niya ng mga oras na iyon. Hindi nila napapansin na napatagal na pala ang halik na pinagsasaluhan nila kung hindi lang sumigaw si Thaddeus.
“Whoa,” sigaw nito. “Tama na ‘yan. May honeymoon pa, reception na.”
Nag-aalangan pa siyang lumayo dito ang ngumiti. Narinig niya ang palakpakan ng mga bisitang nandoon, nakita niya rin ang pagkislapan ng mga cameras galing sa ilang reporters na imbitado roon. Nakita niya pa ang paglapit ng mga magulang nila para bumati at yakapin sila ng mahigpit. May mga luha sa mga mata nito, luha ng kaligayahan para sa kanilang dalawa.
Sa buong reception ay hindi pinapakawalan ni Michael ang kamay niya, kahit nang magsimulang mag-interview ang mga reporters at journalists na nandoon.
“Mukhang mahal na mahal niyo talaga ang isa’t isa, ah,” wika ng isang reporter na nasa harap nila. “Gustong malaman ng lahat ng manonood kung ano ba talaga ang love para sa isang Michael de Angelo at isang Stacey Stewart.”
Ngumiti si Michael. “Well, I can say that love still stands when all else has fallen. My stardom has fallen but I don’t care about it anymore. I’m satisfied that I’m feeling this love for my wife.”
Napangiti siya sa sinabi nito. Siya naman ang sumagot sa tanong na iyon. “Actually, for me love is just love. You can’t define it, because I just can’t easily define the meaning of it once I felt it,” tumingin siya sa guwapong mukha ng asawa niya. “I just love him.”
Mukha namang nakuntento na ang mga ito sa sagot nila kaya iniwan na sila ng mga ito. Ilang guests din ang bumati sa kanila. Nandoon si Jeremy Fabella at ang pamilya nito na ipinakilala sa kanya ni Michael, sina Rafael Choi at Ashlee, dala ng mga ito ang dalawang maliliit na supling. Si Thaddeus na mukhang may hinahanap na naman, si Daniel Fabella at ang pinsan nitong si Vincent Fabella.
Nandoon din ang pinsan ni Michael na si Matthew Azcarraga, hindi nga lang nito kasama ang asawa nitong si Liezl dahil kabuwanan na daw nito. Sinabi din nitong nagpapadala ng pagbati si Justin na nasa Canada. Hindi rin naman nagawang maka-attend ng isa pang kaibigan ni Michael na si Raffy Choi dahil may kailangan pa daw itong asikasuhin sa agency nito.
Wala doon si Christopher at nagpaabot na lang ng pagbati, nasa London kasi ulit ito.
“Congratulations,” napatingin siya sa babaeng bumati noon. Si Arrhea Aguirre iyon, ang kapatid ni Justin at kasama ng asawa niya noon sa paggawa ng isang commercial endorsement, nakangiti ito sa kanila.
Ginantihan niya ang ngiti nito. “Salamat. You look beautiful today,” komento niya pa. Mukhang masaya din ito. “In love?” tudyo niya.
Napatawa na lang ito at napailing. Nagpaalam na agad ito sa kanya at nakita niya pa ang pagsunod dito ng ilang reporters.
Nahagip niya ng tingin ang isang taong matagal niya ng gustong makausap. Nagpaalam siya kay Michael dahil may kinakausap din naman ito. Pumayag naman ito at pinagsabihan siyang bumalik kaagad.
Lumakad siya palapit dito. Nakatingin din ito sa kanya, napayuko pa ito nang makalapit siya.
Ngumiti siya. “Rachel Leigh,” bati niya dito. Ganoon pa rin ang itsura nito, maliban sa kalungkutang nakikita niya sa mga mata nito.
“S-Stacey,” pinilit nito ang sariling timingin sa kanya. “Congratulations.”
Tumawa siya at yumakap dito. “Salamat. I missed you so much, best friend.”
“I-I’m sorry, Stacey,” wika nito. “Patawarin mo ako.”
Tiningnan niya ito. “Ayos lang ‘yon, Rachel. Masaya pa nga ako, dahil kung hindi nangyari iyon, hindi ko mapapag-tuunan ng pansin si Michael,” tinitigan niya ito. “Masaya rin ako para sa’yo. Narinig kong pinakasalan mo siya ilang buwan na ang nakalipas.” Nagulat din siya noong nabalitaan niya ang kasal nito at ni Christopher pero hindi niya na lang pinansin dahil nasa isip niya pa ang pagba-bagong buhay.
Nag-iwas ito ng tingin. “Hindi iyon katulad ng sa inyo, Stacey. May sarili kaming dahilan sa lahat ng ito,” bulong nito. May napansin siya sa mga mata nito, pinagsisisihan ba nito ang pagpapakasal kay Christopher?
Niyakap niya ulit ito. “Magpaka-tatag ka lang, Rachel. Balang-araw, magiging masaya ka ring katulad ko.” Gusto niyang maging maligaya din ito at kung ano man ang gumugulo dito ay magawa sana nitong malagpasan.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de AngeloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon