MABILIS na lumabas ng kotse sina Stacey at Christopher. They rushed from Bulacan to Azcarraga Hospital, Makati dahil nakatanggap ng tawag si Christopher kanina na na-aksidente daw ang secretary nitong si Liezl.
Pagkapasok nila sa kuwartong kinalalagyan nito ay agad niya itong nakitang nasa ibabaw ng hospital bed. Maraming mga galos ang katawan nito, may benda sa ulo at may cast na nakakabit sa kaliwang kamay at binti, mukhang hindi pa rin ito nagkakamalay.
Lumapit sila ni Christopher dito, nasa tabi ng kama nito si Matthew Azcarraga, ang doktor nito at isa rin sa kaibigan ni Christopher. Napatingin ito sa kanila.
“Matthew, I heard what happened,” ani Christopher.
“Liz,” banggit niya sa pangalan ng babae. Naaawa siya sa kalagayan nito.
“Is she okay?” tanong pa ni Christopher. Napatingin siya kay Matthew, mukhang hirap na hirap din ang kalooban nito. Sa pagkakaalam niya ay best friend nito ang babae, kaya siguradong alalang-alala ito para dito.
Tumango si Matthew. “She needs to wake up one of these days. Doon lang ako makakampante.”
Napahawak sa ulo si Christopher. “I can’t believe this is happening. She was supposed to meet an investor, I should have done that.”
Hinawakan niya ito sa braso. Alam niyang sinisisi nito ang sarili sa nangyari.
“Can you do me a favor, Christopher?” tanong dito ni Matthew.
Napatingin sila dito.
“Can you contact her family in New York, pati na rin si Justin sa Canada? Tell them what happened and that she needs them here,” pagpapatuloy nito.
Tumango si Christopher. “I hope she wakes up soon. Pai-imbestigahan ko rin ang nangyaring aksidente. I can feel that this is all because of me.”
“Christopher,” she uttered. Hindi niya gustong sisihin nito ang sarili sa mga pangyayari.
Hindi na sumagot si Matthew kaya nagpaalam na sila. Pagkalabas nila ng ospital at pagkapasok sa sasakyan ay agad na tinawagan ni Christopher ang sa tingin niya ay nagpapatakbo ng private plane nito para ipa-sundo ang pamilya ni Liezl. May mga tinawagan din itong investigator at si Rafael Choi. Ilang sandali ding nag-usap ang mga ito.
Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. Nasa mukha pa rin nito ang pag-aalala at pagsisi sa sarili.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Christopher, hindi mo ito kasalanan.”
Umiling ito. “It is. May nagtangka din kay Rafael kaninang umaga. Akala ng lalaking gustong sumaksak sa kanya ay ako ang nakasakay sa sasakyan kong ipinahiram sa kanya. At ngayon, may bumaril kay Liezl habang nasa daan siya para i-meet ang investor na ako ang dapat na gumawa. Siguradong akala nila ay ako ang nasa sasakyan. Isa pa, noong nandoon ako sa air lines ko ilang araw na ang nakalipas, may nagtangkang bumangga sa akin. Kaya lahat ng pangyayaring iyon ay dahil sa akin.”
Bumuntong-hininga siya. Nag-aalala siya para dito, sino naman kaya ang gustong gumawa dito ng masama? Mga kalaban kaya nitong businessman din?
Tinanggal nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya at inilipat sa manibela. He started the car’s engine and smiled at her.
“Huwag kang mag-alala, maaayos din ang lahat,” wika nito. “Ihahatid na muna kita sa penthouse mo.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...