THREE months passed...
Inayos ni Stacey ang mannequin na naka-display sa SSJ Fashion Boutique na katatayo niya lang na business ngayong buwan. Kasosyo niya dito ang kaibigan niyang si Jamie. Noong mag-resign kasi siya sa kumpanya nila sa New York ay nag-resign din ito at sinabing mas gusto daw nitong kasama siya sa trabaho.
Nananatili siya ngayon sa Masbate, Philippines. Hometown iyon ni Jamie sa bansang ito. Pinilit siya nitong doon na mag-stay dahil sigurado naman daw na walang makaka-kilala sa kanya. Simula ng umalis siya sa New York ay inilayo niya na rin ang sarili sa dating mundo niya, gusto niya na ng bagong buhay. Kahit nga magulang niya at kaibigan ay hindi niya na kinontak. Tiyak niyang pipilitin lang siya ng mga ito na umuwi na sa kanila.
"Hey," pukaw sa kanya ni Jamie nang makapasok ito sa loob ng boutique nila.
Nginitian niya ito. "Hi," bati niya dito. "Saan ka galing? Bakit tinanghali ka na?"
"Nag-away kasi kami ng bago kong Papa," malungkot na sagot nito.
Napailing na lang siya at nagsimula ng mag-sketch ng mga designs na naiisip niya. Naramdaman niyang lumapit ito sa kanya.
"Ayos ka na ba talaga, sister?" tanong nito.
Tumingin siya dito at ngumiti. "Oo naman, bakit naman ako hindi magiging ayos?"
Ilang sandali itong tahimik. "May balita ka pa ba kay Michael?"
Mabilis niyang ibinalik ang tingin sa sketch pad. Sa loob ng tatlong buwan, pinilit niyang huwag banggitin ang pangalan nito. Mukha namang alam din nito na ayaw niya itong pag-usapan. Parte na lang ito ng nakaraan niya.
"Bakit pa ako makikibalita sa kanya? Ayoko ng makialam pa sa bagong buhay niya," sagot niya.
Tumango ito. "Narinig kong nakabalik na daw siya sa normal niyang posisyon sa entertainment industry. Marami na daw ulit offers sa kanya. Narinig ko rin na may bago din siyang gagawing movie ngayong taon, action naman."
Tumango siya at ngumiti. "Masaya ako para sa kanya," sabi niya. "Ganoon siya nang wala ako. Mas mabuti ang kalagayan niya," tumayo na siya at muling lumapit sa mga mannequin at inayos ang mga damit niyon. Ayaw niya nang pag-usapan pa ito. Tama na ang panggugulo niya sa buhay nito noon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Batch 1 Book 4: Michael de Angelo
RomanceStacey's life was the most famous subject of conversation in the fashion industry. Hindi lang dahil sa galing niya sa pagdidisenyo ng damit kundi dahil na rin sa playgirl reputation niya. She was a bad girl, iyon ang iniisip ng mga nakakakilala sa k...