"So anong balita? Halos hindi kita makausap nitong mga nakaraan, ano bang nangyari sayo? Hindi kita ma contact man lang, puros ring lang din ang cellphone mo." Reklamo ni Christina, andito ako ngayon sa bahay nila at gawain ko na ding pumunta dito pag wala akong ginagawa sa apartment or pag walang trabaho. Si Christina na rin naman ang nagpupumilit sakin na pumunta dito dahil hindi siya hinahayaan ng mga kuya niyang makaalis mula ng malaman nila ang nangyari sa pagitan ni Christina at Jace.
"Gusto man din kitang tawagan at kumustahin, hindi ko din magawa. Kuya mo ang may hawak sa phone ko nitong mga nakaarang araw" Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"What? Why? Kelan pa yan?" Sunod sunod na tanong niya at napabuntong hininga naman ako. Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari nung kinuha niya ang cellphone ko at naramdaman ko namang nag init ang pisngi ko kaya naman yumuko na lang ako para hindi mapansin ni Christina ang pamumula ng pisngi.
Gad! Ilang araw na ang nakalipas pero iba pa din ang epekto nito sakin sa tuwing naalala ko. Mabuti na nga lang talaga at nakakaya kong umakto ng tama sa harap ni Sir Clyde.
"Can't remember, basta kinuha na lang niya sakin yun at ibibigay na lang daw niya sakin pag tapos ng office hours ko, siguro para mas makapag focus ako sa work." Sagot ko habang nakayuko pa din.
"He's unbelievable! Bakit ka naman pumayag sa ganon? Pano na lang si Ford?" Tanong niya na siyang ikinataka ko naman.
"Anong pano naman si Ford? Nagkikita pa din naman kami, hatid sundo niya ako sa office at kung minsan ay dinadalhan niya ako ng pagkain sa apartment. And nasabi ko na din naman sakanya ang about sa phone and later magkikita kami" Nakangiting sabi ko at napanguso naman siya. "What's with the face?"
"Nagtatampo ako sayo! Mula nang maging kaibigan mo si Ford wala na tayo masyadong time! Lagi na kayong magkasama nag seselos na ako! Parang kay Ford at sa trabaho mo na lang umiikot ang mundo mo, tapos ngayon na nga lang ulit tayo nagkita tapos aalis kapa mamaya." Mas humaba ang nguso niya na siyang ikinatawa ko. Lumapit ako sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ito naman napaka selosa! Ikaw ang one and only Bestfriend slash sister ko no! Si Ford hindi ko lang talaga siya mahindian kasi syempre siya lumigtas sa buhay ko at wala naman akong nakikitang mali sa ginagawa niya. I'm single and he's single kaya okay lang" Nakangiting sabi ko at nakita ko naman ang panlalaki ng mata niya.
"So you mean! Hahayaan mo siyang manligaw sayo pag niligawan ka niya?" Gulat na tanong ko at agad ko naman siyang hinampas sa balikat dahilan para mapa aray siya.
"Baliw hindi no! Friendship lang ang kaya kong ibigay sakanya at alam mo namang kuya mo pa din laman nito" Turo ko sa puso ko. "Tsaka ang ibig kong sabihin ay wala namang magagalit kasi parehas kaming single at wala naman kaming ginagawang masama at hindi na ako mag tataka kung maisip ng iba na boyfriend ko siya, Ford is a sweet guy. Hindi ko nga alam kung ganon ba talaga siya or what e, pero ayoko naman mag assume" Dagdag ko at nakita ako namang tumango tango siya.
"So, kaibigan mo lang talaga siya?" Tanong niya na tinanguan ko naman. "Eh pano kung hindi lang pala pagkakaibigan ang gusto niya sayo? Ikaw na din ang nagsabi, Ford is a sweet guy imposible namang ganun lang siya, like duh napaka bait naman niyang kaibigan para lang dalhan ka ng pagkain sa apartment mo at ihatid sundo ka. Kabisado ko na ang ganyang klase ng lalaki Patty" Umirap siya sakin pag tapos niyang magsalita.
"I don't know Christina, you know naman na wala akong karanasan pag dating sa lalaki, ni maski boyfriend ay wala ako. Pero naniniwala ako na hindi yun ang gusto ni Ford sakin. " Nakangusong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
General Fiction(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...