Agad kong sinara ang pinto at nakita ko naman si Clyde na nakasandal sa kotse niya at nakatingin sa sapatos niya na akala mo e andun ang buhay niya. Naglakad ako palapit sakanya at mukhang napansin niyang may tao sa paligid kaya inangat niya ang tingin niya. Ang lakas ng dating niya, para siyang isang maginoong lalaki na nag mamay ari ng puso ko, ay charot! Nag mamay ari ng ilang kumpanya ang ibig kong sabihin. Talagang mapapalingon ang kung sino mang titingin sakanya kaya hindi na ako mag tataka mamaya sa party kung iwan niya ako bigla dahil sa nakahanap siya ng mas magandang date.
Nagtama ang mga tingin namin at kitang kita ko ang paglunok niya ng ilang beses habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Uhm hi?" naiilang na tanong ko, hindi ako mapakali sa mga tingin niya. Bukod pa don, sobrang gwapo niya din at hindi ko rin maiwasang hindi siya pasadahan ng tingin. Mula sa buhok niyang maayos papunta sa mga mata niyang hindi ko malaman kung ano ang emosyon. Bumaba ang tingin ko sa ilong niya pababa sa labi niyang masarap halikan. Kung mapagbibigyan lang talaga ang hiling kong mahalikan siya nako! Pwede na akong mawala sa mundo pero syempre charot lang, mas maganda kung maging asawa ko siya. Pero mukhang hanggang panaginip lang yon actually kahit sa panaginip hindi nangyayari e. Muli kong pinasadahan ang kabuuan niya ilang beses ko na siyang nakitang naka tuxedo o kung ano pa pero sobrang gwapo niya pa din talaga. Na mamagnet ang mga mata kong tumingin lang sakanya.Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang lumakad palapit sakin at mas lalong nag wala ang puso ko nang hapitin niya ako sa bewang palapit sakanya. Hinalikan niya ako sa pisngi na siyang muntik ng mag pawala ng malay sakin pero pinigilan ko ang sarili kong wag gumawa ng kahihiyan kahit kanina ko pa gustong mag lupasay dahil sa kaba, kilig at sayang nararamdaman ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang hininga niya sa bandang tenga ko.
"Parang mas gusto kong iuwi kana lang sa bahay at wag na pumunta sa party para di nila makita kung gano ka kaganda at ka sexy" bulong niya sa tenga ko at nag sitayuan naman ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. Pero hindi dapat ako mag pa apekto. Kailangan ko siyang itulak pero katawan ko mismo ang hindi sumusunod sakin. Damn it!
"Ahm, sir...m-mas mabuti po sigurong umalis na tayo at pumunta sa p-party." Pinipilit kong kumalma pero mukhang hindi mangyayari yun lalo na't ganito siya kalapit sakin. Baka ma rape ko ang lalaking 'to ng wala sa oras jusko! Kababae kong tao pero ang halay ko, pag dating lang naman sakanya kaya okay lang.
"You smell good" Nakaramdam ako ng kiliti ng maramdaman kong inaamoy niya ang leeg ko pababa sa...
"Tama ka nga, kailangan na nating pumunta sa party bago pa kita maiuwi" Dumistansya siya sakin pero nakayakap pa din siya sa bewang ko pero mukhang walang nagawa ang pag distansya niya dahil sa ganun pa din ang nararamdaman ko. Bakit ba kasi ganito siya? Hindi ko na maintindihan ang mga kinikilos niya. Dati halos ayaw niyang lumapit sakin pero ngayon sobrang lapit na namin sa isa't isa. Ayokong umasa na baka parehas kami ng nararamdaman pero sa pinapakita niya, hindi ko maiwasang hindi umasa.
"Shall we?" Tanong niya sakin at tumango naman ako. Inalalayan niya ako papasok sa kotse niya at nang parehas na kaming nakasakay ay tinignan niya muna ulit ako ng ilang minuto bago pinaandar ang sasakyan. Nakakapanibago ang mga kinikilos niya at naiilang ako sa tuwing tinitignan niya ako, may kakaiba sa mga tingin niya. Hindi siya yung boss ko sa kumpanya ngayon. Ramdam kong isa siyang Clyde na siya talaga ngayong gabi at sana ay mag tuloy tuloy yun.
Ngayon lang 'to Patty, hindi ka dapat umasa sa pinapakita niya. Wala lang ito kailangan mong pigilan ang nararamdaman mo para hindi ka masaktan. Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Hindi nga talaga dapat ako umasa, ayokong mahati na naman sa ilang piraso ang puso ko. Pero bakit hindi kayang makinig ng puso ko? Bakit ganito?
Wala ni isa samin ang nag sasalita hanggang sa makarating kami sa party, well mukhang hindi nga ito basta party lang dahil nagkalat sa paligid ang mga business man and woman, ang iba ay nag uusap at mukhang tungkol sa trabaho ang pinag uusapan. Mygad, hindi man lang ba sila nag sasawa na puro trabaho lang ang ginagawa nila? Anyway, its a house party kaya naman madami kaming nadaanang mga tao papasok sa bahay ng nag paparty. Sa pag kakaalam ko ay birthday ng nag paparty at mukhang ito ang celebration niya. Marami din ang napapatingin samin at kung minsan ay nag bubulungan ang iba pero hindi na lang namin 'yon pinansin at deretsyong naglakad.
"Hey man! I thought hindi ka pupunta" Bati ni Steven Meneses. Isa sa mga business colleague ni Clyde also isa rin ito sa mga kaibigan niya.
"Happy Birthday man" Bati ni Clyde sakanya. Nanatili ako sa tabi ni Clyde at mukhang napansin naman ako ni Steven dahil matagal niya akong tinignan at mukhang kinukumpirma niya pa kung sino talaga ako.
"Miss Mendez?" Hindi makapaniwalang tanong ni Steven. Ngumiti naman ako at bahagyang niyuko ang ulo ko.
"Magandang gabi po sir at maligayang kaarawan sayo" Pormal na bati ko at nang iangat ko naman ang ulo ko ay pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa na siyang naging dahilan kung bakit naiilang ako ngayon. Talaga bang kailangan nila akong tignan mula ulo hanggang paa? Hindi ba pwedeng manatili na lang sa mukha ko ang atensyon nila? pero mukhang hindi ko naman sila masisisi masyadong pinapakita ng dress na to ang balat at ka sexyhan ko. Hindi sa pag yayabang pero may ipag mamalaki naman ang katawan ko.
"Wow! Hindi ko alam na mas may igaganda ka pa pala!" Manghang sabi niya at mas napangiti naman ako. Its not that bad, at least maganda pa din ako kahit hindi ganito ang ayos at pananamit ko.
"Thank you sir" Pormal kong sagot sakanya.
"Oh cut the sir, sweetheart! Its Steven" Pilyong sabi niya, lalaki nga naman! Magsasalita na sana ako pero naramdaman ko ang pag hapit ni Clyde sa bewang ko at mas nilapit ako sakanya. Damn! Ito na naman ang puso ko, hindi na naman ako makahinga ng maayos. Pesteng puso! Balak ata akong patayin.
"Stop looking and entertain my girl kung ayaw mong basagin ko mismo ang pag mumukha mo kahit kaibigan pa kita" Madilim ang mukhang banta ni Clyde kay Steven at nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa ikinikilos niya, at the same time kinikilig ako pero kailangan kong umayos! Hindi ito biro pro bakit mukhang nasisiyahan si Steven sa nakikita niya. Siraulo ata 'tong lalaking 'to e.
Tinaas ni Steven ang dalawa niyang kamay at natatawang tumingin kay Clyde. "Chill man! Now i confirm everything, delikado ka man. Bakuran mo yan ng maigi kung ayaw mong makuha sayo" Natatawang sabi niya bago kami iniwang dalawa ni Clyde sa sala ng malaking bahay, kung bahay ngang matatawag 'to.
Humarap ako kay Clyde at mag sasalita sana pero inunahan niya ako. "Wag mo na lang isipin kung ano yung sinabi ni Steven" Seryosong sabi niya at natikom ko naman ang bahagya kong nakabukas na bibig. "Also, wag kang lalapit sakanya at ayokong mawawala ka sa tabi ko naiintindihan mo?" Tanong niya at tumango na lang ako, napaka demanding naman nitong lalaking to.
"Lets go outside, alam kong nagugutom kana" Sabi niya at sakto ngang nakaramdam ako ng gutom. Inalalayan niya ako papunta sa labas at umupo kami isa sa mga bakanteng table. Iniwan niya naman ako saglit para kumuha ng pagkain namin. Tinignan ko lang si Clyde habang nag lalagay siya ng pagkain sa plato namin at habang nakatingin ako sakanya ay hindi ko maiwasang mapaisip. May parte sa utak ko na nag sasabing wag masyadong umasa dahil ngayon lang magiging ganito si Clyde pero may part din sakin nag sasabi na umasa ako at sumubok ako para malaman ko kung one sided love nga talaga ito. Ang tanging tanong lang talaga sa isip ko ay kung paano?
Paano ko malalaman na parehas ng kami ng nararamdaman? Paano ko malalaman kung mahal din ako ni Clyde?
Fuck one sided love!
**********
Ang image na nasa taas ay damit ni Clyde. Thank you sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Until The End [COMPLETED]
Ficción General(Seyon Series#1) Isa lang naman ang gusto ni Patricia, at yun ay ang mapansin siya ng taong matagal na niyang mahal. Lahat ay nagawa na niya para mapansin siya ng binata pero mukhang masyadong mapaglaro ang tadhana dahil maski kahit kaunti ay hindi...